1/29
I hate fat dogs
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
MARGINALISM
isang prinsipyo sa ekonomiks na nagsasabing ang halaga o desisyon ng isang tao ay nakabatay sa karagdagang benepisyo (marginal benefit) o karagdagang gastos (marginal cost) ng isang bagay.
Marginal Benefit (MB)
karagdagang kasiyahan o pakinabang mula sa isang dagdag na yunit ng produkto.
Marginal Cost (MC)
karagdagang gastos sa paggawa o pagkonsumo ng isang dagdag na yunit.
Law of Diminishing Marginal Utility
habang dumarami ang pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo, unti-unting bumababa ang karagdagang kasiyahan o pakinabang (marginal utility) na nakukuha ng isang tao sa bawat dagdag na yunit nito.
Hermann Heinrich Gossen
Nagsulat ng Law of Diminishing Marginal Utility
Increasing Marginal Utility
Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang karagdagang kasiyahan o pakinabang (utility) na nakukuha mula sa bawat dagdag na yunit ng isang produkto ay tumataas sa halip na bumaba.
Diamond-Water Paradox
Ito ay isang sikat na suliranin sa ekonomiks na unang tinalakay ni Adam Smith (Ama ng makabagong Ekonomiks)
Adam Smith
Ama ng makabagong Ekonomiks
insentibo
Ito ay isang gantimpala, benepisyo, o motibasyon na naghihikayat sa isang tao na gumawa o umiwas sa isang partikular na gawain.
Bonus
karagdagang gantimpalang salapi dahil sa mahusay na trabaho o kita ng kumpanya.
Overtime Pay
dagdag na bayad para sa oras na lampas sa regular na trabaho.
Hazard Pay
dagdag na bayad para sa mapanganib na trabaho.
Performance Incentives
gantimpala para sa mahusay na pagganap o pag-abot ng mga target.
Positibong Insentibo
nagbibigay ng gantimpala Hal: bonus, promosyon, diskuwento.
Negatibong Insentibo
naglalagay ng parusa o kaparusahan upang maiwasan ang isang gawain.
Tradisyonal na Pag-unlad
Nakabatay sa mga nakagisnang kaugalian at paraan ng pamumuhay. Kadalasan, ito ay sinusukat lamang sa dami ng kita, imprastraktura, produksiyon, negosyo, at paglago ng ekonomiya (GDP).
Likas-Kayang Pag-unlad
Uri ng pag-unlad na tumutugon sa pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon nang hindi isinasakripisyo ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na matugunan ang kanilang sariling pangangailangan.
Ekonomiya (Economic)
Paglikha ng trabaho, sapat na kita, produkto, serbisyo, at mga proyektong pangkabuhayan na hindi sumisira sa kalikasan.
Lipunan (Social)
Nakatuon sa kapakanan ng tao—kalusugan, edukasyon, seguridad, pagkakapantay-pantay, at pakinabang ng lokal na komunidad sa mga proyekto.
Kapaligiran (Environmental)
Pangangalaga sa lupa, tubig, hangin, kagubatan, at mga hayop sa pamamagitan ng reforestation, renewable energy, at waste management.
Urbanisasyon (Urbanization)
Paglawak ng mga lungsod at bayan bunsod ng pagdami ng populasyon, negosyo, at imprastraktura.
Industriyalisasyon (Industrialization)
Malawakang pag-unlad ng mga gawaing pangkabuhayan tulad ng pagmamanupaktura, konstruksyon, at pagmimina.
Polusyon (Pollution)
Pagdumi o pagkasira ng kalidad ng hangin, tubig, at lupa dahil sa basura at kemikal.
Pagkaubos ng Likas na Yaman (Depletion of Natural Resources)
Patuloy na pagbawas ng kagubatan, tubig, mineral, at yamang-dagat dahil sa labis o maling paggamit.
Environmental and Natural Resources Accounting (ENRA)
Ito ay isang accounting/statistical framework na ginagamit sa pagsusukat ng halaga at kondisyon ng likas na yaman at kapaligiran.
Environmental Accounting
Paraan ng pagsasama ng kalagayan ng kalikasan at likas na yaman sa pagsukat ng kaunlarang pang-ekonomiya
Brundtland Report
Ulat noong 1987 na naglinaw sa konsepto ng likas-kayang pag-unlad.
Earth Summit
Pandaigdigang kumperensiyang idinaos noong 1992 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan pinagtibay ang Agenda 21.
Agenda 21
Pandaigdigang gabay na naglalayong maisama ang pangangalaga sa kalikasan sa mga patakarang pangkaunlaran.
WCED / World Commission on Environment and Development
Pandaigdigang komisyong binuo ng United Nations noong 1983 upang suriin ang ugnayan ng kaunlaran at kapaligiran.