1/57
FILIPINO MIDTERMS EXAM
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
MGA MAKRONG KASANAYAN
Mga kasanayan ng mga mag-aaral sa akademya tulad ng Pagbasa, Pagsusulat, Pakikinig, Panonood, at Pagsasalita.
Deductive Method
Paraan ng paglalahad ng impormasyon mula sa Main Idea patungo sa Supporting Idea.
Inductive Method
Paraan ng paglalahad ng impormasyon mula sa Supporting Idea patungo sa Main Idea.
John Locke
Nagpakilala ng teoryang TABULA RASA.
TABULA RASA
Ang tao ay isang blangkong papel noong isinilang.
Kenneth Goodman
Ang pagbasa ay PSYCHOLINGUISTIC GUESSING GAME.
Coady
Mahalaga ang dating kaalaman sa pagbasa.
Kahulugan ng Pagbasa
Ito ay isang makrong kasanayan; pagtukoy sa mga simbolo at sagisag at pagkuha ng mensahe at kaalaman.
Teoryang Ibaba-pataas (Bottom-up)
Mula teksto patungong nagbabasa; ang nagbabasa ay walang alam sa kaniyang binabasa.
Teoryang Itaas-pababa
Mula sa nagbabasa patungo sa teksto; nakabatay ang nagbabasa sa dati niyang kaalaman.
Teoryang Interaktibo
Mula sa nagbabasa patungong teksto, at mula sa binabasa patungong nagbabasa. May interaksiyon sa nagbabasa at binabasa.
Pisyolohikal (na Aspekto ng Pagbasa)
Paggamit ng MATA sa pagbasa.
Kognitibo (na Aspekto ng Pagbasa)
Pagkuha (decoding) at pag-unawa (comprehension); Ginagamit ang UTAK sa pagpoproseso.
Komunikatibo (na Aspekto ng Pagbasa)
May kaugnayan sa wika gaya ng estruktura o gramatika, at semantika o kahulugan.
Panlipunan (na Aspekto ng Pagbasa)
Mayroong MABABASA SA KAPILIGIRAN.
Persepsyon (na Hakbang ng Pagbasa)
Kakayahang mabasa o mabigkas ang mga salita o simbolo.
Komprehensyon (na Hakbang ng Pagbasa)
Kakayahang maunawaan o maintindihan ang binabasa.
Reaksiyon (na Hakbang ng Pagbasa)
Kakayahan na humusga o magdesisyon matapos maunawaan ang binasa.
Asimilasyon/Integrasyon (na Hakbang ng Pagbasa)
Kakayahan na iugnay o maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang nabasa.
Iskiming
Hinahanap ang PANGKABUUANG IDEYA ng teksto.
Iskaning
Hinahanap ang TIYAK NA BAHAGI ng teksto.
Intensibong pagbasa
Isang uri ng pagbasa kung saan mayroong isang pokus na binabasa at mahalagang maunawaan part by part o word by word.
Ekstensibong pagbasa
May isang paksa o topic pero maraming binabasa ang mahalaga may kaugnayan. Mas marami mas mainam.
Kahulugan ng Teksto
Isang BABASAHIN na naglalaman ng mga mensahe at simbolo; nagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
Tekstong Akademik
Ginagamit sa larangan ng edukasyon at pananaliksik; layunin nitong magpaliwanag, magsuri, at magbigay ng bagong kaalaman batay sa ebidensya at pananaliksik.
Tekstong Propesyonal
Ginagamit sa partikular na larangan ng trabaho o propesyon; layunin nitong magbigay ng tiyak at praktikal na impormasyon para sa isang propesyonal na gawain o desisyon.
Bahagi ng Teksto: Panimula
Ang estilo ng pagsulat ay mula pangkalahatan (general) papuntang tiyak (specific) na impormasyon.
Bahagi ng Teksto: Katawan
Nakapaloob ang nilalaman at mga pansuportang dokumento gaya ng mga citations.
Bahagi ng Teksto: Wakas
Ang estilo ng pagsulat ay mula tiyak (specific) papuntang pangkalahatan (general) sapagkat nasa bahagi na ng konklusyon.
Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo
Layunin na maglarawan gamit ang mga detalye o deskripsiyon upang makabuo ng isang imahen o larawan.
Pang-uri o adjective
Naglalarawan sa pangngalan o noun.
Pang-abay o adverb
Naglalarawan sa salitang kilos o pandiwa.
Karaniwang Deskripsiyon
Obhektibo o objective na paglalarawan.
Malikhaing Deskripsiyon
Subhektibo o subjective ang paglalarawan; Gumagamit ng TAYUTAY o Figure of speech.
Kahulugan ng Tekstong Naratibo
Layunin na makapagsalaysay ng takbo ng pangyayari sa isang kuwento o sitwasyon.
Salaysay ng pangyayari
Pagkakasunod-sunod ng daloy ng kuwento.
Salaysay pangkasaysayan
May kinalaman sa naganap na pangyayari sa totoong kasaysayan.
Salaysay pantalambuhay
May kinalaman sa naging tala ng buhay ng isang tao.
Bayograpiya
Ibang tao ang nagsulat ng iyong kuwento o talambuhay.
Awtobayograpiya
Ikaw ang mismong nagsulat ng iyong kuwento o buhay.
Elemento ng Tekstong Naratibo: Banghay
Takbo ng pangyayari.
Elemento ng Tekstong Naratibo: Tagpuan
Lugar na pinangyarihan o pangyayarihan ng kuwento.
Tauhang Bilog o round
Nagbabago ang ugali, karakter o role sa kuwento.
Tauhang lapad o flat
Hindi nagbabago ang ugali, karakter o role sa kuwento.
Diyalogo (sa Narasyon)
Ang pagkukuwento ay puro usapan o linya lamang.
Foreshadowing (sa Narasyon)
May mga pahiwatig o klu sa susunod na mangyayari sa kuwento.
Plot twist (sa Narasyon)
May kakaibang paglihis ng direksiyon ng kuwento. May HINDI INAASAHANG mangyayari sa kuwento.
Kahulugan ng Tekstong Ekspositori
Pagpapaliwanag o pagbibigay ng impormasyon; Mahalagang MAKATOTOHAN ang impormasyong ibinabahagi.
Kahulugan ng Tekstong Prosidyural
Layunin na makapagbigay ng gabay, direksyon, panuto, o hakbang upang gawin o maisakatuparan ang isang gawain.
Resipi (na Tekstong Prosidyural)
Paano lutuin ang isang putahe gaya ng mga ulam
Manwal (na Tekstong Prosidyural)
May kinalaman sa kung paano gamitin o buohin ang isang bagay.
Kahulugan ng Tekstong Persweysiv
Makapanghikayat o panghihikayat; Pagkuha ng damdamdamin o simpatya para makapanghikayat
Ethos (sa Panghihikayat)
Karakter; May kinalaman sa kredibilidad ng tao
Pathos (sa Panghihikayat)
Nakatuon sa emosyon o damdamin ng nagbabasa o nakikinig
Logos (sa Panghihikayat)
May kinalaman sa pagiging lohikal; Palaging may rason o sa lohika nakabase
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Mapangatuwiran / Pangangatuwiran / Paninindigan; Pagtatanggol ng posisyon.
Proposisyon (sa Tekstong Argumentatibo)
Pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan.
Argumento (sa Tekstong Argumentatibo)
Pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya.