1/31
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress

Juan Crisostomo Magsalin Y Ibarra
binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiyago
mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Maria Clara
mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Don Anastacio o Pilosopo Tasyo
maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Don Rafael Ibarra
ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Crispin at Basilio
magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Padre Salvi o Bernardo Salvi
kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Padre Sibyla
paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Alperes
matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Consolacion
napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Donya Victorina de Espadaña
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Don Tiburcio de Espadaña
isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya paramapangasawa ni MariaClara.

Tiya Isabel
hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba
masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Tinyente Guevarra
isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitan Heneral
pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Kapitan Basilio
ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang

Don Filipo
(matinong opisyal na may malasakit sa katarungan)

Lucas
kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra
Don Saturnino
lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Don Pedro Eibarramendia
ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Kapitana Maria
tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Senor Nol Juan
namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Mang Pablo
pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Mga kaibigan ni Maria Clara
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng ang mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Tarsilo at Bruno
magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Albino
dating seminarista na nakasama sa piknik salawa.
Balat
nuno ni Elias na naging isang tulisan