1/25
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Pakikipagkapwa
Ang kakayahan ng mga Filipino na magpakita ng pagmamalasakit, pag-unawa sa damdamin ng iba, pagtulong sa mga nangangailangan, at pagkakaroon ng pakikiramay.
Kapwa
Mga taong labas sa iyong sarili na maaaring magulang, kamag-anak, kaibigan, kaklase, o kaaway. Ito ang simula ng paglinang sa iba't ibang aspekto ng iyong pagkatao.
Katarungan
Ang pagbibigay ng nararapat na respeto at dignidad sa kapwa. Ito ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Pagmamahal
Ang pagbibigay ng higit pa sa itinakda ng karapatan at katarungan sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.
Aspektong Intelektwal
Ang pangangailangan sa kaalaman at kakayahan upang matugunan ang mga pansariling kakulangan. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng aktibong paggamit ng media at pagkakaroon ng kagustuhang matuto ng indibidwal.
Aspektong Pangkabuhayan
Ang mga pangangailangang pisikal ng tao upang mabuhay, kabilang ang pangangailangan sa pagkain. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa buhay.
Aspektong Politikal
Ang mga pangangailangan na may kaugnayan sa pamahalaan at mga namumuno sa bansa. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga eleksyon at pagsunod sa mga batas.
Aspektong Panlipunan
Ang pagkakaroon ng kaligtasan at katiyakan sa buhay, pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya. Ito ay matutugunan sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa komunidad at pagsali sa iba't ibang grupo dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap.
Pagkakaibigang Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan
Ang pagkakaibigan na nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausap. Ito ay mas mataas kaysa sa ibang uri ng pagkakaibigan.
Pagkakaibigang Nakabatay sa Kabutihan
Ang pagkakaibigan na nabubuo batay sa pagkagusto at paggalang sa isa't isa. Ito ay tumatagal at may mas malalim na kabuluhan kaysa sa ibang uri ng pagkakaibigan.
Uri ng Pakikipagkaibigan
Ito ay ang iba't ibang uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle, tulad ng nakabatay sa pangangailangan, pansariling kasiyahan, at kabutihan.
Panlipunang Nilalang
Ito ay ang layunin ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may kasama at maging bahagi ng lipunan.
Kakayahan ng Tao
Ito ay ang likas na kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at maging bahagi ng lipunan.
4 na Uri ng Damdamin
Ito ay ang sikolohikal na tugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid, tulad ng sikikong damdamin, ispiritwal na damdamin, pandama, at kalagayan ng damdamin.
Emosyon
Ito ay ang kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig.
Mga Pangunahing Emosyon
Ito ay ang iba't ibang uri ng emosyon tulad ng pagmamahal, pag-asa, paghahangad, pagkamuhi, pagkatakot, pagkatuwa, pag-iwas, pagkagalit, pagdadalamhati.
Mapanagutang Pamumuno
Ito ay ang tungkulin ng isang tagasunod na gumawa ng aktibong pagpapasiya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng pangkat.
Mabuting Lider
Ito ay ang mga katangian ng isang mabuting lider tulad ng paglilingkod, pagtitiwala sa kakayahan ng iba, pagiging magaling sa pakikinig at pakikipag-ugnayan, pagiging inspirasyon sa iba, at pagkakaroon ng positibong pananaw at integridad.
Lider
Ito ay ang taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat ng tao.
Tagasunod
Ito ay ang taong sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider.
Pamumunong Adaptibo
Ito ay ang istilo ng pamumuno na ibinabatay sa sitwasyon at may mataas na antas ng pagkilala sa sarili at kakayahang pamahalaan ang sarili.
Pamumunong Transpormasyonal
Ito ay ang pamumuno na nagbibigay ng inspirasyon at nagtutulak sa mga kasapi ng pangkat na mapaunlad ang kanilang sarili at maabot ang kanilang pinakamataas na potensyal.
Pamumunong Inspirasyunal
Ito ay ang pamumuno na nagbibigay ng inspirasyon at direksyon sa mga kasapi ng pangkat tungo sa nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat.
Barack Obama
Ito ay isang halimbawa ng lider na nagpakita ng pamumunong inspirasyunal.
Lee Kuan Yew
Ito ay isang halimbawa ng lider na nagpakita ng pamumunong transpormasyonal.