1/51
1.1 Ang Saysay ng Kasaysayan
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Zeus Salazar
Siya ay isang Filipino historian, anthropologist, at philosopher of history.
Paghihimay ng Kasaysayan
Salaysay
Saysay
Salaysay
Ito ang naratibo sa kasaysayan.
Saysay
Ito ang kahulugan at kabuluhan sa kasaysayan.
Kahulugan ng Kasaysayan (Zeus Salazar)
“salaysay na may saysay para sa grupo ng taong pinagsasalaysayan.”
Kahulugan ng Kasaysayan (Zeus Salazar)
Ito ay isang interpretatibong pagsasalaysay ng nakaraan na may direktang kaugnayan at kahalagahan sa pamumuhay at kamalayan ng isang sambayanan.
Mga Elemento ng Kasaysayan
Tao
Lugar
Oras
Teksto
Isang representasyon ng nakaraan, na hindi kinakailangan sa nakasulat na anyo.
Mga Halimbawa ng Teksto
Manunggul jar at “Spoliarium"
2 Uri ng Teksto
Primaryang Batis
Sekundaryang Batis
Primaryang Batis
Ang mga ito ay mga by-product ng mga pangyayaring naganap.
Mga Halimbawa ng Primaryang Batis
Diary
Liham
Birth certificate
Sekundaryang Batis
Ang mga ito ay mga materyales na batay sa mga pangunahing mapagkukunan. Ang kanilang pagiging maaasahan ay mas mababa kaysa sa mga pangunahing mapagkukunan.
2 Uri ng Pagsusuri ng Batis
Eksternal na Kritisismo
Internal na Kritisismo
Eksternal na Kritisismo
Ito ay ang pagsusuri ng pagiging tunay ng mga pisikal na katangian ng mga materyales tungkol sa nakaraan.
Internal na Kritisismo
Ito ay ang pagpapatunay ng pagkakapare-pareho ng mensahe ng mga mapagkukunang ginagamit sa pag-aaral ng nakaraan. Pagiging maaasahan, kredibilidad, pagpapatibay, konteksto, subtext.
History as Reconstruction
Ang lahat ng nakaraan ay hindi nagiging bahagi ng kaysaysan.
3 Tatlong Daloy ng Kasaysayan
Linear
Cyclical
Spiral
Linear
Ang kasaysayan ay may tuwid na direksyon mula sa isang tiyak na simula patungo sa isang tiyak na dulo o layunin.
Cyclical
Ang kasaysayan ay parang gulong—paulit-ulit lang. Naniniwala ang pananaw na ito na ang lahat ng elemento na bumubuo sa kasaysayan ay may sinusundang pattern.
Spiral
Kombinasyon ito ng linear at cyclical. Naniniwala ang pananaw na ito na ang kasaysayan ay paulit-ulit (cyclical), ngunit sa bawat pag-ikot nito, may nababagong antas o umuusad pa rin ito paitaas (linear).
Pananaw sa Daloy ng Kasaysayan
Bipartite
Tripartite
Bipartite
Mula sa pananaw ng mga Espanyol, ang kasaysayan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang bahagi.
2 Bahagi ng Kasaysayan (Bipartite)
Kadiliman
Liwanag
Kadiliman
Ito ang bahagi bago dumating ang mga Espanyol.
Liwanag
Ito ang bahagi kung saan nagkaroon ng kalinangan ang mga Pilipino.
Tripartite
Mula sa pananaw ng mga ilustrado, ang kasaysayan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong bahagi: liwanag-dilim-muling liwanag.
3 Bahagi ng Kasaysayan (Tripartite)
Liwanag
Dilim
Muling Liwanag
Liwanag
Ito ang bahagi ng kasaysayan na bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Dilim
Ito ang bahagi ng kasaysayan na dulot ng mga mananakop.
Muling Liwanag
Ito ang bahagi ng kasaysayan na ang pagbawi sa kalayaan.
Pagsasalaysay ng Kasaysayan sa Panahon Ngayon
Books
News Media
Podcast
Vertical Videos
Documentary
Film/Shows
Oral na Tradisyon (Pasalitang Salaysay)
Ito ang nagsilbing pangunahing impukan-kuhanan ng ating kalinangan at karanasan bilang isang sambayanan.
Ilokanong Epikong “Biag ni Lam-ang”
Ito ay nagbibigay ng mga "historical clues," tulad ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa Tsina bago pa man ang pananakop.
Mga Mito ng Pinagmulan, Mga Epiko bilang Kasaysayan, at Ugnayan sa Ibang Bansa
Ang mga oral na tradisyon ay napakahalagang batis para sa pag-aaral ng ating sinaunang kabihasnan bago dumating ang mga mananakop.
Babaylan bilang Mananalaysay
Sila ang tagapangalaga at tagapagsalita ng mga makabuluhang kuwento ng kanilang pamayanan, na tinitiyak na ang "saysay" ng kanilang kasaysayan ay mapapanatili at maipapasa sa susunod na henerasyon.
Mga Babaylan
Sila ay hindi lamang isang espiritwal na pinuno; sila rin ang itinuturing na mananalaysay ng bayan.
3 Pangunahing Kategorya ng Mga Uri ng Oral Tradition sa Pilipinas
Karunungang-Bayan (Folk Speech)
Mga Awiting-Bayan (Folk Songs)
Mga Tuluyang Salaysay (Folk Narratives)
Pagbabago ng punto de vista sa Pagsasalaysay
Tinawag ni Pigafetta na "mga pagano" ang mga katutubo at inilarawan ang mga mandirigma ni Lapulapu bilang mga "wild people" o agresibo, kahit na ipinagtatanggol lamang ng mga ito ang kanilang sariling lupain.
The First Voyage Around The World 1519-1522
Ito ang libro na isinulat ni Antonio Pigafetta.
Ang 3 Pananaw sa Kasaysayan (Zeus Salazar)
Pansilang Pananaw
Pangkaming Pananaw
Pantayong Pananaw
Pansilang Pananaw
Ang mga dayuhan ang nagsasalita tungkol sa ating mga Pilipino para sa kapwa nila dayuhan.
Pangkaming Pananaw
Ang mga Pilipino ang nagsasalita tungkol sa ating sarili upang ipaliwanag o bigyang- katwiran ang ating pagkatao sa mga dayuhan.
Pantayong Pananaw
Tayo-tayo mismo ang nag-uusap tungkol saating sariling mga karanasan at kasaysayan gamit ang ating sariling mga kategorya at konsepto.
Kamalayang Pangkasaysayan
Ito ay aktibong proseso ng pag-iisip at masusing pag-uugnay ng mga ideya at karanasan upang bigyang-kahulugan ang kasalukuyan at maging gabay sa hinaharap.
Kamalayang Pangkasaysayan
Ito ay isang malalim na pag-unawa sa ugnayan ng wika, kalinangan, at karanasan ng sambayanan.
Ang 3 Pangunahing Haligi ng Pantayong Pananaw
Ang Masa bilang Bida
Paggamit ng Sariling Wika
Para sa Kapwa Pilipino
Ang Masa bilang Bida
Ang pokus ng kasaysayan ay ang karanasan at pakikibaka ng masa o karaniwang Pilipino, hindi lamang ng mga elitista.
Paggamit ng Sariling Wika
Ang wikang Filipino ang dapat gamitin dahil ang wika ang nagsisilbing impukan-kuhanan ng kalinangan.
Paggamit ng Sariling Wika
Dito nakatago ang mga konsepto (tulad ng ginhawa at katuwiran) na hindi ganap na maisasalin sa banyagang wika.
Para sa Kapwa Pilipino
Ang layunin ng talastasan ay para sa pagkakaintindihan at pagkakaisa ng mga Pilipino, at hindi para sumagot o magpaliwanag sa mga tagalabas.
George Santayana (1905)
“Those who do not remember the past are condemned to repeat it.”