1/46
MAIKLING KWENTO
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Binubuo ng 5 hanggang 20 pahina
Ano Ang Maikling Kwento?
1.Maikli at kayang tapusin sa isang upuan lamang
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin kailangang lutasin
3. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas.
4. Nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mambabasa
Katangian ng Maikling Kuwento
1. Ang mga taong nagmamadali ay makakabasa nito sa isang upuan lamang dahil nangangailangan lamang ito ng kaunting panahon para matapos.
2. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa,
3. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento.
4. Nagiging isang paraan ito upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.
Kahalagahan ng Maikling Kuwento
SIMULA-Tauhan-Sulyap sa Suliranin-Tagpuan
GITNA-Saglit na Kasiglahan-Tunggalian-Kasukdulan
WAKAS-Kakalasan-Kalutasan
Bahagi ng Maikling Kwento
Tauhan
Tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.
Pangunahing Tauhan
Mga Tauhang Kinikilala:
pinakamahalagang tauhan ng isang akda.
sa kanya umiinog ang kasaysayan ng akda.
Katunggaling Tauhan
ang sumasalungat sa hangarin ng pangunahing tauhan
Malaga ang ginagampanang papel ng katunggaling tauhad dahil siya ang nagbibigay ng buhay sa daloy ng pangayyari ng akda.
c. Mga Katuwang na Tauhan
mga karaniwang tauhan ng akda na kasama ng pangunahing tauhan bilang kapalagayan ng loob. nagbibigay ng suporta ang katuwang na tauhan sa pangunahing tauhan at ilang tagpo ng akda.
d. May-akda
Ayon kay Domingo Landicho, sa kanyang manwal sa pagsulat ng maikling kuwento, ang pangunahing tauhan at ang awtor ay magkasama o magkasanib sa loob ng akda, kung saan ang kilos at tinig ng tauhan ay kontrolado at sinusubaybayan ng kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Tauhang lapad (plain character) – tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan.
Tauhang bilog (round character) – tauhang may multidimensional o maraming saklaw ang personalidad. Nagbabago ang kanyang pananaw, at damdamin ayon sa pangangailangan.
DALAWANG URI NG TAUHAN
Tuwirang pagpapahayag
Kung binabanggit ng may akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan
b) Madulang pagpapahayag
Kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsalita niya.
Tagpuan
Tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.
Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
Banghay
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
PANIMULA
Ipinakikilala ang tauhan at lugar ng pinangyarihan ng maikling kwento.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Sa bahaging ito unang nagtatagpo ang mga tauhan. Dito rin ipinakikilala ang tunggaliang kinahaharap ng tauhan.
Kasukdulan
Ito ang tinaguriang pinakapana-panabik na bahagi.
Nahihiwatigan ng mambabasa kung mabibigo o
magtatagumpay ang tauhan.
KAKALASAN
Nagsasalaysay kung paano bibigyang solusyon
ang suliranin ng maikling kwento.
Wakas
Ang kahihinatnan o resolusyon ng kwento maaaring
masaya o malungkot
Suliranin
problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento.
5. Tunggalian
Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan.
Paksang Diwa/Tema
Tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha.
Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay.
Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.
Simbolo
Ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
Salitaan
Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.
Himig
Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kwento. Maaaring masaya ang kwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.
1. Katutubong Kulay
Binibigyang diin ang kapaligiran at ang pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Tauhan
Binibigyan diin ay ang paglalarawan sa pangunahing tauhan sa kwento. Ang kanyang kilos, paraan ng pagbitaw ng salita, kung paano siya mag-isip, at kung ano ang kanyang nararamdaman.
Pag-ibig
Ang diin ng kwento ay ukol sa pag- iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na katauhan
Katatawanan
Ang diin ng kwentong ito’y nagpapatawa at bigyang aliw ang mambabasa
Kababalaghan
Naglalaman ang kwentong ito ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at makatwirang isip.
Katatakutan
Ito ay mga pangyayaring kasindak-sindak.
Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagpapabago sa tauhan.
Ang Pamagat
Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:
1 Hindi pangkaraniwan
2 Kapansin-pansin
3 Kapana-panabik
Mga Pamagat na Dapat Iwasan
Pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”
Pamagat na magbubunyag sa lihim ng kwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail, Nagsisi”
Pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit”
PANGHALIP
Ang bahagi ng pananalitang ginagamit na panghalili sa isang pangngalan
Panghalip Panao
mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.
Kaukulan,Panauhan,Kailanan
Tatlong kakanyahan ng Uri Ng Panghalip
Palagyo
ginagamit bilang simuno o paksa ng pangungusap
Paari
mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay.
Palayon
mga panghalip bilang layon ng pandiwa
Panghalip Pamatlig
mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo.
Panghalip Panaklaw
Mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.
nakatingin
nakamasid
napipi
naumid
imbitasyon
paanyaya
patibong
bitag
lumagda
pumirma