WIka Short Quiz 1

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
Locked
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/18

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 3:00 PM on 7/23/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai
Chat

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

19 Terms

1
New cards

1935:

Saligang Batas ng Pilipinas Art. XIV Sek. 3

Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

Keywords:

- 1935: Art. XIV Sek 3

- kongreso

- hakbang

- katutubong wika

2
New cards

1936:

Batas Komonwelt Blg. 184

Surian ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng iisang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

Keywords:

- 1936

- Batas Komonwelt Blg. 184

- Surian ng Wikang Pambansa

3
New cards

1937:

Paghirang ng mga Surian ng Wikang Pambansa

Hinirang ni Pang. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alin sunod sa tadhanang Sek.1 Batas Komonwealth Blg. 184, sa pagkakausog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

Keywords:

- 1937

- Sek.1 Batas Komonwelt Blg. 184

- Ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa

- Batas Komonwelt Blg. 333.

4
New cards

1937:

Kautusang Tagaganap Blg.134

_____ ng Pangulong Quezon, ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Keywords:

- 1937

- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

- ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

5
New cards

1940:

Batas Komonwelt Blg. 570

Simula sa Hulyo 4, 1946, ang Tagalog ay isa sa mga opisyal na wikang pambansa.

Keywords:

- 1940

- Batas Komonwelt Blg. 570

- Tagalog ay isa sa mga opisyal

6
New cards

1959:

Salitang Pilipino ang Gagamitin

Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

Keywords:

- 1959

- Pilipino ang Wikang Pambansa

- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

7
New cards

1967:

Lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng Pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino.

Nilagdaan ni Pang. Marcos ang isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino.

Keywords:

- 1967

- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96

- gusali, edipisyo at tanggapan

8
New cards

1968:

Memorandumn Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96.

Pagsunod ng gobyerno sa batas 96.

Keywords:

- 1968

- Memorandumn Sirkular Blg. 172

- Pagsunod sa Tagapagpaganap Blg. 96.

9
New cards

1968:

Paggamit ng Wikang Pilipino

Nilagdaan ng Pangulo ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na gamitin ang Wikang Pilipino ng lahat ng mga kawani/opisyales ng gobyerno.

Keywords:

- 1968

- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187

- kawani/opisyales ng gobyerno.

10
New cards

1969:

Memorandum Blg. 277

Ang mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay kinailangang dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idinaos ng Surian ng Wikang Pambansa.

Keywords:

- 1969

- Memorandum Blg. 277

- seminar sa Pilipino

11
New cards

1970:

Memorandum Sirkular Blg. 384

Pagtalaga ng Tauhan sa komunikasyon na mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino.

Keywords:

- 1970

- Memorandum Sirkular Blg. 384

- Tauhan sa komunikasyon na mamahala

12
New cards

1972:

Saligang batas ng Pilipinas Art. XIV Sek. 3 (1)

Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan.

Keywords:

- 1972: Art. XIV – Sek. 3

- Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita

- limampung libong mamamayan.

13
New cards

1973:

Saligang batas ng Pilipinas Art. XIV Sek. 3

Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin sa bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong- bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.

Keywords:

- 1973: Art. XIV

– Sek.3

- Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa INGLES at PILIPINO

- sa limampung libong taong- bayan - KASTILA at ARABIK

14
New cards

1974:

Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal

Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-paaralan 1974-1975.

Keywords:

- 1974

- Kautusang Pangkagawaran Blg. 25

- edukasyong bilinggwal

- 1974-1975 (though hindi sya hiniglight sa PPT, just in case ito kung sakali hanapin)

15
New cards

1978:

Paglagda ng Kautusang Pangministri Blg. 22

Nag-uutos na isama ang PILIPINO sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas.

Keywords:

- 1978

- Kautusang Pangministri Blg. 22

- PILIPINO sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas.

16
New cards

1987:

Pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV, Sek. 6-9

Sek. 6 - Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Sek. 7 - Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang Batas, Ingles.

Sek. 8 - Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t- ibang mga rehiyon.

Keywords:

- 1987: Artikulo XIV, Sek. 6-9

- Sek. 6 - wikang PAMBANSA ng Pilipinas ay FILIPINO

- Sek. 7 - wikang OPISYAL ng Pilipinas ay FILIPINO

- Sek. 8 - konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa FILIPINO at INGLES

- Sek. 9 - ang Kongreso ng isang KOMISYON NG WIKANG PAMBANSA

17
New cards

1988:

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan ng gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

Keywords:

- 1988

- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

- departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya

- transaksyon, komunikasyon at korespondensya

18
New cards

1990:

Kautusang Pangkagawaran Blg. 21

Ang kautusang ito ay nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.

Keywords:

- 1990

- Kautusang Pangkagawaran Blg. 21

- panunumpa ng katapatan

19
New cards

1996:

CHED Memorandum Blg. 59

Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa FILIPINO sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan, Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).

Keywords:

- 1997

- CHED Memorandum Blg. 59

- siyam na yunit na pangangailangan sa FILIPINO