Looks like no one added any tags here yet for you.
Disyembre 30, 1937
Ipinroklama ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Saligang Batas ng 1935.
1940
Inatasan ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Hunyo 7, 1940
Isinabatas ang Batas Komonwelt Blg. 570, kung saan ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino.
Agosto 13, 1959
Sa ilalim ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon, opisyal na tinawag ang Wikang Pambansa na Pilipino.
Oktubre 24, 1967
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, na nag-aatas na ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
Marso 27, 1968
Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172, na nag-uutos na gamitin ang Pilipino sa mga opisyal na letterhead ng mga kagawaran ng gobyerno.
Pebrero 2, 1987
Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987, itinakda na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Filipino.
1987
Pinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura, at Palakasan (DECS) ang Kautusan Blg. 52, na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo kasabay ng Ingles sa ilalim ng Bilingual Education Policy.
Hunyo 1997
Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041, na nagtatakda na ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Filipino.
Tagalog (1937)
Batayan ng wikang pambansa.
Pilipino (1959)
Unang opisyal na tawag sa pambansang wika.
Filipino (1987)
Kasalukuyang tawag sa pambansang wika, isang lingua franca na sumasalamin sa iba't ibang wika sa Pilipinas.