1/9
Mga flashcards na naglalaman ng mga pangunahing bokabularyo tungkol sa konsepto, kahalagahan, at mga katangian ng isang entrepreneur.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Entrepreneurship
Tumutukoy sa kalagayan ng pagnenegosyo o pagkakakitaan, at pag-aaral kung paano magsimula at maghawak ng negosyo upang ito ay magtagumpay at hindi malugi.
Entrepreneur
Isang indibidwal na nagmamay-ari o namamahala ng isang negosyo kung saan siya ang nag-iisip ng makabagong produkto o serbisyo para sa tamang lugar at panahon.
Mga Salik ng Produksyon
Binubuo ng lupa, lakas-paggawa, at yamang kapital na pinagsasama-sama ng entrepreneur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
Buwis
Ang binabayad ng mga entrepreneur mula sa kanilang kita na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali ng eskwelahan, kalsada, at iba pang proyektong panlipunan.
Malikhain
Isang katangian ng entrepreneur na palaging nag-iisip ng mga bagong ideya at mas mahusay na paraan ng paggawa ng mga bagay.
Dedikasyon sa negosyo
Ang silbing susi ng isang entrepreneur upang maibsan at malampasan ang mga hadlang at balakid sa kanyang larangan.
Kakayahang mapagtanto ang isang pagkakataon
Ang pagkaalam kung ano ang tamang produkto at serbisyo para sa akmang lugar, akmang panahon, at wastong halaga.
Mapanghikayat
Katangian ng isang indibidwal na matagumpay sa negosyo dahil alam niya kung paano makikinig sa kanya ang mga tao.
Feedback
Ang impormasyong hinihingi ng entrepreneur upang malaman ang mga dapat pagbutihin sa produkto upang umayon sa panlasa ng mga mamimili.
Marunong makibagay
Katangian ng isang entrepreneur na marunong makinig at intindihin ang kagustuhan at pangangailangan ng kaniyang mga mamimili.