Ekonomiya
Ang lahat ng mga bagay at mga pangyayaring nauugnay sa pagkakahati-hati at pangangalaga ng yaman, produksyon, at pananalapi.
Oikos
Ang Griyegong salita na nangunguhulugang “pamilya” o “tahanan” kung saan nanggaling ang salitang ekonomiya.
Nomos
Ang Griyegong salita na nangunguhulugang “pangangasiwa” kung saan nagmula ang salitang ekonomiya.
Ekonomiks
Ang agham na nag-aaral sa kalagayan at mga kalakaran ng isang partikular na ekonomiya.
James Steuart
Isang dalubhasa sa ekonomiya na nagsasabing ang ekonomiks ay isang sining ng pagtugon sa mga pangangailangan ng pamilya o lipunan.
An Inquiry into the Principles of Political Economy
Ang libro ni James Steuart.
1967
Ang taon kung saan inilathala ni James Stueart ang “An Inquiry into the Principles of Political Economy”.
Adam Smith
Isang dalubhasa sa ekonomiya na nagsasabi na ang ekonomiks ay ang paraan ng pagsusuri sa pinamulan at mga salik na may kaugnayan sa yaman ng bayan.
The Wealth of Nations
Ang pangalan ng libro na inilathala ni Adam Smith.
1776
Ang taon kung saan inilathala ni Adam Smith ang “The Wealth of Nations”.
Ama ng Ekonomiks
Ang bansag ni Adam Smith.
Kapitalismo
Ang ideya na ipinasimula ni Adam Smith.
Lionel Robbins
Isang dalubhasa ng ekonomiya na nagsasabi na ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa pag-uugali ng mga mamamayan ayon sa kanilang mga pangangailangan.
Essay on the Nature and Significance of Economic Science
Ang libro na inilathala ni Lionel Robbins.
1932
Ang taon kung kailan inilathala ni Lionel Robbins and “Essay on the Nature and Significance of Economic Science”.
Alfred Marshall
Isang dalubhasa sa ekonomiya na nagsasabi na ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa pamumuhay ng tao.
Principles of Economics
Ang libro na inilathala ni Alfred Marshall.
1890
Ang taon kung kailan inilathala ni Alfred Marshall ang “Principles of Economics”.
Likas na Yaman
Ang uri ng yaman kung saan nabibilang ang mga hilaw na yaman mula sa kalikasan.
Yamang Tao
Ang uri ng yaman na itinuturing na pangunahing yaman ng bansa kagaya ng kaalaman, kasanayan, at kalakasan.
Yamang Materyal
Ang uri ng yaman kung saan nabibilang ang mga makinarya, mga pabrika, mga kompyuter, at ibang materyal.
Yamang Pananalapi
Ang uri ng yaman na mahalaga sa kahit ano mang industriya kagaya ng kapital na inilaan ng may-ari sa kanyang negosyo, o sa mismong kita ng negosyo o serbisyo.
Salik ng Produksyon
Ang isa pang tawag sa mga mapagkukunang yaman.
Pangangailangan
Ang uri ng mga produkto o serbisyo na mahalagang matugunan ng isang tao araw-araw upang patuloy na mabuhay.
Kagustuhan
Ang uri ng mga produkto o serbisyo na hindi ganoon kabigat ang epekto kapag hindi natugunan ito ng isang tao.
Demand
Ang kagustuhan at kakayahan ng mga mamimili na tangkilikin ang isang kalakal.
Suplay
Ang dami ng mga produkto o serbisyong kayang ibigay ng isang negosyo o industriya.
Alokasyon
Ang konsepto ng paghahati-hati ng mga yaman ng pantay-pantay.
Cost
Ang halagang ginagastos ng tao upang makamit ang bagay na kanyang gusto.
Benefit
Ang produkto, serbisyo, o kita na nakukuha ng mamimili kapalit ng cost na pinakawalan o ibinigay.
Greogory Mankiw
Ang Amerikanong nagsulat ng “Principles of Economics (1997)”.
Nakikipagkalakalan ang lahat ng tao.
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabing hindi lahat ng bagay ay libre at kailangang magpaluwal ng isang bagay, kapalit ng isa pang bagay.
May kapalit ng halaga ang bawat produkto o serbisyo
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na dapat isaisip ng tao na bawat pakikipagkalakal ay mayroong kapalit na halaga.
Opportunity Cost
Ang halagang ipagpapalit ng isang tao para sa kanyang kagustuhan.
Iniisip ng taong makatwiran ang lahat ng posibilidad na maaaring mangyari sa hinaharap.
Ang prinsipyo ng ekonomiya na sinasabing natural na makatwiran ang mga ekonomista sa kanilang palaging pagsaalang-alang ng cost at benefit ng isang pangyayari o pagkakataon bago gumawa ng desisyon.
Marginal Cost/Benefit
Ang pinakamalaking halagang pakakawalan at makukuha ng mga negosyante sa paggawa ng desisyon.
May epekto sa tao ang mga insentibo
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na kadalasan, nahihikayat ang mga manggagawa sa paghusayan ang mga kanilang trabaho dahil sa kaiga-igayang insentibo.
Insentibo
Ang gantimpalang ipinagkakaloob sa isang tao kapalit ng kanyang pagpapamalas nang mabuti sa serbisyo o partikular na gawain.
Napauunlad ng kalakalan ang lahat
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na ang pakikipagkalakalan ay hindi gaya ng isang laro kung saan mayroong nananalo at natatalo.
Nakabubuti ang market economy sa pagsasaayos at pagapayabong ng ekonomiya
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabing dahil hindi gaanong sinasaklaw ng pamahalaan ang pamilihan, may kalayaan ang mga negosyante sa kanilang negosyo; sa ganon, nagkakaroon ng pressure ang mga negosyante upang pag-igihan pang lalo ang kanilang produkto o serbisyo.
Market Economy
Ang mekanismong pinaiiral ng suplay at demand sa isang lugar.
Nakakatulong ang pamaalaan sa pagyabong ng pamilihan
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabing kailangan ng pangkalahatang mangangasiwa sa pamilihan upang maging patas ang kompetisyon sa pagitan ng mga negosyo.
Nakasalalay ang mga antas ng pamumuhay ng isang bansa sa kanyang kakayahan gumawa ng produkto o serbisyo
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na isa sa mga aspekto ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ay ang pagiging produktibo ng mga manggagawa.
Tumataas ang presyo ng mga bilihin kapag nag-iimprenta ito ng maraming salapi.
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na kapag maraming inilalabas na salapi ang pamahalaan, bumababa ang halaga nito; dahil mababa ang halaga ng pera, tumataas ang mga bilihin.
Implasyon
Ang pangyayari kung kailan tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at bumababa naman ang halaga ng salapi.
Nakararanas ng short-run trade-off ang lipunan sa gitna ng implasyon at kawalan ng trabaho
Ang prinsipyo ng ekonomiya na nagsasabi na kapag tumataas ang halaga ng ekonomiya, tumataas din ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Survival Instinct
Ang likas na intuwisyong kumilos tungo sa kanyang kaligtasan.
Likas na Agham
Ang larangan ng ekonomiks na ginagamit upang mapag-aralan ang pagtugon ng tao sa kanyang mga pangangailangan.
Siyentipikong Pamamaraan
Ang prosesong ginagamit ng mga ekonomista sa pagresolba ng isang isyu o pagpapatunay ng isang teorya.
Agham Panlipunan
Ang larangan ng ekonomiks kung saan kabilang ang kasaysayan, politika, sosyolohiya, at kultura.
Matematika
Ang larangan ng ekonomiks kung saan ito ay kailangan dahil sa mga tiyak na datos na kadalasa’y nasa anyo ng numero.
Kakapusan
Ang kondisyon kung saan hindi matugunan ng limitadong bilang ng likas na yaman ang demand sa kalakal ng mga mamamayan.
Mas mabilis na pagtaaas ng demand kaysa sa dami ng suplay
Ang ugat ng kakapusan kung saan ang lubhang pagtaas ng demand ay maaring dala ng pagbagal sa produksyon-- pagkaluma o pagkasira ng mga kagamitan; at kakulangan sa hilaw na materyales o lakas paggawa.
Pagkuha ng suplay ng ilang indibidwal nang higit sa kanilang kailangan
Ang ugat ng kakapusan na nagsasabing kapag maramihang bumili ng partikular na kalakal ang ilang indibidwal, o grupo ng tao, nagdudulot ito ng artipisyal na kakapusan sa merkado.
Hoarding
Ang salitang ginagamit sa pagbili ng masyadong maraming suplay ng indibidwal nang higit sa kanilang kailangan.
Pagsasara ng negosyo
Ang ugat ng kakapusan na nagsasabi na sa pagsasara ng negosyo, nagiging kaunti ang tagapagsuplay ng kalakal
Mga regulasyon ng pamahalaan
Ang ugat ng kakapusan na nagsasabi na maaring makabawas o makadagdag ng suplay o demand ang mga regulasyon at polisiyang ipinapatupad ng pamahalaan.
Mga pangyayaring kultural
Ang ugat ng kakapusan na nagsasabing naapektuhan din ng mg pangyayaring kultural ang mga pangangailangan ng mga mamimili.
Paglobo ng populasyon
Ang ugat ng kakapusan na nagsasabing kapag dumarami ang populasyon ng isang lugar, dumarami rin ang demand sa mga kalakal.
Kakulangan
Ang aspekto na kagaya ng kakapusan, ngunit sa halip, ito ay panandalian lamang at hindi nagtatagal.
Cutler J. Cleaveland at David I. Stern
Ang mga propesyonal na nagsasabi na ang kakulangan ng likas na mapagkukunang yaman ay isang kabawasan sa ekonomikong kagalingan dahil sa mababang kalidad at/o pagiging produktibo ng likas na yaman.
Indicators of Natural Resource Scarcity
Ang libro na inilathala nina Cutler J. Cleaveland at David I. Stern.
1998
Ang taon kung kailan inilathala ang “Indicators of Natural Resource Scarcity”.
Pagtaas ng Bilang ng Krimen
Ang isa sa mga suliraning dulot ng kakapusan na nagpapahayag na dahil hindi makapagbigay ng sapat na suplay ang pamahalaan na tutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, may ibang napipilitang gumawa ng krimen upang patuloy na mabuhay.
Paglaganap ng mga sakit o karamdaman
Ang isa sa mga suliraning dulot ng kakapusan na nagpapahayag na ang kakapusan sa tamang nutrisyon ang nagiging sanhi ng pagbaba ng kalusugan ng mga mamamayan.
Pagbaba ng moralidad
Ang isa sa mga suliraning dulot ng kakapusan na nagpapahayag na lumillit ang tingin ng ilang mga mamamayan sa kanilang mga sarili kapag hindi sapat ang kanilang natatamo kompara sa katanggap-tanggap na pamumuhay sa lipunan.
Production Possibility Frontier
Ang modelong binubuo ng mga estratehiya na makatutulong sa pagpapasya hinggil sa produksyon ng kalakal.
Ekonomikong pag-unlad
Isa sa mga paraan upang labanan ang kakapusan kung saan nakasalalay sa kakayahan ng isang bansa na gumawa ng mga kalakal.
Pagbabawas ng mga kagustuhan
Isa ay isa sa mga paraan upang labanan ang kakapusan kung saan mababawasan natin bilang mga mamimili ang pagkaubos ng likas na yaman.
Matalinong paggamit ng mga umiiral na mapagkukunan
Isa sa mga paraan upang labanan ang kakapusan na nagpapahayag na malaki ang naitutulong ng paggawa ng kalakal sa pamamagitan ng maliit na halaga.