1/10
Mga bokabularyo at pangunahing konsepto ukol sa kasaysayan, pag-unlad, kayarian ng pantig, at alituntunin sa pagpapantig sa Alpabeto at Ortograpiyang Filipino.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Alibata
Ang sariling sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino gamit ang kanilang alpabeto bago dumating ang mga Kastila.
Abecedario
Ang Alpabetong Romano na ipinalit ng mga Kastila sa lumang Alibata.
Sobre la Nueva Ortografia dela Lengua Tagala
Ang artikulong inilathala ni Dr. Jose Rizal kung saan inilahad niya ang mga tuntunin ng bagong ortograpiyang Tagalog.
ABAKADA
Ang bagong alpabeto na binalangkas ni Lope K. Santos noong 1940 na binubuo ng 20 titik (15 katinig at 5 patinig).
Lupong Sanggunian
Ang lupon na nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1971 na nagpasyang dagdagan ng labing isang titik ang dating Abakada (C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X).
Pantig
Isang salik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Simbolong K at P
Mga simbolong ginagamit sa pagtukoy ng kayarian ng pantig kung saan ang K ay kumakatawan sa katinig at ang P sa patinig.
Pagpapantig
Paraan ng pagbabahagi ng salita sa mga pantig.
Pag-uulit ng Pantig (Patinig)
Tuntunin kung saan ang patinig lamang ang inuulit kapag ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig.
Pag-uulit ng Pantig (KP Kayarian)
Tuntunin kung saan ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit kapag ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa Katinig-patinig.
Pag-uulit ng Pantig (KK Kayarian)
Tuntunin para sa unang pantig na may klaster na katinig kung saan maaaring inuulit lamang ang unang katinig at patinig, o inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig.