LESSON 2 - RIZAL FINALS

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/36

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 1:57 AM on 5/30/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

37 Terms

1
New cards

INSPIRASYON NG NOLI ME TANGERE

Malaki ang naging impluwensya ng

aklat na Uncle Tom's Cabin ni

Harriet Beecher Stowe kay José

Rizal. Ninais ni Rizal na

makapaglathala ng isang aklat na

magkakaroon ng mahalagang papel sa

kasaysayang pampolitika ng bansa

2
New cards

natapos ang nobela sa

Natapos ang nobela sa Berlin

sa pagtatapos ng 1886, at

pagsapit ng 1887 ay handa na

ang pinal na manuskrito para

sa paglilimbag

3
New cards

TAGAPAGLIGTAS NG

NOLI ME TANGERE

Nais sana ni Dr. Máximo Viola na

samahan siya ni Rizal sa kanyang

paglalakbay, ngunit nang malaman

niya ang suliranin ni Rizal sa pera,

ipinagpaliban niya ang biyahe at

nagpahiram ng 300 piso upang

mailimbag ang Noli Me Tangere.

4
New cards

Elias at Salome

Gumawa rin si Rizal ng ilang

pagbabago sa nobela upang

makatipid sa gastos sa paglilimbag,

kabilang ang pagtanggal sa

Kabanata 25 na pinamagatang

“Elias at Salome.”

5
New cards

Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay

isinulat sa wikang Espanyol at

nailathala noong 1887. Hango

ito sa karanasan ni Rizal, sa

mga kumbensyon ng nobela

noong ika-19 na siglo, at sa

mga ideyal ng liberalismong

Europeo

6
New cards

Noli Me Tangere

Binubuo ito ng 63 kabanata at

isang epilogo. Si Rizal ay 26

taong gulang lamang nang ito

ay mailathala. Sa panahong

iyon, siya ay nag-aaral ng

medisina sa Universidad

Central de Madrid

7
New cards

Noli Me Tangere

Sa literal na salin, ang salitang

Latin na “Noli Me Tangere” ay

nangangahulugang “huwag mo

akong salingin.” Ito ay hango sa

Juan 20:17 ng Bibliya, kung saan

hinawakan ni Maria Magdalena si

Hesus.

8
New cards

SILHOUETTE OF A FILIPINA

Kinakatawan niya ang kadalisayan, kabaitan, at kahinaan ng kababaihan noong panahon ng Kastila. Madalas siyang iugnay kay Maria Clara

9
New cards

TANIKALA (CHAINS)

Sumisimbolo sa pagkakaalipin ng mga Pilipino sa mga mananakop. Ipinapakita na ang kalayaan ay nakagapos

10
New cards

KRUS

Sumisimbolo sa relihiyon, lalo na sa kapangyarihan ng simbahan noon. Ipinapakita rin nito ang paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng mga mapang-abusong prayle

11
New cards

SUNFLOWER

Sumisimbolo sa kabataan at sa kanilang paghahanap ng kaliwanagan o pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.

12
New cards

SUMBRERO NG GUARDIA CIVIL

Sumisimbolo sa kapangyarihan, pang-aabuso, at malupit na pamamahala ng kolonyal na hukbong sandatahan ng Espanya sa Pilipinas noong panahon ng Kastila

13
New cards

KANDILA

Sumisimbolo sa panalangin, pag-asa, at debosyon sa relihiyon, lalo na sa eksena kung saan nagpasindi si Maria Clara ng mga kandila para sa kaligtasan ni Ibarra

14
New cards

MAN IN CASSOCK

Sumisimbolo ito sa maruming paggamit ng mga pari o prayle sa relihiyon noong panahon ng kastila

15
New cards

POMELO BLOSSOM AT LAUREL

Sumisimbolo sa pananampalataya, karangalan, at katapatan

16
New cards

LATIGO

Sumisimbolo sa karahasan at kapangyarihan ng mga Kastila

17
New cards

Pang-aabuso ng mga Prayle

-Sa nobela, makikita ang kapangyarihan ng mga prayle tulad ni Padre Damaso

-Ang mga prayle noong panahon ng Espanyol ay may kontrol sa simbahan, edukasyon, at maging sa pamahalaan

-Marami sa kanila ang umaabuso sa kapangyarihan at nangingialam sa personal na buhay ng mga Pilipino

18
New cards

Isyu sa Lupa (Hacienda System)

-Ang sinapit ng pamilya ni Ibarra ay may kaugnayan sa pagkawala ng kanilang ari-arian.

-Naranasan mismo ng pamilya ni Rizal ang agawan ng lupa sa Calamba

-Maraming Pilipino ang napaalis sa kanilang lupain dahil sa mga prayle

19
New cards

Diskriminasyon sa mga Pilipino

-Sa nobela, mababa ang tingin sa mga Indio kumpara sa mga Espanyol

-May malinaw na racial hierarchy noon—mas mataas ang Espanyol kaysa Pilipino

-Limitado ang karapatan ng mga Pilipino sa edukasyon at pamahalaan

20
New cards

Kawalan ng Hustisya sa Sistema

-Ang pagkakabilanggo at pagkamatay ng ama ni Ibarra ay isang halimbawa ng kawalang katarungan

-Maraming Pilipino ang napaparusahan kahit walang sapat na ebidensya

-Ang hustisya ay kadalasang pabor sa may kapangyarihan

21
New cards

Kahirapan at Pagdurusa ng Karaniwang Tao

-Makikita ito sa karakter ni Sisa at ng kanyang pamilya

-Maraming Pilipino ang nabubuhay sa kahirapan at inaapi ng mga nasa kapangyarihan

-Walang sapat na proteksyon ang mahihirap laban sa pang-aabuso

22
New cards

Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin

"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magigigng utang pa ang aking kaligayahan."

-Isang mayamang mestizo na kakabalik lamang sa Pilipinas matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa

-Sopistikado, iginagalang, at may mataas na mithiin sa buhay

-Siya ang kasintahan ni María Clara

-Sa kanyang pagbabalik, hiniling niya sa pamahalaan ng San Diego na magpatayo ng pampublikong paaralan upang mapalaganap ang edukasyon

23
New cards

María Clara (María Clara de los Santos y Alba)

"Ako si Maria Clara de los Santos, ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiyago, simbolo ng dalagang Pilipina

-Isang babaeng may mataas na katayuan sa lipunan; ampon ni Kapitan Tiago at inaanak ni Padre Dámaso

-Itinuturing na pinakamaganda at pinakatanyag na dalaga sa San Diego

-Sa huli, nalaman na siya ay anak sa labas ni Padre Dámaso at ni Doña Pía Alba

-Sa wakas, pumasok siya sa kumbento ng mga madre sa Beaterio de Santa Clara

24
New cards

Padre Dámaso (Dámaso Verdolagas)

"Mga Indio! Wala kayong karapatang lapastanganin ang aking pangalan! Ako ang kura paroko ng San Diego kaya ako ang nararapat na galangin ninyong tanan."

-Isang paring Pransiskano at dating kura paroko ng San Diego

-Kilala sa pagiging malupit at mapang-abuso

-Siya ang tunay na ama ni María Clara at kaaway ng ama ni Ibarra

-Sa huli, naitalaga siya sa malayong lugar at natagpuang patay

-Simbolo ng katiwalian ng mga prayle

25
New cards

Elías

“Mamamatay akong hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi.”

-Misteryosong kaibigan at kakampi ni Ibarra.

-Unang lumitaw bilang piloto sa isang piknik nina Ibarra at María Clara

-Nais niyang maghimagsik upang makalaya sa pananakop ng Espanya

-Nagkunwaring manggagawa upang makakalap ng impormasyon at iligtas si Ibarra sa mga panganib

-Rebolusyon at dahas

26
New cards

Don Rafael Ibarra

"Ang pagtatapat ng mga kasalanan at paghingi ng tawad sa pamamagitan ng mga pari ay hindi sapat”

• Ama ni Crisóstomo Ibarra.

• Tagasuporta ng edukasyon at kritiko ng katiwalian ng mga prayle.

• Dahil dito, kinamuhian siya ni Padre Dámaso at inakusahan ng erehiya.

• Bagaman mayaman, kilala siya sa pagiging mabuti at mapagbigay

27
New cards

Padre Salví

"Oo, pinagnanasahan kita matagal na... kung wala lang itong si Ibarra. Ngayon, wala na si Ibarra, magagawa ko na ang aking pinakamimithi!"

• Isang batang paring Espanyol na pumalit kay Padre Dámaso bilang kura.

• Mas tuso at mapanganib dahil marunong siyang gumamit ng lihim laban sa iba

28
New cards

Kapitan Tiago (Don Santiago de los Santos)

"Basta't papuri sa mga prayle, ako'y sang-ayon.”

• Isang mayamang negosyanteng Pilipino at pinuno ng barangay sa San Diego.

• Kilalang ama ni María Clara (bagaman hindi tunay).

• Tapat sa simbahan at kaalyado ng mga Kastila.

• Hindi nakapag-aral ngunit natuto sa isang paring Dominiko. Sumisimbolo sa pamahalaan—mahina at sunud-sunuran sa mga prayle

29
New cards

Sisa, Crispín, at Basili

"Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? Hindi ko na kaya!

• Kumakatawan sa isang pamilyang Pilipinong inaapi ng mga Kastila.

• Si Sisa ay isang inang nabaliw dahil sa paghihirap.

• Si Crispín ay 7 taong gulang na sakristan na napagbintangang magnanakaw.

• Si Basilio ay 10 taong gulang na sakristan na tagatugtog ng kampana.

-Si Crispin at Basilio ay kumakatawan sa mga batang hindi nabigyan ng edukasyon

30
New cards

Pilosopo Tasyo

"Ang kamangmangan ay alipin ng karunungan.”

-Isang matalinong tao na nagsusulat ng kanyang mga ideya gamit ang lihim na alpabeto upang maunawaan ng susunod na henerasyon.

-Tinatawag siyang “pilosopo” ng mga edukado, ngunit “baliw” ng iba dahil sa kakaiba niyang pag-iisip.

-Maihahambing kay Paciano Rizal, kapatid ni Rizal

31
New cards

Padre Sibyla (Hernando de la Sibyla)

"Iniisip ko na lamang na sa paglipat sa akin ng aking pinuno sa ibang lugar ay para sa aking kabutihan”

-Isang paring Dominikano na inatasang bantayan si Ibarra.

-Tahimik ngunit matalino; hindi tulad ni Padre Damaso na lantad ang kayabangan.

-Alam niya ang mga pang-aabuso ngunit pinipili niyang manahimik

32
New cards

Doña Consolacion

“Hay nako! Mga indyo tabi, Danil dadaan ang pinakamaganda sa balat ng lupa at sinong nagsabi mas maganda si Maria clara!? ano ito? bakit hindi kayo nagbibigay galang?

-Asawa ng Alférez; dating labandera na nagpapanggap na Kastila.

-Inaapi si Sisa at ikinahihiya ang pagiging Pilipino.

-Madalas gumamit ng salitang Espanyol kahit hindi naiintindihan

33
New cards

Doña Victorina (Doña Victorina de los Reyes de Espadaña)

-Isang ambisyosang Pilipina na gustong magmukhang Kastila.

-Mahilig sa make-up at paggaya sa mga Kastila.

-Kumakatawan sa mga taong may maling pagkakakilanlan sa sarili

34
New cards

Don Tiburcio de Espadaña

-Isang huwad na doktor na Kastila.

-Mahiyain at sunod-sunuran sa asawa niyang si Doña Victorina.

-Kumakatawan sa mga mangmang ngunit tinatanggap dahil sa kanilang lahi o estado.

35
New cards

Teniente Guevara

-Kaibigan ni Don Rafael Ibarra.

-Siya ang nagkuwento kay Crisostomo tungkol sa sinapit ng kanyang ama.

-Isang matuwid at makatarungang opisyal.

-Kumakatawan sa ilang Espanyol na may malasakit at katarungan

36
New cards

Alfonso Linares

-Pinsan ni Don Tiburcio at napiling mapapangasawa ni Maria Clara.

-Nagpapanggap na abogado ngunit hindi naman tunay.

-Mahiyain at walang sariling paninindigan.

-Kumakatawan sa mga batang Kastilang naghahangad ng magandang buhay sa Pilipinas kahit sa maling paraan

37
New cards

Doña Pia Alba

-Asawa ni Kapitan Tiago at ina ni Maria Clara.

-Namatay sa panganganak; nabuntis dahil sa pang-aabuso ni Padre Damaso.

-Isang relihiyosa at mabuting babae.

-Kumakatawan sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng makapangyarihan at napipilitang manahimik