Looks like no one added any tags here yet for you.
Talumpati
Panahon pa lamang ng mga Griyego at hindi pa uso ang paglalathala ay mayroon nang isang uri ng diskurso na itinatanghal at binibigkas sa mga tagapakinig o sa publiko.
Talumpati
Isa itong uri ng sanaysay na binibigkas at pinakikinggan. Isa rin itong uri ng pakikipagtalastasang pangmadla na nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay, at nangangatwiran sa paraang pabigkas.
U.P Diksiyonaryong Filipino
ang talumpati ay isang “pormal na pahayag sa harap ng publiko” at “pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.”
Talumpati
ang kasanayang ito ay magagamit habambuhay ng isang tao. Hindi lamang ito gawain para sa pampaaralan o akademiko. Kasanayan at kaalaman itong magagamit ng sinoman.
Teksto
Pagtatanghal
Dalawang Elementong Taglay Ang Talumpati
Apology of Socrates, 399 B.C.
bersiyon ni Plato ng talumpati ni Socrates na ipinagtatanggol ang sarili laban sa mga akusasyon
Sermon on The Mount, 30 A.D.
koleksiyon ng mga pangaral ni Hesus sa Bundok Sinai tungkol sa tamang asal at gawi ng mabuting sumasamba sa panginoon.
The Farewell Sermon, 632 A.D
binigkas ni Propeta Muhammad bago siya mamatay.
Abolish the Slave Trade, 1791
apat na oras na talumpati ni William Wilberforce.
Gettysburg Address, 1863
talumpati ni Abraham Lincoln
1939
Talumpating binigkas sa radyo ni King George VI sa mga mamamayan ng Britanya at ng Komonwelt para sa napipintong pakikipagdigmaan laban sa Germany (kamakailan lang ay naging pelikula ito na pinamagatang King’s Speech na pinagbibidahan ni Colin Firth)
We Shall Fight on The Beaches & This Was Their Finest Hour
mga talumpating itinanghal sa radyo ni Winston Churchill na nag akong hindi susuko sa digmaan
Quit India, 1942
talumpati ni Mohandas K. Gandhi na nagpapahayag ng pagtutol sa pananakop ng Britanya sa India
The Light Has Gone Out In oUr Lives, 1948
talumpating binigkas ni Jawaharlar Nehru kaugnay sa pagpaslang kay Gandhi
Atoms For Peace, 1953
talumpati ni dwight Eisenhower na humihiling ng maingat at mapayapang paggamit ng atomic power
I have A Dream, 1963
talumpating binigkas ni Martin Luther King Jr. upang humiling na wakasan ang diskriminasyon sa mga Afro- American
Tear Down This Wall, 1987
talumpati ng paghiling ni President Ronald Reagan ng Estados Unidos kay Mikhail Gorbachev ng Soviet Union upang wasakin ang Berlin Wall
2001
Talumpating binigkas ni Presidente George W. Bush kaugnay sa trahedya ng pagbomba sa World Trade Center sa New York noong Setyembre 11
Last Lecture, 2007
talumpati ni Randy Pausch, isang propesor sa Carnegie Mellon University na may malumhang karamdaman
A New Beginning, 2009
talumpating binigkas ni President Barack Obama sa Cairo, Egypt upang muling repasuhin ang pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos sa mga lipunang Islamiko
20 Speeches that Moved a Nation (2002)
ang mga talumpating naging mahalaga dahil sa historical at kontrobersyal nitong taglay.
Talumpati ng Pagtanggap
ay laganap sa mga programa ng paggawad o pagkilala sa kahusayan ng isang tao.
Talumpati Sa Pagtatapos
ay kadalasang binibigkas ng natatanging mag-aaral na may pinakamataas na Grado o pinakamatagumpay sa klase Tuwing pagtatapos.
Luksampati
ay nagsisilbing parangal at paggunita sa alaala ng isang taong yumao.
Talumpati ng Pamamaalam
ay bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa bansa, o pagbibitiw sa propesyon.
Impormatibong Talumpati
ay naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng bagong pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang na rito ang State of the Nation address (SONA) ng Pangulo ng Pilipinas upang itanghal sa mamamayan ang kaniyang tagumpay at mga proyekto.
Talumpati ng Pag-Alay
ay maaaring papuri sa piling tao, bayani, o panauhing pandangal.
Brindis
ay bahagi ng ritwal sa isang salusalo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa taong pararangalan
Talumpating Impormatibo
ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig.
Talumpating Naglalahad
ay halos katulad din ng impormatibong talumpati, ngunit may kasama itong demonstrasyon habang naglalahad ng impormasyon
Talumpaing Mapanghikayat
ay naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig na kumikilos tungo sa pagbabago
Talumpating Mapang-Aliw
ay madalas na maririnig sa mga personal na salusalo, gaya ng anibersaryo, kasal, kaarawan, o victory party. Maririnig din ito sa comedy bar na ang host ay nagbabahagi ng mga katawa-tawang karanasan sa buhay.
Simula
Ito ang pang-akit ng atensiyon
Kailangang mag-isip ang mananaysay ng estratehiya upang makuha kaagad ang atensiyon ng tagapakinig.
Pagkaraang makuha ang atensiyon, mahalagang maipahayag ang pangunahing pangungusap (thesis statement) ng talumpati.
Katawan o Nilalaman
nagkakaroon ng gitna sa sistematiko at organisadong paglalatag ng mga punto, ideya, at iba pang nais sabihin.
malaking tulong ang pagbabalangkas upang magabayan ang sinoman sa gawaing ito.
malaking tulong din ang pananaliksik upang magkaroon ng nilalaman ang talumpati.
maaaring gunitain ang sariling karanasan bilang materyal sa isasagawang talumpati.
Kongklusyon
ito’y muling pag-uulit at pagdidiin sa mahahalagang punto ng binigkas na akda.
maaaring balikan ang pangunahing pangungusap upang mailarawan sa madla na ito ay natalakay nang husto.
bukod sa pagbubuod at paglalagom na kadalasang estratehiya sa kongklusyon, maaari ding mag-iwan ng hamon o tanong ang tagapagsalita.
maaring ding mag-imbita at manghikayat sa madla na kumilos tungo sa pagbabago.
Alamin kung sino ang magiging tagapakinig at kung ano ang okasyon.
Dito nakasalalay ang paraan at estilo ng pagsusulat kung pormal ba o impormal, kung gagamit ba ng mga teknikal na salita o mga jargon, at kung mahaba ba o maikli lamang ang talumpati batay sa interes at atensiyon ng tagapakinig
Alamin kung sino ang magiging tagapakinig at kung ano ang okasyon.
Dito nakasalalay ang paraan at estilo ng pagsusulat kung pormal ba o impormal, kung gagamit ba ng mga teknikal na salita o mga jargo at kung mahaba ba o maikli lamang ang talumpati batay sa interes at atensiyon ng tagapakinig.
Alamin kung ilang minuto o oras ang ilalaan para sa pagbigkas ng talumpati.
malaking tulong sa pag-eedit ng akda ang pagtiyak ng ilalaang oras.
Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay, o mayroon kang sapat na kaalaman.
kung ang paksa’y ibinigay sa iyo, sikaping magsaliksik at alamin ang sasabihin. Tandaan ang winika ni Richard Whately, “Preach not because you have to say something, but because you have something to say.”
Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng isasagawang pagbigkas.
ito ang magsisilbing gabay sa ihahandang talumpati. Lagi’t laging itanong sa sarili kung natutugunan ba ang mga ipinangakong layunin sa presentasyon.
Kumalap ng datos at mga kaugnayan na babasahin
makukuha ito ito sa pakikipanayam, pagsangguni sa mga eksperto, o pagmumuni sa sariling karanasan
Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati
dapat may mapulot ang tagapakinig sa binigkas na talumpati.
Balangkasin at suriin ang mga nakalap na datos
ito ang pinakahamon sa manunulat sapagkat ito ay paglikha ng disenyo ng mananaysay.
Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto ng talumpati.
isaayos ito ayon sa halaga at bigat.
Talakayin, pagyamanin, at paunlarin ang mga ideya.
pagkaraang maisagawa ang balangkas, kailangang bigyang-katawan at laman ang pundasyon ng talumpati.
Ihanda ang mabisang kongklusyon.
mahalagang hakbang ito sa pagsusulat dahil ito ang mag-iiwan ng kakintalan sa tagapakinig
Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati
maaaring gumamit ng mga salitang “ayon kay”, “sabi nga ni”, “sang-ayon kay”, o “winika ni”, bilang paggalang sa mga naunang manunulat
Kapag naisulat na ang unang borador, basahin ang teksto nang ilang ulit.
kaltasin ang mga pangungusap na walang halaga.
Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag-imprenta ng maraming kopya.
gawain ito sa malalaking font upang madaling basahin.
Basahin ang kopya nang paulit-ulit.
lagyan ng mga marka kung kailan hihinto.
Posisyong Papel
naglalahad ng panindigan hinggil sa isang problema o isyu
Posisyong Papel
Inilalahad nito ang pagkiling/ pagkampi o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isang isyu
Posisyong Papel
Ipinapakita rito ang mga argumento ng kabilang panig at isa-isang binabaklas ng posisyong papel ang mga argumentong ito nang may suhay o batayan
500-700
Karaniwang may ___ hanggat ___ salita ang isang posisyong papel.
malinaw ang tesis ng papel.
Unahin ang pinakasimpleng dahilan hanggang sa pinakamabigat na dahilan
Ipakita ang argumento ng kabilang panig
Ipakita ang kahinaan ng kabilang panig at kung bakit hindi dapat paniwalaan ang sinasabi nito.
Sa huli, kailangan nito ng paglalagom
Estruktura ng Posisyong Papel