1/13
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Kwentong Nagsasalaysay
Ang uring ito ay walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama't masaklaw, maluwang ang pagsasalaysay bagama't hindi apurahan.
Kwentong Makabanghay
kapag ang pagkakabuo ng pangyayari ang mahalaga.
Kwento ng Tauhan
inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa; kapag ang tauhan ang nangibabaw sa katha.
Kwento ng Katutubong Kulay
binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kwento ng Madulang Pangyayari
binibigyang diin ang kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento sa halip na sa mga tauhan sa kwento.
Ang kawilihan ay nababatay sa pagsusubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng tauhan.
Kwento ng Kababalaghan
pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala, kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.
Karaniwang likha ng mayamang guni-guni ng may-akda ang ganitong uri ng kwento.
Kwento ng Katatakutan
naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Damdamin, sa halip na ang kilos, ang binibigyang-diin sa uring ito.
Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan.
Kwento ng Katatawanan
Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari sa uring ito.
Kwento ng Pag-ibig
ang diwa ng kwento ay tungkol sa pag-ibig ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.
Kwentong Pangkapaligiran
kung ang paligid o isang namumukod sa damdamin ang namamayani; kwentong karaniwang ang paksa ay mahalaga sa lipunan.
Ito rin ay kadalasang patungkol sa kwentong tumatalakay sa kalikasan.
Kwentong Pampagkakataon
ito'y kwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari gaya ng pasko, bagong taon at iba pa.
Kwento ng Talino
ang kwentong ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin.
Ang may-akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang oras ng paglalahad.
Ang umaakit sa mambabasa ay ang pagkakabuo ng balangkas.
Ang ganitong uri ng kwento ay walang tiyak na katapusan.
Kwento ng Sikolohiko/Pangkaisipan
ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
Sa kwentong ito, sinisikap na pasukin ang kasuluk-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mambabasa.