1/17
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Makroekonomiks
- sangay ng Ekonomiks na tumutukoy sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
- pinag-aaralan nito ang mga pangyayari at pagdedesisyon ng isang bansa na maaaring makaapekto sa mundo at pangkalahatang ekonomiya
Tatlong Layunin ng Makroekonomiks
Ang pagsulong at paglago ng ekonomiya
Ang pagkakaroon ng ganap na trabaho para sa mamamayan
Ang panatilihing matatag ang presyo ng mga bilihin
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
isang modelo kung saan makikita ang paraan ng pag-ikot ng produkto at serbisyo, salik ng produksiyon, at kita sa dalawang mahalagang sektor ng ekonomiya: ang bahay-kalakal at ang sambahayan.
dalawang uri ng merkado
product market/commodity market at resource market/ factor market.
circular flow o paikot na daloy ng ekonomiya
ay isang payak na paglalarawan na kinapapalooban ng dalawang pangunahing sektor, ang sambahayan (household) at ang bahay-kalakal (firm).
Francois Quensay
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay denisenyo ng isang ekonimista sa katauhan ni ____ sa kaniyang aklat na TABLEAU ECONOMIQUE, inilathala noong 1758. Mula sa orihinal na zigzag diagram, ipinakita niya sa modelong ito kung sino ang gumagawa ng mga produkto at kung sino ang gumagasta bilang paraan para mas maunawaan at maipaliwanag ang dahilan ng paglaki nito
(1) Ang Ekonomiyang Barter
Inilalarawan nito ang isang simpleng ekonomiya. Sa modelong ito na ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring komokonsumo nito. Ang suplay ng bahay kalakal ay ayon sa demand o pangangailangan ng sambahayan.
(2) Ang Ekonomiyang Gumagamit ng Pera
Sa modelong ito ay magkaiba ang sambahayan at bahay- kalakal. Ang sambahayan ang pinagmumulan ng mga salik ng produksyon subalit walang kakayahan na gumawa ng tapos na produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto at serbisyo subalit kinakailangan niya ang salik ng produksyon na nagmumula sa sambahayan.
pamilihan ng salik na produksyon (factor markets)
May dalawang uri ng pamilihan ang makikita sa ikalawang modelo. Dito inilagak ng sambahayan ang mga salik ng produksiyon gaya ng kapital, lupa, paggawa at pagnenegosyo.
pamilihan ng tapos na produkto (commodity markets)
Dito dinadala ang tapos na produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal para ibenta sa sambahayan.
interdependence
Makikita sa modelong ito ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal kung saan sila ay magkaiba subalit kinakailangan nila ang isa't isa. Tinatawag ang ugnayang ito na _____
(3) Ang Ekonomiyang Gumagamit ng Pera at Nag-iipon
ipinapakita ang presensiya ng dalawang pangunahing sektor—ang sambahayan at bahay-kalakal kung saan isinaalang-alang ng dalawang sektor na ito ang mga desisyon sa hinaharap. Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo. Mula sa kita na halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay maari ang buong kita ay hindi ginagamit. Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon.
savings
paraan ng pagpapaliban ng paggastos
investment
ay paggasta ng bahay kalakal sa mga kapital upang mapalago ang produksyon. Nagkakaroon ng __ kapag ang ipon ay inilalagak para sa negosyo.
pamilihang pinansiyal (financial market)
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagaganap sa ____
(4) Ang Ekonomiyang Mayroong Tatlong Sektor
makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan. Bukod sa pagpapatupad ng mga batas, programa at mga polisiya sa bansa, tungkulin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kita mula dito ay tinatawag na public revenue.
public revenue
Ito ay ginagamit para makalikha ng pampublikong serbisyo at proyekto na tumutugon sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal.
(5) Ang Ekonomiyang Mayroong Apat na Sektor
ay tinatawag na open economy dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na nangangasiwa ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Ang perspektiba ng mga naunang apat na modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya ay sarado o domestic. Sa modelong ito, nagaganap ang kalakalang panlabas kung saan may mga gawain ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa.