Looks like no one added any tags here yet for you.
Tekstong Impormatib
naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari,
paniniwala, at mga impormasyon.
Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Tekstong Deskriptib
isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng
mahusay na paglalarawan.
Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Uri ng tekstong Deskriptib
1. Deskriptib Impresyunistik
2. Deskriptib Teknikal
Deskriptib Impresyunistik
uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
Deskriptib Teknikal
uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at
dayagram.
Tekstong Persuweysib
- tekstong nanghihikayat; naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa.
Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.
Ang tekstong Persuweysib ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos
2. Logos
3. Pathos
Ethos
hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika; tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
Logos
tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
Pathos
tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Naratib
- uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na
pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay-aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela.
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:
1. Ekposisyon
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan
3. Resulusyon o denouement
Ekposisyon
impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan
Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan
dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
Resulusyon o denouement
ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.
Tekstong Prosidyural
- nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.
Tekstong Argumentatib
naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Obhetibo
- tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa totoong buhay. Ito ang uri ng paglalarawan batay sa totoong nakikita, nadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan.
Subhetibo
- isang salitang ginagamit sa larangan ng pagsulat. Ang isang akda ay sinasabing subhetibo kung ang manunulat ay naging matagumpay sa kanyang paglalarawan dito. Malinaw, at maaaring madama ng mga mambabasa ang akdang isunulat. Gayunpaman, ang akdang isinulat ay mula lamang sa imahinasyon ng manunulat.
- Ang mga akda na ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay. Ito ay mula lamang sa malikhaing pag iisip ng manunulat na hinaluan ng kanyang galing sa pagsulat. Wala itong siyentipikong batayan o ano pa man. Sa kabila nito, ang mga paglalarawan sa akda ay tunay na nakakamangha at siyang pumupukaw sa emosyon ng mga mambabasa.
Pagbibigay-kahulugan
ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang
kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita
pagbibigay ng magkatulad na kahulugan
Pagbibigay ng mga halimbawa
pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap
pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian
Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay
pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit.
Kaantasan ng Wika
A. Pormal na Wika
1. Pambansa
2. Pampanitikan o Panretorika
B. Impormal na Wika
1. Lalawigan
2. Kolokyal
3. Balbal
Pormal na Wika
antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
Pambansa
Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan
Pampanitikan o Panretorika
Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga
salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining. Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan
Impormal na Wika
antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-araw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawigan
Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
Kolokyal
Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin
Balbal
Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (bente pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
1.. Paghango sa mga salitang katutubo
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
4. Pagpapaikli
5. Pagbabaliktad
6. Paggamit ng Akronim
7. Pagpapalit ng Pantig
8. Paghahalo ng Salita
9. Paggamit ng Bilang
10. Pagdaragdag
*Kombinasyon
- Pagbabaligtad at Pagdaragdag
- Pagpapaikli at Pag-Pilipino
- Pagpapaikli at Pagbabaligtad
- Panghihiram at Pagpapaikli
- Panghihiram at Pagdaragdag
Tekstong naratibo
nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na
nabibilang sa akdang piksyon ay nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng nabanggit ay nagtataglay ng pagsasalaysay gamit ang wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng iba't ibang imahen, metapora at mga simbolo upang maging malikhain ang katha.
Katulad ng iba pang uri ng teksto, ang naratibong teksto
upang maging epektibo ay may mga katangiang dapat
taglayin:
A. May iba't ibang pananaw o Punto de-vista sa tekstong
naratibo
B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o
damdamin sa tekstong naratibo
A. May iba't ibang pananaw o Punto de-vista sa tekstong naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginagamit ng manunulat sa paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
1. Unang Panauhan
2. Ikalawang Panauhan
3. Ikatlong Panauhan
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin
Unang Panauhan
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip na "AKO".
Ikalawang Panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit ng mga panghalip na "KA" o "IKAW".
Ikatlong Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa mga tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "SIYA".
Tatlong uri ng Ikatlong Pananaw:
1. Maladiyos na Panauhan
2. Limitadong Panauhan
3. Tagapag-obserbang Panauhan
Maladiyos na Panauhan
nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya
ang iniisip, damdamin at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
Limitadong Panauhan
nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Tagapag-obserbang Panauhan
hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at
damdamin ng mga tauhan.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
Dito ay hindi lang iisa ang tagapag salaysay kaya't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o damdamin sa
tekstong naratibo
1) Direkta o tuwirang pagpapahayag
2) Di-direkta o di-tuwirang pagpapahayag
Direkta o tuwirang pagpapahayag
Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi
ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi (" "). Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kaniya ang eksaktong mensahe o sinasabi ng tauhan.
Di-direkta o di-tuwirang pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.