1/45
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Komunikasyon (ayon sa KWF)
Pasalita o pasulat na pakikipagtalastasan
Komunikasyon (ayon sa Merriam Webbster)
Pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag - ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan
Komunikasyon (ayon kay Cruz, 1988)
Proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
Komunikasyon (ayon kay Badayos, 2007)
Isang proseso – proseso ng patuluyang paglikha, paglalahad gayundin naman ng paghahatid ng mensahe makabuluhan man o hindi gamit ang nakagawiang simbolikong aksiyon ng tao.
Komunikasyon (ayon jay Marquez, 2020)
Pagsasalin, paghahatid ng balita, kuro-kuro, mensahe, kaalaman o impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan, at ideya mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa isang patutunguhan.
Tagapadala
ito ang pinagmumulan ng mensahe o tagagawa ng mensahe
Mensahe
impormasyong nais ipahatid
Tsanel
Nagsisilbing daanan ng mensahe patungo sa tagatanggap nito.
Tagatanggap
Tao o institusyon o programa na pinadadalhan ng mensahe.
Pidbak
Tugon, puna o reaksyon
Hadlang
Anumang bagay o pangyayari na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang usapan.
Modulo ng Komunikasyon
Linear, Interactional, Transactional
Linear Models
one-way communication lamang. hindi nangangailangan ng tugon sa kausap.
Interactional Models
two-way communication lamang. may pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng tagapadala at tagatanggap.
Transactional Models
kompleks na two-way communication. may ilang mga salik o factor na nakaaapekto sa pag-uusap.
Uri ng Komunikasyon
Pagbigkas, Pasulat, CMC
Pagbigkas
ritwal, epiko, kwentong-bayan, panulaan, alamat
Pasulat
alpabeto, gramatika, kumbensyong pangwika
CMC - Computer Mediated Communication
email, chat, messenger, social networking site
Antas ng Komunikasyon
Intrapersonal, Interpersonal, Organisasyonal
Intrapersonal
nakatuon sa sarili tulad ng dasal, meditasyon, pagninilay-nilay
Interpersonal
nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok
Organisasyonal
nagaganap sa loob ng organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan at pamahalaan
S.P.E.A.K.I.N.G.
Setting, Participants, Ends, Act Sequence, Keys, Instrumentalists, Norms, or Genre
Setting
saan nag-uusap
Participants
sino ang nag-uusap
Ends
paano tatapusin ang usap
Act Sequence
paano ang takbo
Keys
ano ang tono ng usapoan
Instrumentalities
pasulat o pasalita o may teknolohiya
Norms
ano ang paksa
Genre
paano mag-uusap
Anyo ng Komunikasyon
Berbal at Di-berbal
Berbal
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa pagpapahayag ng saloobin ng isang tao. Tiyak rin ito ang kongkreto ang mensahe.
Di-Berbal
Ang ginagamit na kasangkapan sa anyo ng komunikasyon nito ay ang kilos.
Oculesics
Sa klasipikasyong ito ng komunikasyon ay makabuluhan ang gamit ng mata.
Haptics
Tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos/hawak sa taong kinakausap.
Kinesics
Tumutukoy ito sa galaw ng katawan.
Objectics
Pinaniniwalaan na gumagamit tayo ng bagay tungo sa mabisang paglalahad ng mensahe.
Olfactorics
Gamit ang pang-amoy, batid din natin ang paglalahad ng mensahe.
Colorics
Ito ay ang pagtataglay ng kulay ng simbolo sa anyo ng pagpapakahulugan.
Pictics
Ito ay ang mas kilala natin sa wikang Ingles na, “facial expression”.
Iconics
Isang representasyon ng nararamdaman ng tao gamit ang mga simbolong kilala natin bilang icons.
Chronemics
idinidikta ng oras na kung saan ang bawat tao sa lipunan ay may oryentasyon sa oras o panahon na mayroon sila.
Vocalics
Tumutukoy naman ito sa tunog na nalilikha ng tao.
Proxemics
Distansiya ang klasipikasyon na magpapaalam sa relasyon ng dalawang taong nag-uusap.