Araling Panlipunan Flash Cards

0.0(0)
studied byStudied by 0 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/20

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

21 Terms

1
New cards

Pamahalaang Militar

Tinaguriang unang pamahalaan ng mga Amerikano sa Pilipinas, itinatag noong Agosto 14, 1898 at pinamunuan ng gobernador-militar hanggang Hulyo 4, 1901.

2
New cards

Layunin ng Pamahalaang Militar

Pigilan ang mga pag-aalsa laban sa Amerikano at panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa bansa.

3
New cards

Kapangyarihan ng Gobernador-Militar

Taglay ang tatlong sangay ng pamahalaan: ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.

4
New cards

Komisyon ng Pilipinas

Komisyon na ipinadala ng Estados Unidos upang siyasatin at iulat ang kalagayan ng Pilipinas.

5
New cards

Komisyong Schurman

Unang komisyong ipinadala noong 1899 na pinamunuan ni Jacob Schurman.

6
New cards

Rekomendasyon ng Komisyong Schurman

Itatag ang kongreso, pamahalaang lokal, at mga paaralan; buwagin ang pamahalaang militar kung may kapayapaan na; Pilipinas ay hindi pa handa sa kasarinlan.

7
New cards

Komisyong Taft

Pangalawang komisyon noong 1900, pinamunuan ni William Howard Taft upang ihanda ang bansa sa pamahalaang sibil.

8
New cards

Spooner Amendment

Susog na nagpapahintulot sa pagtatatag ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar.

9
New cards

Pamahalaang Sibil

Itinatag noong Hulyo 4, 1901; pinamumunuan ng gobernador-sibil (na tinawag ring gobernador-heneral); si William Howard Taft ang una.

10
New cards

William Howard Taft

Unang gobernador-sibil ng pamahalaang sibil; minahal ng mga Pilipino dahil sa makataong pamumuno at patakarang "Pilipinas para sa mga Pilipino."

11
New cards

Mga Gobernador-Heneral

Mga sumunod na pinuno matapos si Taft: Luke Wright, Henry Ide, James Smith, William Forbes, at iba pa.

12
New cards

Patakarang Pasipikasyon

Patakaran ng mga Amerikano upang panatilihin ang katahimikan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga kritiko at panunupil sa nasyonalismo.

13
New cards

Patakarang Kooptasyon

Patakaran kung saan ang mga Pilipinong sumang-ayon sa pamahalaan ay binibigyan ng posisyon; layuning mapaamo ang mga elite.

14
New cards

Macario Sakay

Nagtatag ng Republika ng Katagalugan; lumaban sa mga Amerikano at hinatulan ng kamatayan.

15
New cards

Sedition Law (1901)

Batas na nagpaparusa sa mga nagsusulong ng rebelyon at kalayaan laban sa Amerikano.

16
New cards

Brigandage Act (1902)

Batas laban sa mga tulisan o armadong grupo; ang mga rebolusyonaryo ay tinuring na tulisan.

17
New cards

Flag Law (1907)

Batas na nagbabawal sa paggamit ng bandila ng Pilipinas at iba pang makabayang simbolo.

18
New cards

National Defense Act

Batas sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt na layuning palakasin ang pambansang seguridad sa pamamagitan ng sandatahang lakas.

19
New cards

Women's Suffrage Act

Batas na nagbigay sa kababaihan ng karapatang bumoto.

20
New cards

Pambansang Wika

Pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa noong Disyembre 30, 1937.

21
New cards

Katarungang Panlipunan

Layunin ng Komonwelt na magkaroon ng balanseng kalagayang ekonomiko at panlipunan sa bansa.