1/24
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Tula
Isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan sa pamamagitan ng mga salita na may sukat at tugma.
Apat na pangunahing uri ng tula
Tulang Pasalaysay, Tulang Liriko, Tulang Padulaan, at Tulang Patnigan.
Tulang Pasalaysay
Isang uri ng tula na nagkukuwento ng mga pangyayari gamit ang boses ng tagapagsalaysay at mga tauhan.
Paksa ng Tulang Pasalaysay
Mga pangyayari sa araw-araw na buhay, mula sa simpleng kwento hanggang sa epikong pakikipagsapalaran.
Epiko
Isang tulang pasalaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, pakikitunggali sa mga kaaway, at tagumpay sa digmaan.
Awit at Kurido
Tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian, tulad ng hari, reyna, at prinsipe.
Tulang Liriko
Isang tula na naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay, tulad ng pag-ibig, pagkabigo, at tagumpay.
Paksa ng Tulang Liriko
Karaniwang tungkol sa damdamin, katapangan, at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Awit sa Tulang Liriko
Isang tulang may tig-aapat na taludtod sa bawat saknong.
Soneto
Isang tula na karaniwang may 14 linya at may paksang damdamin at kaisipan.
Oda
Isang tulang liriko na nakasulat bilang papuri o dedikasyon sa isang tao o bagay.
Elehiya
Isang tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Tulang Padulaan
Isang tula na sadyang ginawa upang itanghal at naglalarawan ng mga tagpong madula.
Uri ng Tulang Padulaan
Komedya, Melodrama, Trahedya, Parsa, at Saynete.
Tulang Patnigan
Isang uri ng tula na ginagamitan ng pagtatalo, pangangatwiran, at matalas na pag-iisip.
Uri ng Tulang Patnigan
Karagatan, Duplo, at Balagtasan.
Kahalagahan ng iba't ibang uri ng tula
Nagpapakita ito ng malawak na saklaw ng pagpapahayag ng tao, mula sa pagkukuwento hanggang sa pagpapahayag ng damdamin, at bahagi ito ng ating kultura at panitikan.
Komedya sa Tulang Padulaan
Isang dula na may masaya at magaan na tema, madalas ay may layuning magpatawa.
Melodrama sa Tulang Padulaan
Isang dula na puno ng matinding emosyon, kadalasang nagpapakita ng labis na lungkot o hirap ng tauhan.
Trahedya sa Tulang Padulaan
Isang dula na may malungkot na wakas, kadalasang nagtatapos sa kamatayan o pagkabigo ng pangunahing tauhan.
Parsa sa Tulang Padulaan
Isang dula na may layuning magpatawa gamit ang eksaheradong kilos, diyalogo, at pangyayari.
Saynete sa Tulang Padulaan
Isang dula na nagtatampok ng kaugalian ng isang lahi o pangkat, madalas ay may halong katatawanan.
Karagatan sa Tulang Patnigan
Isang pagtatalong patula na madalas ay may temang pag-ibig at ginagamit sa mga lamay.
Duplo sa Tulang Patnigan
Isang patulang debate na ginaganap sa lamayan, kung saan may paligsahan ng talino sa pagsagot ng palaisipan o salawikain.
Balagtasan sa Tulang Patnigan
Isang patulang pagtatalo kung saan may dalawang panig na may magkaibang opinyon, at may isang lakandiwa na gumaganap bilang tagahatol.