1/106
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabuo ang mga salitang nakapagpahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw at ideya o opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.
WIKA
Nanggaling sa salitang Latin na nangangahulugang "dila" at "wika" o "lenguahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito ay naging language na siya ring ginamit na katumbas ng salitang lenggwahe sa wikang Ingles.
Linggua
Sa maraming wika sa mundo, ang dalwang salitang ito ay may halos magkakaparehong kahulugan. Ito marahil ay isang dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba't ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba't ibang posisyon ng dila.
Wika at Dila
Dalubhasang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika na sinasabing ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
Paz Hernandez at Panera (2003:1)
Dalubhasang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika na sinasabing ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain.
Cambridge Dictionary
Dalubhasang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika na sinasabing ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake o ng pagsusulat.
Charles Darwin
Dalubhasang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika na sinasabing ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Henry Allan Gleason Jr.
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Ang Sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na taglay nito. Ang antas ay maaaring tungkol sa tunog (ponolohiya), yunit ng salita (morpolohiya) o kayarian ng pangungusap (sintaktika)
May sistemang balangkas
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Sa pamamagitan ng mga sangkap ng pagsasalita “hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi lahat ng tunog ay makabuluhan “. Ponemik ang tawag sa tunog na nagpapabago sa kahulugan ng salita samantalang ponetik naman ang tawag sa tunog na kahit palitan ng ibang tunog ay walang kakayahang makapag-iiba ng kahulugan. Pasulat naman ang representasyon ng mga tunog na sinasalita.
Sinasalitang tunog o binibigkas na tunog
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Sa pag-aaral o paggamit ng wika, mahalagang isaalang-alang ang konsepto ng gramatika at retorika. Ang retorika ay nagbibigay ng linaw, bisa at kagandahan sa pahayag, ang gramatika naman ay nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag.
Pinili at isinaayos
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Ang wika ng isang partikular na pamayanan ay maaaring magmukhang katawa-tawa sa iba dahil ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa mga napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito.
Maaari ding saklawin nito ang paraan ng pagbigkas o pagbasa sa mga salita, ilang titik ang bubuo sa alpabeto at ang sistema ng panghihiram sa mga wikang katutubo at dayuhan. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat wika na sadyang ikinaiiba ng bawat isa.
Arbitraryo
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Walang wikang umunlad pa kaysa sa kultura, gayundin, walang kulturang yumabong nang hindi kasabay ang wika. Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian, karunungan at kinagawian ang siyang bumubuo sa kultura. Ang mga taong kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang pangangailangan sa buhay.
Kapantay o kaugnay ng kultura
PALIWANAG NG WIKA AYON KAY HENRY ALLAN GLEASON JR. Sinasalita ang tunay na wika. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Kung gayon, mahalagang gamitin ang wika sa pakikipagtalastasan.
Ginagamit sa komunikasyon
KATANGIAN NG WIKA
Sumasabay ang wika sa pagbabagong nagaganap sa mundo, patay ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Ang agham at teknolohiya ang nagpapalawak ng talasalitaan ng anumang wika ganoon din ang sistema ng pagsulat at ang palabaybayan.
Dinamiko o nagbabago
KATANGIAN NG WIKA
Ang pag-unlad ng isang buhay na wika ay natural dahil walang wikang puro.
Ang panghihiram ay paglinang sa isang wika upang maipahayag nang malinaw at maayos ang isang kaisipan.
Ang lahat ng wika ay nanghihiram
KATANGIAN NG WIKA
Lahat ng wika ay mayroong kaniya-kaniyang katangian na naiiba sa ibang wika. Mayroong sariling pangkat ng makabuluhang tunog, yunit panggramatika at sistema ng palabuoan ng salita at palaugnayan.
Natatangi o may sariling kakayahan
KATANGIAN NG WIKA
Ang pagkamalikhain ay makikita sa kakayahan ng tao lamang. Isang mabisang paraan ito sa pagunlad ng wika, naipahahayag ng tao sa wikang nakagisnan o natutuhan ang kabuluhan ng kaniyang mga karanasan, mga iniisip at kinagisnan batay sa hinihingi ng pagkakataon at pangangailangan.
Malikhain
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino at mayroong itong Konstitusyonal na batayan. Ang unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng 1987 nakasaad na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Wikang Pambansa
Ang unang bahagi ng artikulo nakasaad na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”.
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng 1987
Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dinamirami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa kumbensyong Konstitusyonal noong ____ ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinugsugan ni Manuel L. Quezon na noo’y pangulo ng Pamahalaang komonwelt ng Pilipinas.
1934
Ang pagsugsog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng saligang Batas ng ____ na nagsasabing: Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.
1935
Artikulo na nagsasabing Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng saligang Batas ng 1935
Noong Disyembre 30, ____ ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng wikang Pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng kautusang Tagapagpaganap BLg. 134 at magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.
1937
Kailan iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng wikang Pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng kautusang Tagapagpaganap BLg. 134 at magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.
Disyembre 30, 1937
Noong Disyembre 30, 1937, Iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng wikang Pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng anong kautusan? at magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.
Kautusang Tagapagpaganap BLg. 134
Dalawang taon matapos mapagtibay ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang itinuro ang wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
1940
Taon
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, sa araw ng pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, ____ ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
1946
Anong taon ang araw ng pagsasarili ng Pilipinas, ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
Hulyo 4, 1946
Taon
Noong Agosto 13, ____, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang pangkagawaran Blg.7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon sa panahong ito ay higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba’t ibang antas ng paaraan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa.
1959
Kailan pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa.
Agosto 13, 1959
Mula tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang ito na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon sa panahong ito ay higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino.
Kautusang pangkagawaran Blg.7
Ang kalihim ng Edukasyon noon sa panahong ito ay higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino.
Jose E. Romero
Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensiyong Konstitusyonal noong ____ kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3 Blg. 2
1972
Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa anong batas?
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3 Blg. 2
Sa Saligang Batas ng ____ ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
1987
Pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo niya ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipin
Dating pangulong Cory C. Aquino
Ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong pasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
Wikang opisyal
Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Wikang Panturo
Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1.
Unang Wika
Ito ay pagkakaroon ng bata ng exposure o pagkalantad sa iba pang wika sa kaniyang paligid na maaaring magmula sa magulang, telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kaniyang tagapangalaga, mga kalaro, kaklase, guro at iba pa.
Pangalawang Wika o L2
Ito ang natutuhan niya dahil lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami ang taong nakasasalamuha niya sa mga lugar na nararating niya at iba pa.
Ikatlong Wika o L3
Ang tawag sa pagpapatupad sa paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng sinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa na iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.
MONOLINGGUWALISMO
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito ay dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika. Balance Bilingguwal ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa situwasyon at sa taong kausap.
BILINGGUWALISMO
Isang Amerikanong Lingguwista, ang Bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.
Leonard Bloomfield (1935)
Isa pa ring lingguwistang nagsasabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panood, maliban sa kaniyang unang wika.
John Macnamara (1967)
Isang lingguwistang Polish-American, nagsabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Uriel Weinreich (1953)
Ang probisyon sa pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO
“Ang batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng Pambansang wikang Filipino Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
(Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973)
Ayon sa kanya ang probisyong ito ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa paghiling na ipatupad ang patakarang Bilingguwal Instruction. Ang patakarang ito ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat na maging katayuan ng Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Ponciano B. Pineda (2004: 159)
Dahil sa pagsusumikap ng SWP ay nilagdaan ang isang makasaysayang patakaran tungkol sa Bilingguwal Education, na nagsasaad na “ang dalawang wikang ito ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula grade 1 hanggang antas Unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”
Ingles at Pilipino
Noong taong ito, ang DepEd ay naglabas ng panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong Bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s.1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang sumusunod:
Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles.
Ang pariralang Bilingguwal Education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura. Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipinas ay Social Studies/ Social Science, Work Education, Health Education at Physical Eduacation, Ingles naman ang magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa gagamiting mga wikang panturo ay ituturo pa rin bilang mga asignaturang pangwika. Wala sa patakaran subalit itinakda ng mga panuntunang magagamit na wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng paaralan.
Hunyo 19, 1974
Tumutukoy sa mahigit na dalawang wikang ginagamit. Ang Pilipinas ay isang bansang Mutilingguwalismo. Mayroon tayong humigit kumulang 150 na wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwalismo. Karamihan sa atin lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon ang wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.
MULTINGGUWALISMO
Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa Kinder garten at sa Grade 1, 2 at 3. Anong tawag dito?
MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilinggual Education.
Ang pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa order na ito na kilala rin bilang Guideline on the Implementation of the Mother Tongue Based-Multilinggual Education (MTB-MLE). Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.
DO. 16, s. 2012
Sa Pananaliksik nila, napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
Ducher at Tucker (1977)
Naitalaga ang unang Walong Pangunahing Wika o Lingua Franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo rin bilang hiwalay na asignatura.
1. Tagalog
2.Kapampangan
3.Pangasinense
4.Ilokano
5.Bikol
6.Cebuano
7.Hiligaynon
8.Waray
9.Tausug
10.Maguindanaon
11.Meranao
12.Chavacano
Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wika kaya’t naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE.
Maliban sa mga nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay itinuturo rin bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Sa mas mataas na antas ng elementarya gayundin sa high school at sa Kolehiyo mananatiling Filipino at Ingles ang mga pangunahing panturo.
1.Ybanag-gamit ng taga-Tuguegarao, Cagayan at Isabela
2.Ivatan- gamit ng Batanes
3.Sambal- Zambales
4.Aklanon-Aklan at Capiz
5.Kinray-a- Antique
6.Yakan-ARMM
7.Surigaonon-Lungsod ng Surigao
Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo ng mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing “homogenous” ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et. al. 2003).
HOMOGENOUS NA WIKA
Hindi pare-pareho ang wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo ay napabibilang, at iba pa. Ipinakikita ng iba’t ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.
HETEROGENEOUS NA WIKA
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkakaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
Halimbawa: Tuwali/ Ayangan/ Kalanguya na dayalekto ng mga Ifugao, KanKanaey sa Benguet, Itneg sa Abra
DAYALEK
Isang uri ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibiduwal sa isang natatangi (unique) na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang estilo ng pananalita. Sa barayting ito lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita. Madalas nakikilala ang isang tao nang dahil sa kaniyang natatanging paraan ng pagsasalita o idyolek.
Halimbawa: Si “Kabayan” Noli De Castro sa “Magandang Gabi Bayan!”, Mike Enriquez- “Hindi naming kayo tatantanan!”
IDYOLEK
Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin - pansing ang mga tao ay napapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, opurtunidad, kasarian, edad at iba pa.
Halimbawa:
Gay Linggo na wika ng mga beki- (Churchill-sosyal, bigalou- Malaki, Juli Andrews-nahuli at iba pa.)
Conotic o Conyospeak- ito ay barayti na Taglish (“make-basa, make-lakad, Late na Us, Ride a Jeep na)
Jejemon o jejespeak – wikang Ingles at Filipino na may halong numero, mga simbolo, malalaki at maliit na letra (D2 na me, MuZtaH na).
SOSYOLEK
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa: Vakul - gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init o ulan
Kalipay - tuwa o ligaya
Palangga -mahal o minamahal
Bulanon - full moon
ETNOLEK
Ito ay barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa situwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap ay may mataas na katungkulan o kapangyarihan, o sa mga pormal na mga pagdiriwang, nagagamit din ito sa mga pormal na sulatin sa panitikan. Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, kapamilya o kasing-edad lang.
-Ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang teknikal na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina .
Halimbawa: Pormal – “Ako ay humihingi ng pasensya sa pagliban ko kahapon”.
Di pormal- Naubos ko na kahapon ang lahat ng aking datung.
*Ang propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit.
Halimbawa: Abogado-Objection your honor, sustained, overruled, case dismissed
REGISTER
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang hindi pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang tao nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang magkaiba ng unang wika kaya hindi nagkakaintindihan. Sa situwasyong ito ay gagamit sila ng bagong salita na halo upang magkaunawaan. Pidgin ang tawag sa salitang nabuo nila. Nagamit ang pidgin sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntunin na sinusunod ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag na Creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.
Pidgin at Creole
Ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Halimbawa: paggawa ng liham pangangalakal, patalastas tungkol sa produkto at pag-uutos.
Instrumental
ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. halimbawa;
Pagbibigay ng direksiyon katulad sa pagluluto, pagsagot sa pagsusulit at paggawa ng anumang bagay.
Regulatory
Qng tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag- ugnayan ng tao sa kapwa.
-Ito rin ang ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng komunikasyon. Halimbawa:
pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro- kuro, pagkukuwento ng masaya o malugkot na pangyayari sa buhay.
Interaksiyonal
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Halimbawa: pagsulat ng talaarawan.
Personal
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap, pagkuha o paghingi ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa: pakikipanayam, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbasa ng pahayagan.
Heuristiko
Ang tungkulin ng wika na may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa: pag-uulat, pagtuturo at paggawa ng pamanahong papel.
Impormatibo
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Imahinatibo
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
Panghihikayat (Conative)
Pakikipag-ugnayan sa kapuwa at makapagsimula ng usapan.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon.
Paggamit bilang sanggunian (referential)
Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Patalinghaga (Poetic)
Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa anong aklat?
Banal na aklat
“at pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop at ang mga ibon sa himpapawid at ang bawat ganid sa parang” ayon sa bersong ito ,magagamit kasabay ng pangkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Genesis 2:20
Ipinakikita ang pinagmulan ng pagkakaiba -iba ng wika (Ang Tore ng Babel)
Genesis 11: 1-9
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan ng mga taong tumuklas ng mga bagay na kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan.
Ebolusyon
Nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan halimbawa: boom naikabit sa pagsabog, splash sa paghampas ng tubig sa isang bagay, whoosh sa pag-ihip ng hangin.
Teoryang DingDong
Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop katulad ng bow-wow sa aso, ngiyaw sa pusa, kwak-kwak sa pato at moo sa baka.
Teoryang Bow-wow
Nagmula ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang makaramdam sila ng masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, kalungkutan at pagkabigla.
Teoryang Pooh-Pooh
Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama.
Teoryang Yo-he-ho
Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropologo kung paano umusbong o saan nagmula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at teorya ang nabuo patungkol sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino.
PANAHON NG MGA KATUTUBO
Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay mga grupo ng Negrito, Indones at malay
Teoryang Pandarayuhan
Isang amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala siya na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay mga grupo ng Negrito, Indones at malay
Dr. Henry Otley Beyer
Natagpuan ng pangkat niya ng arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa palawan taong 1962 napabulaanan ang teorya ni Beyer nang matagpuan ang bungong ito. Ito ay tinawag na taong Tabon Felipe Landa Jocano sa kaniyang pag-aaral ang taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking (peking man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang taong Java (Java man) kabilang sa Homo Erectus.
Dr. Robert B. Fox
Sa kaniyang pag-aaral ang taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking (peking man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang taong Java (Java man) kabilang sa Homo Erectus.
Felipe Landa Jocano
Makalipas ang ilang taon ay natagpuan niya ang isang buto ng paang sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalipas.
DR. Armand Mijares
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian.
*Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay na ng mga patakarang pangkabuhayan, kultura, at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, mahihinuha na sila man ay may sarili nang wikang ginamit bagama’t pinaniniwalaang walang isang wika wikang nanaig sa Pilipinas noon. Gayumpaman, napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo. May mga ebidensyang magpatutunay sa paggamit nila ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog na ng mananakop na Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng diyablo. Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananampalatayang katoliko.
Teorya ng Pandarayuhan Mula sa rehiyong Austronesyano
Ito ay hinango sa salitang latin na Auster na nangangahulugang south wind at _____ na ang ibig sabihin ay isla.
Austronesian
Nesos
Ang baybayin ay binubuo ng ilang titik, patinig at katinig? Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/.
Labimpitong titik-tatlong patinig at labing -apat na katinig
Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga kastila naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang kristiyanismo. Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko ,di sibilisado, at pagano ang mga katutubo noon kung kaya’t dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ngunit naging malaking usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katututbong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalaganap ng krisytiyanismo. Upang maisakatuparan nila ang kanilang layunin ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na na orden, ito ay ang agustino, pransiskano, dominiko, heswita at rekoleto .Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nagaral ng wikang katutubo, nakita nilang mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapanipaniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo, nasa kamay ng misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng mga Espanyol. Naging usapin ang wikang panturo na gagamitin sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod. Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila. Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo sa panahong ito, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espayol ang mga katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin.
PANAHON NG MGA ESPANYOL
Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik dahil sa pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga Pilipino sa kaapihang kanilang dinanas sa panahon ng Kastila. Maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagkaroon din ng kilusan ang propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik. Masasabing ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino ay nang pagtibayin ang konstitusyon ng Biak-na bato noon 1899. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagama’t walang isinasaad na ito ang magiging wikang Pambansa ng Republika. Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo. Isinasaad sa konstitusyon na ang paggamit ng wikang tagalog ay opsiyonal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng wikang tagalog ito gagamitin. Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa asembleyang konstitusyonal ang pangunahing dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga tagalog. Nakalulungkot isiping naging biktima ng politika ang wikang tagalog. Nag-uumpisa pa lamang sana itong lumago ay napailalim na naman ito sa dayuhang wika.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago ang situwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong ito. Sa dinamirami ng wika’t wikain sa Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang naging wikang panturo at ito rin ang ginamit na wikang pantalastasan. Buhat sa antas primarya hanggang kolehiyo, Ingles ang naging wikang panturo.
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno nino?
Almirante Dewey
Noong panahon nila nagkaroon ng pagsulong ang wikang Pambansa. Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang pagggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika, particular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. Sa panahong ito ipinatupad nila ang ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang hapones (Nihonggo). Upang maitaguyod din ang patakarang military ng mga Hapones pati narin ang propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na Philippine Executive Commision na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang komisyong ito ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.
PANAHON NG MGA HAPON