1/7
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Sosyolek
Uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Halimbawa: “se” na pinauso ng kabataan sa text messaging.
Idyolek
Natatanging paraan ng pagsasalita ng isang tao na nagiging marka ng pagkakakilanlan. Halimbawa: paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino.
Diyalekto
Uri ng pangunahing wika na nagiging natatangi depende sa rehiyon o lokasyon. Halimbawa: Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Maynila.
Etnolek
Wikang nadebelop mula sa mga etnolingguwistikong grupo; bahagi ng pagkakakilanlan ng etniko. Halimbawa: “madaana” ng Ivatan (pantakip sa ulo).
Pidgin
Wika na walang pormal na estruktura; pansamantalang wika upang magkaintindihan ang may magkaibang wika. Halimbawa: Wika ng Tsinong negosyante sa Divisoria.
Creole
Wika na nagmula sa pidgin ngunit lumaganap at naging unang wika ng isang lugar. Halimbawa: Wikang Chavacano ng Zamboanga.
Rehistro
Uri ng wika batay sa propesyon o larangan; may espesyalisadong termino ayon sa disiplina. Halimbawa: wika ng inhinyero, abogado, hukuman, at eksperto sa iba’t ibang larangan.