1/20
Vocabulary flashcards based on lecture notes covering Philippine geography, cultural concepts (Ilaya, Ilawod, Igorot, Binukot), and the history of the national language.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pilipinas
Isang kapuluan sa Timog-Silangan Asya na binubuo ng 7,641 na mga pulo, nahahati sa tatlong pangunahing isla, at may kabuuang lawak na humigit kumulang 300,000 km.
Luzon
Ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas na may sukat na 105,000 km, at siyang sentro ng pamahalaan at ekonomiya.
Mindanao
Ang pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas na may sukat na 95,000 km at tinaguriang 'food basket in phil.'
Visayas
Isang pulo na nag-uugnay sa Luzon at Mindanao.
Ilaya
Tumutukoy sa mataas na lugar, mga bulundukin, o mataas na bahagi ng lugar na matatagpuan sa mga bundok.
Ilawod
Tumutukoy sa pamayanan sa mababang lugar o malapit sa mga dalampasigan at ilog.
Pacific Ring of Fire
Ang rehiyon kung saan bahagi ang Pilipinas, dahilan kung kaya madalas ang mga lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa.
Igorot
Pangkat etniko na pangunahing naninirahan sa rehiyon ng Cordelyera (highland).
Tatoo (sa Kulturang Igorot)
Isang simbolo o tanda ng lakas ng loob (sign of courage) at katayuan sa lipunan (society).
Binukot
Sinaunang tradisyon sa Panay Bukidnon kung saan ang isang piling kabataang babae ay itinatago at ikinukulong sa silid mula pagbata nang hindi pinapaarawan; nangangahulugang 'nakabalot'.
Pagkukubli
Tradisyon ng mga Binukot kung saan hiwalay sila ng tirahan at hindi pinapatapak sa lupa.
Sugidanon
Ang koleksyon ng mga kwento kung saan kabilang ang Hinilawod na inaawit ng mga Binukot.
Hinilawod
Ang pangunahing tradisyong epiko na inaawit ng Binukot na naglalaman ng mga kwento nina Amburukay at Humadapnon ukol sa kababalaghan, digmaan, at pag-iibigan.
Dote o Sab-ong
Ang dote na kadalasang malaking halaga na ibinabayad ng isang manliligaw sa pamilya ng Binukot.
Alibata
Ang popular na tawag sa Baybayin, ang katutubong sistema sa pagbasa at pagsulat na binubuo ng 17 simbolo (14 na katinig at 3 patinig).
Panahon ng Komonwelt (1935-1946)
Panahon na itinatag upang sanayin ang mga Pilipino at magkaroon ng kalayaan ang bansa mula sa Amerika.
Manuel L. Quezon
Ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa na nagproklama sa Tagalog noong 1937 bilang batayan ng wikang pambansa.
Lope K. Santos
Ang taong inatasan na gumawa ng Balarilang Pilipino.
Tagalog
Ang wikang ipinroklama ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1937 bilang batayan ng pambansang wika.
Filipino
Ang itinakda noong 1987 bilang bagong pambansang wika ng Pilipinas.
Pilipino
Sumisimbolo bilang pagkakakilanlan o identity ng isang tao.