1/18
Mga bokabularyo at pangunahing konsepto tungkol sa sistemang pampolitika, pang-administrasyon, at edukasyon sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pyudalismo
Sistemang kung saan ang mga mayayaman o nagmamay-ari ng mga malalaking lupain ay may malaking kapangyarihan na natatamasa.
Ang Sosyal na Estraktora
Ang hirarkiya ng lipunan sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol na binubuo ng Mataas na Uri (mga opisyal, peninsulares, friars/pari), Gitna Uri (mestizos, natives, criollos), at Pinakamababang Uri (landless indios o mga magsasaka).
Gobernador-Heneral
Ang sentro ng lahat ng pamamahala sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol na humahawak ng kapangyarihang ehekutibo, pambatasan, at judisiyal.
Ministro De Ultramar
Kawanihan sa Espanya na itinatag noong 1863 para sa pamamahala sa mga kolonya ng Espanya.
Direktorat ng Civil Administration
Ahensyang umusbong noong 1874 kasama ang Sekretarya ng Pamahalaang Sentral na nagsilbing tagapayo ng administrasyon.
Royal Audiencia
Ang Korte Suprema sa panahon ng Espanya na nagsilbing hudisyal na katawan at auditor ng gobyerno.
Alferez
Pangalawang tenyente (second lieutenant) na namuno sa mga corps ng guardia sibil o cuadrilleros na nagpanatili ng kapayapaan at tungkuling pulisya.
Autos Acordados
Mga batas para sa bansa na ipinatupad ng gobernador-heneral sa tulong ng Royal Audiencia.
Batas ng mga Indies
Mga batas o Leyes na sumasaklaw at ipinatutupad sa mga kolonya ng Espanya.
Operating Hierarchy of Government
Ang estruktura ng lokal na pamamahala na binubuo ng Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Lungsod, Gobernadorcillo, at Cabeza de Barangay.
Alcalde Mayor
Ang opisyal na namumuno sa Pamahalaang Panlalawigan (Provincial Government) na nagsisilbi rin bilang civil governor.
Gobernadorcillo
Ang tinaguriang Capitan na nagsisilbing chief executive ng pamahalaang bayan at nahahalal kada taon mula sa principalia.
Cabeza de Barangay
Ang tagapamahala ng barangay na ibinibigay lamang ang posisyon sa Mestizo o Pilipinong Tsino.
Kakulangan sa Pamumuno
Isang sanhi ng pang-aabuso sa sistemang administratibo kung saan mahina ang pamamahala dahil sa hinirang lamang na mga mayayaman, sakim na gobernador-heneral, at maharlikang angkan.
Katiwalian sa Administrasyon
Pang-aabuso na kinapapalooban ng mataas na buwis, pagsasarili sa kalakalan, mataas na halaga ng lisensya, at pagbili ng mura at pagbebenta ng mahal na produkto.
Gobernador Manuel y Cebrian
Ang gobernador na nagbuo ng lupon para sa pagpapabuti ng edukasyong elementarya matapos ang pagbubukas ng pampublikong paaralan noong 1855.
Kautusan ng Espanya noong December 20, 1863
Kautusang nag-aatas sa pagtatayo ng pangprimaryang paaralan para sa mga babae at lalaki sa pamamahala ng mga Jesuit.
Moret Decree
Kautusan noong 1870 na naglalayong sekularisahin ang Higher Education ngunit tinutulan ng mga prayle.
Ilustrado
Mga may-kayang Pilipino na nakapag-aral sa ibang bansa tulad ni Dr. Jose Rizal na nagpetisyon at naglayong isulong ang karapatan sa edukasyon.