Reviewer sa Ekonomiks at Pagkonsumo

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/31

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

MGA LECTURE FLASHCARDS: Isang hanay ng mga vocabulary flashcards tungkol sa batayang konsepto ng ekonomiks, mga sistemang pang-ekonomiya, produksyon, at mga pamantayan at pananagutan ng konsyumer.

Last updated 5:36 AM on 8/29/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

32 Terms

1
New cards

Konsyumer (o Mamimili)

Ang tawag sa mga taong kumukunsumo o bumibili ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

2
New cards

Pangangailangan

Mga bagay na kapag nawala ay nagdudulot ng matinding paghihirap o mga bagay na hindi mabubuhay ang mga tao kung wala ang mga ito.

3
New cards

Kagustuhan

Mga bagay na nagpapagaan ng pamumuhay at nakakatulong upang mas mapabilis ang mga gawain, ngunit maaari pa ring mabuhay ang mga tao kahit wala ang mga ito.

4
New cards

Traditional Economy

Unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya kung saan ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

5
New cards

Market Economy

Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan at ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa pansariling interes.

6
New cards

Command Economy

Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng sentralisadong ahensiya.

7
New cards

Mixed Economy

Sistemang pang-ekonomiya na kinapapalooban ng pinagsamang elemento ng market economy at command economy.

8
New cards

Presyo

Tumutukoy sa halagang katumbas ng produkto o serbisyong ating binibili.

9
New cards

Demonstration Effect

Salik ng pagkonsumo kung saan ang mga mamimili ay madaling maimpluwensyahan ng mga bagay na kanilang nakikita o naririnig sa telebisyon, radyo, o social media.

10
New cards

Produksyon

Proseso ng pagpapalit-anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.

11
New cards

Input

Ang mga salik na ginamit at kinailangan upang mabuo ang isang produkto.

12
New cards

Output

Ang produktong nabuo mula sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon, tulad ng mesa at silya.

13
New cards

Lupa

Salik ng produksyon na may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang.

14
New cards

Lakas-Paggawa

Salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

15
New cards

White-collar Job

Uri ng lakas-paggawa na binubuo ng mga manggagawang may kakayahang mental.

16
New cards

Blue-collar Job

Uri ng lakas-paggawa na binubuo ng mga manggagawang may kakayahang pisikal.

17
New cards

Kapital

Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto upang mas maging mabilis ang paggawa.

18
New cards

Entrepreneurship

Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo at mag-ugnay sa iba pang mga salik ng produksiyon.

19
New cards

Mapanuring Kamalayan

Tungkulin ng mamimili na maging listo at mausisa tungkol sa gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod.

20
New cards

Bureau of Food and Drugs (BFAD)

Ahensiya ng pamahalaan na tumutulong hinggil sa hinaluan, pinagbabawal, o maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.

21
New cards

Department of Trade and Industry (DTI)

Ahensiya ng pamahalaan hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya, tulad ng maling etiketa ng produkto at madayang gawain ng mangangalakal.

22
New cards

Energy Regulatory Commission (ERC)

Ahensiya na tumatanggap ng reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mangangalakal ng Liquified Petroleum Gas.

23
New cards

Ekonomiks

Isang sangay ng Agham Panlipunan na mayroong layuning pag-aralan ang kilos at pagsisikap ng mga tao sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

24
New cards

Oikonomia

Salitang Griyego kung saan nagmula ang salitang Ekonomiks, na hango sa oikos (bahay) at nomos (pamamahala).

25
New cards

Maykroekonomiks

Sangay ng ekonomiks na sumusuri o tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa tulad ng mga maliliit na negosyo, sambahayan, at bahay-kalakal.

26
New cards

Makroekonomiks

Sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa kabuuang dimensyon ng ekonomiya at nakatuon sa pag-aaral sa buong ekonomiya ng isang bansa.

27
New cards

Trade-off

Pagpapaliban ng pagbili o pagpili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.

28
New cards

Opportunity Cost

Tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

29
New cards

Incentives

Mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang halaga na makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon.

30
New cards

Marginal Thinking

Proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking potensyal na balik kaysa sa gastos.

31
New cards

Kakapusan

 Isang permanenteng kondisyon kung saan ang mga resources ay hindi sapat upang matugunan ang lahat ng walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

32
New cards

Kakulangan

Isang pansamantalang sitwasyon na nangyayari kapag ang demand para sa isang partikular na produkto o serbisyo ay mas mataas kaysa sa kasalukuyang suplay.