1/43
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced |
---|
No study sessions yet.
Simoun
Isang napakayamang mag- aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral.
Kapitan-Heneral
Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Mataas na Kawani
Isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan.
Padre Florentino
Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino. Kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata.
Padre Bernardo Salvi
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamang prayle
Padre Hernando Siblya
Isang matikas at matalinong paring Dominiko
Padre Irene
Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
Padre Fernandez
Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral
Padre Camora
Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag tungayaw kay Ben Zayb sa kung anu-anong bagay na maibigan.
Padre Millon
Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika
Telesforo Juan de Dios
Kilala rin bilang si Kabesang Tales,ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain.
Juliana/Juli
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales
Tata Selo
Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.
Tano/Carolino
Anak ni kabesang tales na tahimik at kusang loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siyay magsundalo
Basilio
Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
Isagani
Siya ay mahusay sa pakikipagtalo at matapang makipaglaban ng prinsipyo kaninuman
Makaraig
Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila
Placido Penitente
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito.
Pecson
Mapanuring mag-aaral
Juanito Pelaez
Isang mamayamang mag-aaral na tamad at lakwtsero
Sandoval
Isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.
Tadeo
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor.
Paulita Gomez
Isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki
Donya Victorina de Espadana
Larawan siya ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
Don Tiburcio de Espedaña
Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito.
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito
Maria Clara delos Santos
Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kanyang buhay.
Kapitan Basilio
Isang mayamang-mamamayan na taga-San Diego
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa
Ben Zayb
Ang mamamahayag na malaya raw mag-isip
Ginoong Pasta
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na Abogadong Pilipino
Pepay
Isang kaakit-akit na mananayaw.
Hermana Bali
Isang batikang panggingera
Hermana Pancha
Isang masimbahing manang
Kapitana Tika
Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang.
Sinang
Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere
Kabesang Andang
Butihing ina ni Placido Penitente.
Quiroga
Isang mayamang Intsik na manganga-lakal
Don Timoteo Pelaez
Siya ang ama ni Juanito Pelaez.
Mr. Leeds
Mahusay sa mahika
Kapitan ng Barko
Isang beteranong marinero ang kapitan ng barko
Sinong
Ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil bago mag noche buena dahil sa wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa
Camaronconcido
Ang tanging nilalang na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na opereta mula sa Pransiya
Tiyo Kiko
Isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata