1/51
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
KAHULUGAN NG PAGSASALIN
Ang translation sa wikang Ingles ay nagmula sa salitang Latin na “TRANSLATIO” na nangangahulugang “pagsalin.”
Sa wikang Griyego, tinatawag rin itong “METAPHRASIS” na siyang pinagmulan naman sa Ingles ng salitang “metaphrase” na ang ibig sabihin ay “salita sa salitang pagsalin.” (Kasparek, 1983)
Metaphrasis – word-to-word translation
(Enani, 1997)
Pananaw sa pagsasalin
Ang pagsasalin ay isang modernong agham sa hanggahan ng pilosopiya, lingguwistika, sikolohiya at sosyolohiya at maituturing na mahalaga sa agham, sining at araling kultura.
(Chabban mula sa aklat ni Abdellah, 2002)
Pananaw sa pagsasalin
Isa itong mabusising trabaho sapagkat hindi pa ito natatakdaan ng estriktong siyentipikong panuntunan at patuloy na tumatanggap ng iba’t ibang anyo ng salin ng isang teksto.
Ito ay isang lubhang subhetibong sining na kaiba sa agham kung saan may tiyak na termino sa mga tiyak na konsepto
EUGENE NIDA, 1964
Pananaw sa pagsasalin
Ang pagsasalin ay pagbuo ng tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika: una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo.
THEODORE SAVORY
Pananaw sa pagsasalin
Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita (1968).
MILDRED LARSON
Pananaw sa pagsasalin
Ang pagsasalin ay ang muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika (1984)
PETER NEWMARK
Pananaw sa pagsasalin
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wikang gayon ding mensahe sa ibang wika (1988).
MGA LAYUNIN NG PAGSASALIN
Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
Mailahok sa pmabansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkat etniko ng bansa
Mapagyaman ang iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga tekstong naisalin
KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN
Patuloy na nalilinang ng pagsasalin ang iba’t ibang kasanayan sa komunikasyon
Pinauunlad nito ang kakayahan ng tagasalin sa paggamit ng wika. Pangunahing sangkap ng pagsasalin ang wika.
Hinuhubog ng pagsasalin ang disiplina sa pagkatuto at pagtuklas.
Binubuksan ng pagsasalin ang pagkilala at pagbubuo ng isang “bagong bayan’ sa mata ng tagasalin
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Ito ang proseso ng muling pagsulat sa ibang wika ng mga malikhaing akda tulad ng tula, dula, maikling kwento at iba pang anyong pampanitikan
Sinasalamin nito ang imahintibo intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akad; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito
Mga katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag (1997):
Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo)
Bukas sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, subhetibo)
Nakatuon sa anyo at nilalaman
Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mababasa
May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika
PAGSASALING SIYENTIPIKO/TEKNIKAL
Kabilang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya
SIYENTIPIKO
Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin
TEKNIKAL
Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unawain.
Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo.
Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta-basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL tungong TL (Landers, 2001).
MGA SULIRANIN SA MGA TEKSTONG SIYENTIPIKO/TEKNIKAL – MONA BAKER, 1992
Problem of Non-equivalence: source language concept not lexicalized in target language
Walang katumbas na salita sa tunguhang wika ang mga konsepto sa simulaang wika
DALAWANG PROBLEMA SA PAGTUTUMBAS SA FILIPINO
1.Paghihiram ng salita
1.1 Paghihiram na kultural
1.2 Paghihiram na political
2.Pagbabaybay ng mga salitang hiram
DALAWANG PANGUNAHING LAYUNIN NG PAGSALIN (ALMARIO, VIRGILIO, 2016)
Imitasyon o panggagaya
Reproduksiyon o muling-pagbuo
Imitasyon o panggagaya
Gawaing sumasaklaw sa paghahanap ng katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda.
“Pag-ibig sa Tinubuang lupa” salin ni Marcelo H. Del Pilar sa akda ni Rizal na “el Amor Patrio” na parehong sanaysay
Reproduksiyon o muling-pagbuo
Ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailanganb ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon. Maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naiintindihan ng mambabasa ng salin. Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla.
“Pag-ibig sa Tinubuang lupa” muling isinalin ang “El Amor Patrio” sa anyong Tula ni Andres Bonifacio, mas tinangkilik ng madla
Panahon ng Kastila
Kasintada din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa Pilipinas
Ang unang aklat na nailimbag, ang Doctrina Cristiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika
Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong moral o relihiyoso noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubonh wika (hal: tagalog, Cebuano, Kapampanagan etc.) sa layuning idoktrinahan ang mga Pilipino
Panahon ng Amerikano
Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles
Rolando Tinio maraming naisaling klasiko
National bookstore (1971) ipinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong pandaigdig gaya ‘Rapunzel,” “The little Prince” atbp.
Goodwill Bookstore - naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant abp.
The Children’s Communication Center - nagsalin at naglathala ng mga kuwentong mula Asya, Palaso ni Rama, Palaso ni Wujan atbp
Patakaran Bilinggwal
Pagsasalin ng mga materyales pampaaralan gaya aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.
Pagsasalin ng mga katutubong Panitikang Di-Tagalog
LEDCO (Language Education COuncil of the Philippines)
SLATE (Secondary Language Teacher Education)
Gumil (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano)
Ford Foundation - nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga proyektong pagsangguni at pagsasalin
Minako O’Hagan (2002)
Ayon kina ________, ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa.
Mga larang ng Araling Salin (Williams at Chesterman 2002)
Test analysis
Translation quality assessment
Translation of literary and other genres
Multi-media translation
Translation and technology
Translation history
Translation ethics
Terminology and glossaries
Translation process
Translator training
Translation profession
TATLONG YUGTO NG PROSESO NG PAGSASALIN
Paghahanda sa pagsasalin
Aktuwal na pagsasalin
Ebalwasyon ng Salin
TRANSLATION BRIEF
Ito ang tawag sa mga impormasyong sinagutan upang maging handa ang mga tagasalin sa materyal na kanilang isasalin
MGA DAPAT ISAKATUPARAN SA PAGHAHANDA NG SALIN
PAGPILI NG TEKSTO
PAGBASA SA SIMULAANG TEKSTO
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG SIMULAANG TEKSTO
PAGKILALA SA AWTOR AT/O PINAGMULAN NG TEKSTO
PAGTUKOY SA LAYON NG SIMULAANG TEKSTO
PAGKILALA SA PINAG-UUKULAN NG SALIN
PAGTUKOY SA TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSASALIN
IKALAWANG YUGTO: ANG AKTUWAL NA PAGSASALIN
PAGBUBUO NG INDIBIDUWAL NA SALIN
PAGPAPASYA PARA SA UNANG BORADOR
NAPAGKASUNDUANG UNANG SALIN
IKATLONG YUGTO
EBALWASYON NG SALIN
EBALWAYSON
Ang ________ ng salin ay ang paraan ng pagtataya kung naililipat ba nang sapat ang mensahe sa tunguhang lengguwahe.
MGA LAYUNIN NG EBALWASYON NG SALIN AYON KAY NEWMARK (Sipi nila Amlario et. al sa Patunabay sa Pagsasalin, 1996)
Mapabuti ang mga pamantayan sa pagsasalin
Maglaan ng may layon aralin para sa mga tagasalin
Magbigay ng linaw sa mga konsepto sa pagsasalin, partikular sa isang paksa o panahon.
Makatulong sa interpretasyon ng mga naisalin na ng naunang manunulat at nagsalin
Masuri ang pagkakaibang kritikal sa semantika at gramatika ng simulaang lengguwahe at tunguhang lengguwahe.
DALAWANG PARAAN NG EBALWASYON
Pagsubok sa Salin
Kritisismo ng Salin
PAGSUBOK SA SALIN
1.1 Pansariling Subok
1.2 Pagkonsulta sa Eksperto
1.3 Balik-salin
1.4 Pagsubok sa Pag-unawa
1.5 Pagtatanong sa Di-eksperto
1.6 Subok-gamit
1.7 Pagsubok sa konsistensi
KRITISISMONG PAMPAGSASALIN
Ang kahusayan ng isang salin ay masusukat lamang sa kung sino ang nagsalin, hindi kung paano ito isinalin. Dito pumapasok ang pangangailangan sa kritisismong pampagsasalin
APAT NA HAKBANG SA KRITISISMONG PAMPAGSASALIN
Suriin ang intensiyon, nangingibabaw na gamit ng wika, tono, tema, rehistro, estilo, kalidad, katangiang kultural, ipinalalagay na manunulat at lunan ng teksto sa Slatmagpanukalang angkop na metodo ng pagsasalin;
Gumawa ng masusing paghahambing ng teksto sa SL at TL na may pagbibigay-diin sa lahat ng mahahalagang pagkakaiba sa kahulugan,etilo, gamit at ideolohiya;
Tasahin ang pagkakaiba sa kabuuang impresyon sa pagitan ng teksto nasa SL at nasa TL;
Magkaroon ng pagtataya sa ginawang salin.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SALIN
Malinaw
Tumpak o naaayon
Natural ang daloy
Tekstong impormatibo
Nakatuon sa nilalaman ng mensahe.
Hal., tekstong nagbibigay-kaalaman gaya ng saliksik, teksbuk, ensiklopidya, atbp.
Ang pangunahing layunin ng tagasalin ay maipasa nang wasto ang mga kaalaman mula SL pa-TL
Tekstong Ekspresibo
Nakatuon sa anyo ng teksto
Hal., mga akdang pampanitikang gumagamit ng masining o matayutay na wika.
Ang pangunahing layunin ng tagasalin ay matumbasan ang estetika o ganda ng SL sa kaniyang TL.
Tekstong Operatibo
Nakatuon sa partikular na mga pagpapahalaga at padron ng pag-uugali
Mga tekstong humihiling o nanghihimok sa mambabasa na kumilos, mag-isip, o dumama ayon sa layunin ng teksto
Inaasahang maapektuhan nito ang opinyon ng mga tao, ang kanilang pag-uugali o lilikha ng reaksiyon sa kanila.
Karaniwan, ibinabagay ng tagasalin ang pagsasalin sa wika ng mga tatanggap ng salin.
Eugene A. Nida, 1914 - 2011
TEORYA BLG. 1: FORMAL VS DYNAMIC EQUIVALENCE
FORMAL EQUIVALENCE
Pinanatili ang anyo at nilalaman (form and content) ng SL.
Hindi lang mensahe ng orihinal ang pinanatili sa TL kundi maging ang mga pisikal na sangkap nito gaya ng bik POTA
Adheres closely to ST fomr – “quality of translation in which features of the form of the ST have been mechanically reproduced in the receptor language
“Involves the purely formal replacement of one word or phrase in the SL by another TL”
Layunin: allow ST to speak ‘in its own terms’ rather that attempting to adjust it to the circumstances of the target culture
Features:
Original wording
Not joining or splitting sentences
preserve formal indicators like punctuation marks or paragraph breaks
Explanatory note (kapag hiniram ang salita)
DYNAMIC EQUIVALENCE
Tinatawag ding functional equivalence
Nakatuon sa paghahatid ng kahulugan, hindi ng estruktura ng orihinal
Nakatuon sa paghahatid ng kahulugan, hindi ng estruktura ng orihinal.
“Quality of a translation in which the message of the original text has been so transported into the receptor language that the response of the receptor is POTA
Hindi ito malayang salin (free translation) na puwedeng tumiwalag ang tagasalin sa SL.
Sa halip, hinahamon nito ang tagasalin na balansehin ang pagiging tapat sa kahulugan at diwa ng orihinal habang ginagawa ding natural at katanggap-tanggap (hindi tunog-salin) ang salin para sa target audience.
PETER NEWMARK, 1916-2011
TEORYA BLG. 2: SEMANTIC VS COMMUNICATIVE TRANSLATION
SEMANTIC TRANSLATION
“attempts to render, as closely as the semantic and syntactic structures of the second language allow, the exact contextual meaning of the original” (1981, p. 39)
may pagkiling sa SL
Literal
tapat sa may-akda ng simulaang teksto
nananatili sa orihinal na kultura
COMMUNICATIVE TRANSLATION
“attempts to produce on its readers an effect as close as possible to that obtained on the readers of the original” (1981, p. 39)
may pagkiling sa TL
malaya at idyomatiko
nakatuon sa magiging puwersa kaysa sa nilalaman ng mensahe
iniaangkop sa kultura ng mambabása
Lawrence Venuti (1953 – xx)
TEORYA BLG. 3: DOMESTICATION VS. FOREIGNIZATION
DOMESTICATION VS. FOREIGNIZATION
Kinikilala ang matalik na ugnayan ng wika at kultura sa pagsasalin.
Itinatanong nito sa tagasalin: ipararanas ba ang kultura ng simulaang teksto o iaayon ang teksto sa kultura ng mambabása?
DOMESTICATION
Inilalapit at inilalapat ang teksto sa konteksto ng mga mambabása sa paggamit ng mga salitang lokal o higit na pamilyar sa kanila kaysa sa mga terminong banyaga.
FOREIGNIZATION
Pinananatili ang mga terminong kultural ng SL gaya ng mga pangalan ng tao (hal., “Fernando de Magallanes” sa halip na “Ferdinand Magellan”); konsepto (hal., “yin at yang”, “hara-kiri”, “karma”); mga katawagan sa pagkain, pananamit, at iba pang sining (hal., “kimchi” sa halip na “buro”, “hanbok” sa halip na “tradisyonal na kasuotang Koreano”); pangalan ng mga kalye, lugar, institusyon, atbp. (hal., “Harvard University” sa halip na “Unibersidad ng Harvard”, “East Coast/West Coast” sa halip na “Silangan/Kanlurang Baybayin”); at iba pa.
HANS VERMEER, 1930-2010
TEORYA BLG. 4: TEORYANG SKOPOS
TEORYANG SKOPOS
Skopos – salitang Griyego na nangangahulugang “purpose”.
Naiimpluwensiyahan ang salin ng layuni kung bakit ba ito ginagawa; paan pinakaepektibong makakamit an intensiyon sa pagsasalin?