1/34
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Ano ang Paniniwala?
Ay mga ideya o pananaw na tinatanggap ng isang tao o pamayanan batay sa kanilang karanasan, tradisyon, o kultura.
Ano ang Animismo?
Sinaunang paraan ng pananampalataya ng mga sinaunang Pilipino.
Ano ang paniniwala sa Animismo?
Pagkilala at pagbigay-galang sa anuman at alinmang bagay na bahagi ng kalikasan, tulad ng mga hayop, halaman, bato, ilog, at bundok, ay may sariling kaluluwa o espiritu.
Sino si Bathala?
Kataas-taasang Diyos, lumikha at pinuno ng sansinukob sa sinaunang kulturang Tagalog.
Ano ang Hiyas?
"Alahas", simbolo ito ng katayuan, kapangyarihan, at proteksiyon.
Ano ang Anting-anting?
Agimat na pinaniniwalaang nagbibigay ng mahiwagang proteksiyon.
Ano ang halimbawa ng Anting-anting?
Amulets at tattoo.
Ano ang naibibigay ng Anting-anting?
Nagbibigay ng lakas, suwerte, at tapang.
Ano ang Ginhawa/Life Force?
Ay ang panloob na lakas o enerhiya na nagbibigay-buhay sa tao. Ito ang dahilan kung bakit tayo may kakayahang mabuhay, kumilos, mag-isip, at makaramdam.
Ano ang halimbawa ng Ginhawa/Life Force?
Yoga Meditation.
Ano ang Paniniwala sa Kamatayan?
Pagkawala ng hininga o pagkalas ng kaluluwa o espiritu sa katawan ng yumao.
Ano ang Pasiyam o Siyam?
Araw ng pagdarasal para sa namatay mula sa araw na sumakabilang-buhay hanggang sa ikasiyam (9th) na araw.
Ano ang Ika-40 Araw?
Pagdarasal sa ika-40 araw dahil naniniwala ang maraming Pilipino na ang kaluluwa ng isang namatay ay pagalagala lamang sa lupa at magsisimula lamang itong maglakbay patungo sa langit pagsapit ng ika-40 araw.
Ano ang Kabilang-buhay?
Ang buhay na mayroon sa kasalukuyan ay siya ring magiging buhay sa kabilang-buhay.
Ano ang Manunggul Jar?
Ang natagpuan sa Tabon, Palawan ay isang patunay ng ating paniniwala sa paglalakbay ng namatay.
Ano ang mahalagang papel ng bangka sa Manunggul Jar?
May mahalagang papel ang bangka bilang sasakyang tagapagtawid sa kabilang-buhay ng mga kaluluwa.
Paano naipasa ang mga tradisyonal na paraan ng panggagamot?
Naipasa sa kasalukuyang henerasyon sa pamamagitan ng oral tradition o pagsasalin-salin.
Ano ang pinagmulan ng tradisyonal na pamamaraan ng pagpapagaling?
Obserbasyon sa kalikasan at karanasan ng matatanda.
Sino ang mga Babaylan?
Sinaunang manggagamot.
Sino ang Albularyo?
Ang tawag sa mga manggagamot na ang paraan ng pagpapagaling ay orasyon at ritwal bago ang ilang aktuwal na panggagamot.
Ano ang Tutho o Pagdura?
Pagpapahid ng laway.
Ano ang Hilot?
Pisikal na paraan ng therapy.
Ano ang Pausok at Kamangyan?
Para sa spirits.
Ano ang halimbawa ng Pausok?
Suob, pagpapausok sa katawan ng maysakit at paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig na may mga asin at stuff.
Ano ang Paniniwala?
Tumutukoy sa mga ideya o konsepto na pinaniniwalaan ng isang tao o grupo bilang totoo o wasto. Maaaring nakabase sa mga katotohanan, ebidensiya, o lohika.
Ano ang Pananampalataya?
Isang mahalagang aspekto ng buhay na nagpapakita ng pagtitiwala, pag-asa, at positibong pananaw sa buhay. Maaaring tumutukoy sa konteksto ng relihiyon o personal na relasyon sa komunidad sa paraan ng pagtitiwala.
Ano ang Personal na Paniniwala?
Nakapokus sa ating sariling mga kaisipan sapagkat para sa atin ay ito ang tama o totoo. Ito ay tumutukoy sa pansariling pananaw, ideya, opinyon, perspektibo, at iba pang nakatuon sa isipan ng ating mga sarili.
Ano ang halimbawa ng Personal na Paniniwala?
Relihiyon at Edukasyon.
Ano ang Panlipunang Paniniwala?
Tumutukoy sa mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at pagpapahalagang pinagsasaluhan ng isang komunidad o lipunan. Ito ay nabubuo at naipapasa sa pamamagitan ng pamilya, kultura, relihiyon, at iba pang karanasan sa lipunan.
Ano ang halimbawa ng Panlipunang Paniniwala?
Pagmamano o Pagdiriwang Pista.
Ano ang Kamalayang Pangkasaysayan?
Sa pamamagitan ng kamalayang pangkasaysayan, nagiging mas malinaw ang mga koneksyon sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ito rin ay nag-aambag sa ating kakayahang makagawa ng mas mahusay na desisyon na nakabatay sa mga nakaraang karanasan.
Ano ang Ugnayan ng Personal at Panlipunang Pananampalataya?
Walang limitasyon ang isip ng tao; ang pansarili nating mga gawa ay may epekto sa komunidad.
Ano ang proseso ng Ugnayan ng Personal at Panlipunang Pananampalataya?
Ang pag-unawa at paggalang sa paniniwala ng iba para sa pag-unlad.
Ano ang kombinasyon ng Personal at Panlipunang Pananampalataya?
Kombinasyon ng ating personal na karanasan at danas ng lipunan.
Ano ang Pagtatagpo ng Pansarili at Panlipunang Paniniwala?
Ay nagbigay ng mas malalim, mas malawak, at mas katiyakang pag-unawa sa ating pag-uugali at pananaw sa buhay.