1/37
Isang koleksyon ng mga terminolohiya at konsepto mula sa kursong PI100 tungkol sa buhay ni Jose Rizal, kanyang mga nobela, at ang kasaysayan ng rebolusyong Pilipino.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Valentin Ventura
Isang kapampangan na tumulong sa pagpopondo ng El Filibusterismo.
Maximo Viola
Isang Bulacenong manggagamot na tumulong sa pagpopondo ng Noli Me Tangere.
Kataraman ng mga Filipino (Dahilan ng Klima)
Ang mainit na klima sa Pilipinas ay nagtutulak sa mga magsasaka na magtrabaho ng 16 na oras bawat araw, simula sa madaling araw hanggang hapon, na madalas ay namimisinterpret ng mga dayuhang sanay sa malamig na klima.
North Borneo Project
Ang plano ni Jose Rizal noong 1892 na magtatag ng isang pamayanan sa Sabah (Hilagang Borneo) para sa mga pinalayas na magsasaka mula sa Calamba.
La Liga Filipina
Isang organisasyong naglalayong pag-isahin ang buong kapuluan, magkaroon ng proteksyon sa pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasan, pag-uudyok sa edukasyon at kalakalan, at pag-aaral ng mga reporma.
Padre Florentino
Isang Pilipinong paring naniniwala na ang kalayaan ay makakamit sa pamamagitan ng edukasyon, dangal, at kabutihan sa halip na kasakiman at karahasan.
Rebelyon
Isang porma ng pagproprotesta o mobilisasyon na kumukundena sa isang partikular na patakaran, aksyon, batas, o namumuno; halimbawa ay ang rebelyon ni Dagohoy.
Rebolusyon
Isang porma ng pag-aalsa na naglalayong pabagsakin at palitan ang mismong namumuno o sistema sa mahabang panahon; halimbawa ay ang Katipunan.
Kabesang Tales
Isang tauhan na inagawan ng lupain ng mga prayle, sumisimbolo sa mga magsasakang inaapi sa kanayunan gaya ng sa Negros.
Isagani
Isang kabataang nangarap magtayo ng akademikong paaralan ngunit dinakip dahil sa maling paratang ng sedisyon; sumisimbolo sa mga student activists.
Maria Clara
Inilarawan bilang ideal na Filipina na biktima ng pang-aabuso ng patriyarka at kolonyal na kapangyarihan.
Alamat ng Malapad na Bato
Isang sagradong batumbuhay na pinaniniwalaang kinalalagyan ng mga espiritu hanggang sa naging tirahan ito ng mga tulisan.
Alamat ng Yungib ni Donya Geronima
Kuwento ng isang dalagang naghintay sa nobyong nagpari at naging arsobispo, na kalaunan ay nanirahan at namatay sa isang kweba.
Alamat ni San Nicolas
Ang himala kung saan ginawang bato ni San Nicolas ang isang buwaya (simbolo ng demonyo) upang iligtas ang isang Intsik.
Erehe
Isang indibidwal na itinuturing na taksil sa aral at batas ng Simbahan.
Pilibustero
Isang indibidwal na itinuturing na taksil sa pamahalaan o gobyerno.
Kilusang Propaganda
Isang samahan ng mga Ilustrado na gumagamit ng asimilasyon at mapayapang reporma bilang layunin sa ilalim ng pahayagang La Solidaridad.
Katipunan (KKK)
Isang separatistang samahan na naglalayong makamit ang kalayaan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan at pahayagang Kalayaan.
Salome
Isang babaeng tauhan na may liberal na pag-iisip at handang magsakripisyo para sa misyon ni Elias.
Huli
Anak ni Kabesang Tales na nagpaalipin kay Hermana Penchang upang mailigtas ang kanyang ama; sumisimbolo sa pagtitiis at pagmamahal sa pamilya.
Donya Victorina
Isang tauhang sumisimbolo sa colonial mentality at sa pagtingin sa sariling kultura bilang mababa kumpara sa banyaga.
Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon
Ang sulat ni Rizal kung saan tinukoy niya ang posibilidad ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa Industrial Revolution at lokasyon nito sa Pasipiko.
Amor Patrio
Ang unang sanaysay ni Rizal sa ibang bansa (1882) na tumatalakay sa pag-ibig sa bayan bilang pinakadalisay na damdamin.
Hen. Paciano Rizal
Ang nakatatandang kapatid ni Rizal na naging pangunahing suporta niya at naging heneral sa Laguna noong Philippine-American War.
Marcelo H. Del Pilar
Kilala bilang Plaridel at Ama ng Peryodismong Pilipino; itinatag niya ang Diariong Tagalog at naging ikalawang patnugot ng La Solidaridad.
Pacto de Retroventa
Isang kasunduan sa pagpapautang na may labis na patubo na nagreresulta sa pagkuha ng estado o mga prayle sa lupain ng mga magsasaka.
Imperyalismo
Ang pananakop at kontrol ng malalakas na bansa sa ibang rehiyon gamit ang pwersang militar, ekonomiya, o kultura para sa global hegemonic power.
Pyudalismo
Isang sistema kung saan ang mga landlords ang may-ari ng lupa at ang mga pesante ay nagtatrabaho rito kapalit ng proteksyon.
Kroniyismo
Ang pagbibigay ng pabor o kapangyarihan sa mga malalapit na kaibigan sa pulitika o trabaho.
Nepotismo
Ang pagbibigay ng pabor o posisyon sa mga kamag-anak sa loob ng gobyerno o organisasyon.
Bapor Tabo
Simbolo ng gobyernong hindi umuunlad dahil sa pagbabanggaan ng simbahan/kolonyal na kapangyarihan at ng sambayanang Pilipino.
Ferdinand Blumentritt
Isang Austrian na guro at iskolar na naging matalik na kaibigan at tagapagtanggol ni Rizal sa Europa.
RA 1425
Kilala bilang Rizal Law na nilagdaan noong 1956 na nag-uutos sa pag-aaral ng buhay at mga akda ni Rizal sa lahat ng antas ng paaralan.
Triangle System
Isang sikretong recruitment system ni Bonifacio kung saan ang isang kasapi ay kukuha ng dalawang bagong miyembro na hindi magkakakilala.
Gregoria de Jesus
Ang Lakambini ng Katipunan at asawa ni Bonifacio na nagsilbing custodian ng mga sikretong dokumento at selyo ng samahan.
Hen. Miguel Malvar
Ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa digmaang Pilipino-Amerikano noong Abril 16, 1902.
Masonriya
Isang kapatiran o brotherhood para sa pulitikal at panlipunang pagbabago, katulad ng Logia Revolucion sa Barcelona.
Kanser ng Lipunan
Ang malalim na korapsyon at pang-aabuso mula sa mga Espanyol na pinalalala ng mga bisyo, fiesta, at colonial mentality.