1/26
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
|---|
No study sessions yet.
DULA
Isang genre ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo; tinatawag na mimesis-paggagad o paggaya sa mga nagaganap sa totoong buhay
ISKRIP
Pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naayon dito
AKTOR
Nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; bumibigkas ng mga diyalogo at nagpapakita ng iba't ibang damdamin
TANGHALAN
Pook na pinagtatanghalan ng dula sa tradisyunal na dula; maaari ring itanghal ang dula sa kalye
DIREKTOR
Nagpapakahulugan sa isang iskrip; nagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan at paraan ng pagganap ng mga aktor
MANONOOD
Ang mga makakasaksi sa isasagawang pagtatanghal
KOMBENSYON SA PANAHON
Kunwari'y naniniwala ang manonood na sa loob lamang ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, linggo, buwan o taon
IKAAPAT NA DINGDING
Kombensyon kung saan bukas at namamalas/naririnig ng mga manonood ang lahat ng sinasabi at ikinikilos ng mga tauhan
KOMBENSYON NG PANANALITA
Ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay
KOMBENSYON NG PAGSASALITA SA SARILI
Pagsasalita na parang sa sarili lamang tauhan, tinatanggap ng manonood na kailangan upang malaman ang iniisip ng gunaganap
TULA
Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buay, hinango sa guniguni, pinaparating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw
EPIKO
Mahabang mga tulang nagsasalaysay ng karanasan ng isang bayan, kultura at lahi
BUGTONG
Pagpapahiwatig ng larawan sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang kilalang bagay na nagsisilbing pantukoy sa isang lihim o di hayag na tao o bagay
SAKNONG
Pangkat ng mga taludtod o mga linyang bumubuo sa tula; kadalasang apat na taludtod
TUGMA
Pare-pareho o halos magkakasintunugan ang dulong pantig ng bawat taludtod
SUKAT
Bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong
TONO
Tumutukoy sa damdamin o saloobin ng makata na naipapahayag sa kanyang mga salita
TANAGA
Isang saknong, may apat na taludtod at may sukat na pipituhing pantig ang bawat taludtod
DIONA
Isang saknong, may tatlong taludtod at may sukat na pipituhing pantig ang bawat taludtod
HAIKU
Tula mula sa bansang Japan na may tatlong taludtod at may sukat na 5-7-5
VILLANELLE
Tulang binubuo ng labinsiyam na taludtod na nahahati sa limang terseto at isang kuwarteto
AKTOR POKUS
Ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa ay ang paksa; sumasagot sa tanong na "Sino"
GOL POKUS
Kapag ang bagay ang siyang pinag-uukulan ng kilos at hindi ang gumawa ng kilos; sumasagot sa tanong na "Ano"
INSTRUMENTAL POKUS
Kapag ang kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos ang siyang nagiging simuno; panlaping ipang, ipinang, maipang
BENEPAKTIB POKUS
Ang pandiwa ay nakapokus sa kung para kanino isinasagawa ang kilos; panlaping i-, ipag, ipinag
LOKATIB POKUS
Pokus ng pandiwa kung saan ang paksa ng pangungusap ay lugar o ganapan ng kilos; sumasagot sa tanong na "Saan"
KOSATIB POKUS
Ang paksa ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng pagkilos