1/84
patay+in niyo na ako
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Sight Translation
Pagsasalin nang on-the-spot
Eugene A. Nida
Sino nagsabi nito?
“Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo”
Theodore H. Savory
Sino nagsabi nito?
“Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita“
Mildred L. Larson
Sino nagsabi nito?
“Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika”
Peter Newmark
Sino nagsabi nito?
“Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitán ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika”
Translatio
Nagmula sa salitang Latin na “__” na nangangahulugang “pagsalin”.
Transladar
Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay __
Tagasalin, Taksil
Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” na nangangahulugang
Paciano Mercado Rizal
Sino nagsabi nito?
“Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapuwa’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.”
Source Language
Simulaang Lengguwahe
Target Language
Tunguhang Lengguwahe
Selection
Kilala rin bilang decision procedures
problem identification
allocation of norms
Codification
Kilala rin bilang standardisation procedures
graphisation
grammatication
lexication
Implementation
Kilala rin bilang educational spread
correction procedures
evaluation
Elaboration
Kilala rin bilang functional development
terminological modernisation
stylistic development
internationalisation
Imitasyon o Panggagaya
Gawaing sumasaklaw sa paghahanap na katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda.
Reproduksyon o Muling-Pagbuo
Ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin.
Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla.
Minako O’ Hagan
Sino nagsabi nito?
“Ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa.”
Doctrina Christiana
Unang aklat na nailimbag; Salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika
National Bookstore
Pinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong pandaigdig gaya ng “Rapunzel”, “The Little Prince”, atbp.
Goodwill Bookstore
Naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant, atbp.
The Children’s Communication Center
Nagsalin at nalathala ng mga kuwentong mula Asya, Palaso ni Rama, Palaso ni Wujan, atbp.
For Foundation
Nakaloob ng tulong pinansyal sa mga proyektong pagsangguni at pagsasalin
Language Education Council of the Philippines
Ano ang LEDCO?
Secondary Language Teacher Education
Ano ang SLATE?
Gunglo Degiti Mannurat nga Ilokano
Ano ang Gumil?
Araling Salin
Ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundo (Almario, 2016)
Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Kabilang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya
Tekstong Siyentipiko
Mas abstrakto at mas mahirap isalin
Tekstong Teknikal
Mas kongkreto, may kolokyal at mas madaling unawain.
Pagsasaling Pampanitikan
Sinasalamin nito ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito.
Simulaing Gawain sa Pagsasalin
Dapat maunawaan ng tagasalin ang kahulugan at ang ibig sabihin ng orihinal na awtor.
Dapat mauunawaan ang SL at TL.
Aktuwal na Pagsasalin
Paghahanap ng salita na pantumbas sa isinasaling salita.
Ang gawaing ito ay malimit na depende sa tagasalin– sa kaniyang layunin—na depende rin sa kaniyang kaalamang pangwika
Pagsusuri ng Salin
Napakalaking tulong ang intelihente at masinsinang pagsuri sa mga salin tungo sa inaasam nating paglusog ng pambansang pagsasalin
Prescriptive
Grammar, punctuation, spelling
Standard and variant
”Grammar Nazi”
Descriptive
Other factors are taken into account (ex. bisaya kausap mo)
Lingua Franca
A language that is adopted as a common language between speakers whose native languages are different. (accd sa gewgle)
Filipino is a __
Teorya
Nagbibigay ng framework na makapagpapaliwanag sa mga desisyong ginawa sa pagsasalin.
Kaalamang pinagbatayan sa ginawang pagtutumbas.
Formal Equivalence
Pinananatili ang anyo at nilalaman (form and content) ng SL.
Hindi lang mensahe ng orihinal ang pinananatili sa TL kundi maging ang mga pisikal na sangkap nito gaya ng bokabularyo, gramatika, sintaks, at estruktura.
Dynamic Equivalence
Tinatawag ding functional equivalence.
Nakatuon sa paghahatid ng kahulugan, hindi ng estruktura ng orihinal.
Sa halip, hinahamon nito ang tagasalin na balansehin ang pagiging tapat sa kahulugan at diwa ng orihinal habang ginagawa ding natural at katanggap-tanggap (hindi tunog-salin) ang salin para sa target audience.
Eugene A. Nida
Kanino nanggaling ang Formal at Dynamic Equivalence?
Semantic Translation
Attempts to render, as closely as the semantic and syntactic structures of the second language allow, the exact contextual meaning of the original.
May pagkiling sa SL.
Literal
Communicative Translation
Attempts to produce on its readers an effect as close as possible to that obtained on the readers of the original.
May pagkiling sa TL.
Malaya at idyomatiko.
Peter Newmark
Kanino nanggaling ang Semantic at Communicative Translation?
Form-Based Translation
Literal na salin.
Nagbibigay ng priyoridad sa anyo (mga salita, sugnay, o pangungusap).
Nagtutunog na hindi natural at walang halagang pangkomunikatibo.
Meaning-Based Translation
Idyomatikong salin.
Kailangang malaman ng tagasalin ang kahulugan ng SL bago niya isalin ang kahulugang ito sa TL.
Hindi tunog-salin, kundi mukhang orihinal na teksto.
Mildred L. Larson
Kanino nanggaling ang Form-Based at Meaning-Based Translation?
Domestication
Inilalapit at inilalapat ang teksto sa konteksto ng mga mambabasa sa paggamit ng mga salitang lokal o higit na pamilyar sa kanila kaysa sa mga terminong banyaga.
Foreignization
Pinananatili ang mga terminong kultural ng SL gaya ng Yin at Yang, “Kimchi” sa halip na “buro”, etc.
Lawrence Venuti
Kanino nanggaling ang Domestication at Foreignization?
Teoryang Skopos
Naiimpluwensiyahan ang salin ng layunin kung bakit ba ito ginagawa; paano pinakaepektibong makakamit ang intensiyon sa pagsasalin?
Kinikilala ang iba’t ibang posibilidad ng pagsasalin ng teksto.
Nagiging target-oriented ang pagsasalin.
Hans Vermeer
Kanino nanggaling ang Teoryang Skopos?
Pagsasaling Kultural
Sa loob, ang mga propesyonal, gaya ng mga kritiko, tagarebyu, guro, tagasalin.
Sa labas, ang mga tagapagtaguyod na nagtutulak o humahadlang sa pagbabasa, pagsulat, at muling pagsulat ng teksto.
Dapat alamin ang panlipunan at pangkulturang konteksto para suriin ang mga mekanismo sa pagsasalin at mga pamantayan ng tagasalin.
Mohamed Enani
“Isang manunulat na lumilikha ng kaniyang idea para sa mambabasa. Ang tanging kaibahan lamang niya sa orihinal na may-akda ay ang ideang kaniyang ipinahahayag ay mula sa huli.”
Michael M. Coroza
“Ang pagsasalin ay lampas sa lingguwistikong gawain. Ang tagasalin ay isang tunay na mananaliksik, manunuri at malikhaing manunulat.”
Rosario C. Lucero
“Sa pagsasalin ng mga rehiyonal na wika tungong Filipino, may tatlong pangunahing tungkulin ang tagasalin:
Tagasalin
Tagabuo ng kasaysayang pampanitikan
Tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikang Filipino”
Ebalwasyon ng Salin
Ang pagsusuri sa kalidad ng salin kapag nagawa na ito.
Pansariling Subok
Bago ipabasa o ipataya sa iba ang salin, natural lamang na ang tagasalin ang mag-edit ng sarili niyang gawa.
Pagkonsulta sa Eksperto
Malaking tulong sa isang tagasalin kung may ibang matang titingin sa kaniyang salin.
Balik-Salin
Back translation sa wikang Ingles.
Isang paraan upang malaman ang kawastuhan ng salin sa pagsusuri ng paralelismo ng forward at back translation.
Pagsubok sa Pag-unawa
Masasabing mahusay ang isang salin kung nauunawaan ito ng target na mambabasa.
Pagtatanong sa Di-Eksperto
Tinutukoy rito ay mga taong pinag-uukulan ng salin na walang alam o kakaunti pa lamang ang alam tungkol sa paksang isinalin.
Kapag naintindihan nila ang salin, ibig sabihin ay malinaw ito.
Subok-Gamit
Kung ang isinalin ay mga panuto, ipagawa ito sa target na mambabasa.
Kung tama ang magiging proseso o produkto, maaaring tama ang salin. Kung hindi naman ay ang kabaligtaran.
Pagsubok sa Konsistensi
Paggamit ng parehong katumbas ng mga katawagan at hindi pabago-bago ng gamit.
Paggamit ng Instrumento sa Balidasyon ng Salin
Ang instrumentong pinasasagutan sa eksperto sa wika, sa nilalaman, at sa target audience na maaaring magbigay ng kantitatibong datos sa pagiging katanggap-tanggap o di katanggap-tanggap ng iba’t ibang aspekto ng salin.
Wikang Teknikal
Isang varayti ng wika na nagtataglay ng tiyak at partikular na mga katangian ng bokabularyo at sa higit na limitadong saklaw ng gramatika.
Wikang Siyentipiko
Ginagamit sa mga pananaliksik at paglalahad ng mga teorya at haypotesis.
Pormal, pasibo, at estandardisado ang anyo.
Polysemous
Isang salitang maraming kahulugan.
Paglalapi
Ito ay paraan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat.
Pag-uulit
Sa salitang-ugat, nakabubuo ng bagong salita na mayroong bagong kahulugan.
Pagtatambal
Ito ay pagsasama ng dalawang payak na salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Pag-uunlapi
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Paggigitlapi
Ang panlapi ay makikita sa gitna ng salitang-ugat.
Paghuhulapi
Ang panlapi ay makikita sa hulihan ng salitang-ugat.
Pag-uunlapi at paghuhulapi
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Pag-uunlapi at paggigitlapi
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-ugat.
Paggigitlapi at paghuhulapi
Ang panlapi ay inilalagay sa gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Pag-uunlapi, paggitlapi, at paghuhulapi
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan, gitna, at hulihan ng salitang-ugat.
Pag-uulit na Parsiyal
Bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.
Pag-uulit na Ganap
Inuulit ang buong salita.
Pagtatambal na Di-ganap
Nananatili ang kahulugan nito sa dalawang salitang pinagsama.
Pagtatambal na Ganap
Nakabuo ng kahulugan iba sa dalawang pinagsama.
Sintaks
Nauukol sa pag-aaral ng pagkakaugnay o relasyon ng mga salita upang bumuo ng mga pangungusap.
Sa madaling salita, ito ay pag-aaral ng pagbuo ng mga pangungusap o sentens.
Diptonggo
Tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y.
Klaster
Mga salitang mayroong magkadikit na dalawang magkaibang katinig na matatagpuan lamang sa iisang pantig.