FILIPINO 11 - Pananaliksik

5.0(1)
Studied by 23 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/26

flashcard set

Earn XP

Description and Tags

2ND SEM FINAL TERM

Last updated 9:53 PM on 4/27/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

27 Terms

1
New cards

Pananaliksik

paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran. Ito rin ay tumutuklas ng iba't ibang paraan para mapabuti ang pamumuhay sa pamamagitan ng imbensyon at kaalaman.

2
New cards

Maka-pilipinong pananaliksik

gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. Isinasaalang-alang ang pagpili ng paksang naaayon sa interest at kapakinabangan ng mga Pilipino

3
New cards

Etika

ito ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa katanggap tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali

4
New cards

Pamamalahiyo (plagiarism)

tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito

5
New cards

Kuwantitatibo

ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirical na inbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematika, estadistika, at mga Teknik na gumagamit ng komputasyon

6
New cards

Kuwalitatibo

ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasta na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito

7
New cards

Deskriptibong pananaliksik

ito ay nagbibigay ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral

8
New cards

Aksiyong pananaliksik

inilalarawan at tinatasa ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan

9
New cards

Metodolohiya

ito ay tumutukoy sa isang organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman

10
New cards

Metodo

tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas

11
New cards

  1. Sarbey

  2. Pakikipanayam o Interbyu

  3. Dokumentaryong Pagsusuri

  4. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon

Disensyo at pamamaraan ng pananaliksik

12
New cards

Sarbey

Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyong o sampol ng pananaliksik

13
New cards

panayam o Interbyu

ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad sa paksa ng pananaliksik

14
New cards

Dokyumentaryong pagsusuri

ito ay pamamaraan na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik

15
New cards

Nakabalangkas na obserbasyon at pakikisalamuhang obserbasyon

ito ay pagmamasid sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang siyentipikong itinatala ang kanilang pagkilos

16
New cards

Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa

  1. May sapat na sanggunian na pagbabatayan ng napiling paksa

  2. Paglimita sa masaklaw na paksa

  3. Makapag-ambag ng bagong kaalaman sa piniling paksa

  4. Gagamit ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong

17
New cards

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik

  1. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik

  2. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok

  3. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok

  4. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik

18
New cards
  1. Pamimili at pagpapaunlad ng Paksa

  2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

  3. Pangangalap ng Datos

  4. Pagsusuri ng Datos

  5. Pagbabahagi ng Pananaliksik

Mga Bahagi At Proseso ng Pananaliksik

19
New cards

Mga Bahagi ng Metodolohiya

  1. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

  2. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

  3. Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang ang proseso ng sampling na pinagdaanan at ang dahilan o pinagbatayan sa pamimili ng kalahok.

  4. Kagamitan sa paglikom ng Datos

  5. Paraan sa paglikom ng datos

  6. Paraan sa pagsusuri ng datos

20
New cards

Structured interview o nakabalangkas na pakikipanayaman

sakto o tiyak ang pagtatanong tulad ng talatanungan sa sarbey

21
New cards

Semi-structured interview o pakikipanayam sa bahagyang balangkas

nagbibigay kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy na panayam

22
New cards

Unstructured interview o malaya na pakikipanayam

layunin nitong galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng pananayam

23
New cards

Pamimili at pagpapaunlad ng Paksa

  • pamimili at paglilimita ng paksa

  • pagbuo ng tanong 

  • pagbuo ng haypotesis 

  • pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

24
New cards

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

  • pamimili ng disenyo at pamamaraan

  • pagbuo ng paradaym, instrumento, konseptwal, at teoretikal na balangkas

  • pagpaplano ng mga proseso 

  • pagtukoy sa populasyon o materyales na pagmumulan ng datos

  • Pamimili ng lokal at populasyon ng pananaliksik

25
New cards

Pangangalap ng Datos

  • pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit nito

  • pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik 

  • pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon

  • Pakikisalamuha at pakikipanayam sa mga kalahok ng pananaliksik

  • Paglulunsad ng sarbey

26
New cards

Pagsusuri ng Datos

  • presentasyon ng datos 

  • pagsusuri at interpretasyon ng datos

  • paggamit ng mga paraang estadistikal sa interpretasyon ng datos 

  • Pagbuo ng lagom, kongklusyon, at rekomendasyon

27
New cards

Pagbabahagi ng Pananaliksik

  • pamimili ng jornal kung saan ilalathala ang pananaliksik 

  • rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng jornal 

  • presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi