GNED14 - Midterms Exam

5.0(1)
studied byStudied by 45 people
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
Card Sorting

1/109

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Study Analytics
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced

No study sessions yet.

110 Terms

1
New cards
Panitikan
Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang nararamdaman, mga naiisip mga karanasan at hangarin sa pamamagitan.
2
New cards
Panahon ng Katutubo
Sa panahong ito karaniwan sa panitikan ng kanilang tinataglay ay yaong pasalin-dila gaya ng bulong, tugmang bayan, bugtong epiko. Anong panahon ito sa kasaysayan ng Panitikan?
3
New cards
Pananakop ng Kastila
Ang panahong ito ay dumatingsila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalongmapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
4
New cards
Ang tatlong Gs ng mga Kastila
* GOD
* GOLD
* GLORY
5
New cards
Ang dalawang panitikan sa panahong Kastila
* Pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal
* Panitikang panrebolusyon.
6
New cards
PANANAKOP NG AMERIKANO
Ang pananakop ng bansang ito sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng bansang ito ay magmula 1898 hanggang 1946.
7
New cards
Sinakop ng mga Amerikano ang Bansang Pilipinas dahil:

1. Mayaman ang Bansang Ito sa mga Likas na Yaman.
2. Gusto nila itong gawing imbakan ng mga materyales.
3. Sentrong Pamilihan.
8
New cards
PANANAKOP NG HAPONES
Ang Pananakop ng bansang ito sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng pilipinas mula 1942 hanggang 1945 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kalian nilusob ng Imperyo ng bansang ito ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng estados unidos.
9
New cards
Dalawang anyo ng Akdang Pampanitikan

1. **Patula**
2. **Tuluyan**
10
New cards
Patula 
Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang  ng patnig sa taludtod na pinagtugma-tugma ng ga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
11
New cards
Tuluyan 
Maluwag na pagsama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap o pagpapahayag. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pahayag.
12
New cards
Liriko o Tula ng damdamin
Nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o damdamin ng may akda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya, at awit.
13
New cards
Pasalaysay
Mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani p pakikipag digma tulad ng epiko, awit at korido.
14
New cards
Tulang Pandulaan
Mga dulang nasusulat nang patula ng senakulo, tibag o sarswela.
15
New cards
Tulang Patnigan
Tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan.
16
New cards
Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Ang mga akdang pampanitikan ay nililikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba’t- ibang elementong gumaganap ng mahahalagang tungkulin upang ang mga obra maestra sa larangang ito ng sining ay magkaroon ng buhay.


1. Kapaligiran
2. Karanasan
3. Salik sa Lipunan at Pulitika
4. Salik ng panrelihiyon
17
New cards
**Kapaligiran** - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba’t-ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnayan nito.
18
New cards
**Karanasan** - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapapaghanguan ng paksa sa iba’t-ibang uri ng akda
19
New cards
**Salik sa Lipunan at Pulitika -** Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Ang mga gawain na may kaugnayan sa lipunan gayundin sa politika ay isang malaking bahagi ng pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang pook o bansa
20
New cards
**Salik ng panrelihiyon -** Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya upang an gating manunulat sa ibat- ibang panahon ay makasulat ng mga obra- maestrang panghabang panahon.
21
New cards
12 akdang pampanitikan ng iba’t ibang bansa

1. Banal na kasulatan (Bibliya)
2. Koran ( Bibliya ng mga Mohamedan)
3. Illiad o Odessey ni Homer
4. Mahabarata mula sa India
5. Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italy
6. El cid Campedor mula sa Espanya
7. The Song of Roland ng Pransia
8. Five Classic of Four Books
9. Book of Dead
10. A thousand and one nights
11. Canterbury Tales ni Chaucer
12. Uncle Tom’s Cabin- Ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika
22
New cards
**Banal na kasulatan (Bibliya)** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang **lumang tipan** at ang **bagong tipan.**
23
New cards
**Koran ( Bibliya ng mga Mohamedan)** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang siyang sumusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan.
24
New cards
**Illiad o Odessey ni Homer -** Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga greko noong kanilang kapanahunan.
25
New cards
**Mahabarata mula sa India** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Ito ay tinuturing na mabahang tula sa daigdig (220,000 taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipag sapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan.
26
New cards
**Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italy** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit, impyerno at purgatory at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa.
27
New cards
**El cid Campedor mula sa Espanya** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Nagpakilala ito sa katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
28
New cards
**The Song of Roland ng Pransia** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
==Kinapapalooban ito ng kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doc Pares ng Pransia.== Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia.
29
New cards
**Five Classic of Four Books** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
==Mula ito sa Tsinan a kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius.== Naging batayan ang mga aklat na ito ang pananampalataya, kinalinangan at kasaysayan ng mga intsik nan aka apekto sa atin.
30
New cards
**Book of Dead** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Libro ng Ehipto na pinakalooban ng mga kulto ni Osiris at mitolohiya at teolohiyang Ehipto.
31
New cards
**A thousand and one nights -** Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga silangan,
32
New cards
**Canterbury Tales ni Chaucer** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Na Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon,
33
New cards
**Uncle Tom’s Cabin-Ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika** - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
==Binigyang ang karumal dumal na kalagayan ng mga itim na kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig==. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang Noli Me Tanggere  at El Filibustirismo.
34
New cards
Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na nagbibigay-Anyo ng Akda

1. Ang mga **sentidong panlabas** (“external senses”) tulad ng paningin, pandinig, pang amoy panlasa, pansalat;at

\
2. Ang mga **sentidong panloob** (“internal senses”) tulad ng imahinasyon o guni guni , memorya pang-unawa, at huwisyo at o pagpapaasya.
35
New cards
***estetika***
Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang “pakiramdam”, o dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas o panloob) ng tao.
36
New cards
Layon ng estetika

1. Persepsyon ng mga sebtidong panlabas at mga;
2. Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob.
37
New cards
**Denotasyon**
ay ang karaniwan at likas o “literal“ na kahulugan ng salita o pangungusap. Ito ang kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo.
38
New cards
**Konotasyon**
\
==Ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita== o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaring mag dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang “ basura”.
39
New cards
**Diksyon**
Ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinaka mabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid.
40
New cards
**Mga kasangkapang panretorika**
Ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng ginagamit ng akda upang makamtam ang pinaka mabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at mga sangkap nito.
41
New cards
**Mga kasangkapang pansukat**
Ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula upang bigyan ng angkop at kaaya- ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas.
42
New cards
**Mga kasangkapang metaporikal**
Ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa pkabuluhan at kahulugan ng akda.  Dito kabilang ang mga simili,metaphor, at iba pa.
43
New cards
**Tono**
Ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto.
44
New cards
**Istruktura**
Binibigyang halaga ang pangkahalatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong;

a. Eksposisyon

b. Kumplikasyon

c. Resolusyon
45
New cards
Sanaysay
==Ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.== Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.
46
New cards
***sanay*** at ***pagsasalaysay***.
Ang dalawang salita na pinagmulan ng sanaysay.
47
New cards
Dalawang Uri ng Sanaysay

1. Palagayan / Impormal
2. Maanyo / Pormal
48
New cards
**Palagayan / Impormal** - Uri ng Sanaysay
malikhaing paghahayag ng saloobin mula sa mga personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.
49
New cards
**Maanyo / Pormal** - Uri ng Sanaysay
Diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga impormasyon. 
50
New cards
Elemento ng Sanaysay

1. Pamagat (Title)
2. Thesis
3. Organisasyon
4. Pasimula (Introduksyon)
5. Katawan (Body)
6. Kongklusyon (Conclusion)
51
New cards
**Pamagat (Title)** - Elemento ng Sanaysay
Nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, at nakatutulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
52
New cards
**Thesis -** Elemento ng Sanaysay
Ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat.
53
New cards
**Organisasyon** - Elemento ng Sanaysay
Kung paano ba nakaayos ang mga laman ng sanaysay. Sa pagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula sa umpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ng mambabasa kung anong nais mong sabihin.
54
New cards
**Pasimula (Introduksyon)** - Elemento ng Sanaysay
Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman nito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang thesis.
55
New cards
**Katawan (Body) -** Elemento ng Sanaysay
Mga sumusoportang talata sa thesis. Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.
56
New cards
**Kongklusyon (Conclusion) -** Elemento ng Sanaysay
Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay. Hindi katulad ng pasimula kung saan isinasaad ang punto ng sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.
57
New cards
Dula
Ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
58
New cards
Sangkap ng Dula

1. Simula
2. Gitna
3. Wakas
59
New cards
**Simula** - Sangkap ng Dula
Dito naipamamalas ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
60
New cards
**Gitna** - Sangkap ng Dula
Dito matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
61
New cards
**Wakas** - Sangkap ng Dula
Dito matatagpuan ang kakalasan at ang kalutasan.
62
New cards
Katangian ng Isang Dula

1. **Awdiyo-biswal ang dula**.
2. **Binubuo ng mga diyalogo ang dula**.
3. **Binubuo ng mga galaw ang dula**.
4. **Tumutugon ang dula sa mga limitasyon ng entablado**.
5. **Tuloy-tuloy ang mga eksena sa isang dula**.
6. **May tiyak na haba ang isang dula**.
7. **May iba’t ibang anyo o uri ang dula**.
8. **Ang itinatanghal na dula ay isang kolaborasyon**.
63
New cards
Elemento ng Dula

1. Iskrip o Nakasulat na Dula
2. Tauhan o Aktor
3. Tanghalan o Tagpuan
4. Tagadirehe o Direktor
5. Manonood
64
New cards
**Iskrip o Nakasulat na Dula** - Elemento ng Dula
Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
65
New cards
**Tauhan o Aktor** - Elemento ng Dula
Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
66
New cards
**Tanghalan o Tagpuan** - Elemento ng Dula
Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
67
New cards
**Tagadirehe o Direktor** - Elemento ng Dula
Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
68
New cards
**Manonood** - Elemento ng Dula
Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
69
New cards
Maikling Kwento
Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.

or

Ito ay akdang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari sa buhay, o di kaya’y mga babasahin tungkol sa hayop.
70
New cards
Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan
2. Tagpuan/Panahon
3. Saglit na kasiglahan
4. Suliranin o Tunggalian
5. Kasukdulan
6. Kakalasan
7. Wakas
71
New cards
**Tauhan** - Elemento ng Maikling Kwento
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
72
New cards
**Tagpuan/Panahon** - Elemento ng Maikling Kwento
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 
73
New cards
**Saglit na kasiglahan -** Elemento ng Maikling Kwento
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 
74
New cards
**Suliranin o** **Tunggalian -** Elemento ng Maikling Kwento
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao/lipunan.
75
New cards
**Kasukdulan** - Elemento ng Maikling Kwento
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 
76
New cards
**Kakalasan** - Elemento ng Maikling Kwento
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
77
New cards
**Wakas** - Elemento ng Maikling Kwento
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan
78
New cards
Tula
Ginagamit ito upang mabisa at malikhaing maiparating ang damdamin sa pamamagitan ng mga salita at tugma.
79
New cards
Uri ng Tula

1. Tulang Damdamin o Tulang Liriko
2. Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry)
4. Tulang Pantanghalan o Padula
80
New cards
**Tulang Damdamin o Tulang Liriko** - Uri ng Tula
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula.

Iba't ibang uri ng tulang liriko:

* Awit
* Soneto
* Oda
* Elehiya
* Dalit
81
New cards
**Tulang Pasalaysay** - Uri ng Tula
Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay.

Iba't ibang uri ng tulang pasalaysay:

* Epiko
* Awit o Korido
82
New cards
**Tulang Patnigan (Joustic Poetry)** - Uri ng Tula
Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.

Iba't ibang uri ng tulang patnigan:

* Balagtasan
* Karagatan
* Duplo
* Fliptop o Battle Rap
83
New cards
Tulang Pantanghalan o Padula - Uri ng Tula
Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.
84
New cards
Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinghaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
85
New cards
**Sukat** - Elemento ng Tula
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
86
New cards
**Saknong** - Elemento ng Tula
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tulang maydalawa o maraming linya (taludtod).
87
New cards
**Tugma** - Elemento ng Tula
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng ga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Dalawang Klase ng Tugma

* Tugmaang Ganap (Assonance)
* Tugmaang Di-ganap (Consonance)
88
New cards
**Kariktan** - Elemento ng Tula
Kailangang magtaglay ang tula ng mga salitang hindi lang maririkit kundi angkop na angkop (kailangang marunong pumili ang makata ng salitang gagamitin) sa tema ng tula; gayundin, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mambabasa.
89
New cards
Talinghaga - Elemento ng Tula
Tumutukoy ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita at mga tayutay

Klase ng Talinghaga

* Tayutay
90
New cards
**Anyo** - Elemento ng Tula
Ang porma ng tula; malayang taludturan o tradisyunal (may sukat at tugma); sa kasalukuyan ay may mga tula ring may sukat pero walang tugma at walang sukat pero may tugma.
91
New cards
Tono/Indayog - Elemento ng Tula
Ang diwa ng tula
92
New cards
Persona - Elemento ng Tula
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa, o ikatlong panauhan; maaaring ang makata mismo o isang hayop o isang bagay.
93
New cards
KLASISMO/KLASISISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Halimbawa: Florante at Laura
94
New cards
HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Halimbawa: Titser Ni Liwayway Arceo
95
New cards
IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Halimbawa: Panambitan Ni Myrna Prado
96
New cards
REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Halimbawa: Laro sa Baga ni Edgar Reyes
97
New cards
FEMINISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Halimbawa: Saandaang Damit ni Fanny Garcia
98
New cards
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
99
New cards
ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

Halimbawa: Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
100
New cards
Dalawang uri ng Romantisismo

1. Romantisismong Tradisyunal
2. Romantisismong rebulusyunaryo