1/39
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Tekstong Impormatibo
Ito ay naglalayong maglahad o magbigay ng impormasyon.
Tekstong Deskriptibo
Naglalayon itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari batay sa nakita, naranasan o nasaksihan.
Tekstong Persweysib
Tekstong ang layunin ay manghikayat at papaniwalain ang mga mambabasa.
Tekstong Naratibo
Ito ay nagsasalaysay o nag-uugnay sa mga pangyayari sa kapaligiran ayon sa pagkakasunod-sunod.
Tekstong Argyumentatibo
Naglalayon itong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang mapangatwiranan ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa.
Tekstong Prosidyural
Layunin naman ng tekstong ito na magbigay ng impormasyon kung papaano gagawin ang isang bagay.
Paksa
Ito ay ang kaisipang paulit-ulit at binibigyang-pokus at iniikutan ng mga pangungusap o bahagi na bumubuo sa teksto.
Paksang pangungusap
Pinaka-pokus o pangunahing tema sa pagpapalawak ng ideya.
Mga suportang detalye
Gumagabay na bigyang daan ang pagpapalawak sa ideya ng paksang pangungusap.
Paksang pangungusap
Kadalasan, makikita mo ang __________ sa unahang bahagi ng unang talata o maaari rin namang sa bandang hulihan ng pangwakas na talata
Di-Piksyon
Totoong pangyayari sa daigdig
Piksyon
Nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat
Unang Panauhan
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “AKO”.
Ikalawang Panauhan
dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit ng mga panghalip na “KA” o “IKAW”.
Ikatlong Panauhan
ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa mga tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “SIYA”.
Maladiyos na Panauhan
Nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Limitadong Panauhan
Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Tagapag-obserbang Panauhan
Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
dito ay hindi lang iisa ang tagapag- salaysay kaya’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Direkta o tuwirang pagpapahayag.
Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin.
batay sa pandama
nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
batay sa nararamdaman
bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan; at batay sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari.
Obhetibo o Karaniwan
Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng pinagbatayang katotohanan.
Subhetibo o Masining
Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
Subhetibo
ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-akda.
Obhetibo
naman ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-akda sa ibaba.
tekstong impormatibo
Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong “ekspositori”.
Una
sa pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan bataysa ipinapakita sa manwal.
Pangalawa
sa pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada at mga eksperimentong siyentipiko.
Panghuli
sa paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpaysa buhay at iba pa.
Ethos
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
Ethos
Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat,
Pathos
Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Logos
Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Konsepto
Paliwanag ng nabuo dahil sa malalim na pagiisip
Pananaw
paniniwala o pagkaunawa sa perspektibo ng tao
Saloobin
nararamdaman nadarama
isyu
paksang pinagtatalunan
kronolohikal
wastong pagkakasunod-sunod
kathang-isip
bunga ng isipan