PSP

0.0(0)
Studied by 18 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/62

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

Last updated 2:18 PM on 3/4/26
Name
Mastery
Learn
Test
Matching
Spaced
Call with Kai

No analytics yet

Send a link to your students to track their progress

63 Terms

1
New cards

Badayos (2007)

Pinaniniwalaan niya na nagkakaroon ng problem blind sa larangan ng pananaliksik

2
New cards

Nuncio (2004)

Sinasabi nya na “MAHALAGANG MALINANG ANG KAKAYAHAN SA PANANALIKSIK”

3
New cards

Tiyaga, Panahon, at Pondo

Ito ang tatlong uri na kailangan sa pananaliksik

4
New cards

Tiyaga

Kailangan ito sa pananaliksik dahil marami ang gagawin at revision na gagawin

5
New cards

Panahon

Kailangan ito sa pananaliksik dahil maaring umabot ng mahabang panahon ang paggawa ng pananaliksik

6
New cards

Pondo

Kailangan ito sa pananaliksik dahil hindi mura ang pagpapagawa (printing)

7
New cards

HANGUAN SA PAGPILI NG PAKSA

1. Sarili

2. Magulang, Guro at Kaibigan

3. Aklatan

4. Iba't ibang Platform ng midya

5. Pahayagan, Magasin, at Online Journal

8
New cards

Introduksyon

Meaning ng “I” sa Acronym na IMRAD

9
New cards

Metodolohiya

Meaning ng “M” sa Acronym na IMRAD

10
New cards

Resulta

Meaning ng “R” sa Acronym na IMRAD

11
New cards

At

Meaning ng “A” sa Acronym na IMRAD

12
New cards

Diskusyon

Meaning ng “D” sa Acronym na IMRAD

13
New cards

Intoduksyon

Dito makikita sa bahagi ng pananaliksik ang

A. PINAGMULAN NG PAKSA

B. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

C. LAYUNIN

D. SULIRANIN

E. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

F. KAUGNAY NA LITERATURA

14
New cards

Pinagmulan ng Paksa

Ito ang bahaging nagpapaliwanag kung bakit napili ang paksa.
Dito inilalahad:

  • Ang dahilan o inspirasyon sa pagpili ng paksa

  • Ang kahalagahan nito sa kasalukuyan

  • Ang problemang nais tugunan ng pag-aaral

15
New cards

Kaligirang Pangkasaysayan

Naglalaman ito ng mas malalim na talakayan tungkol sa paksa.
Kabilang dito ang:

  • Mga impormasyon at datos tungkol sa paksa

  • Mga naunang pangyayari o pag-aaral na may kaugnayan dito

  • Pangkalahatang paliwanag upang maunawaan ang konteksto ng pananaliksik

16
New cards

Layunin

Naglalahad ito ng mga nais makamit ng pag-aaral.
Maaaring hatiin sa:

  • Pangkalahatang Layunin – pangunahing mithiin ng pag-aaral

  • Tiyak na Layunin – mga detalyadong hakbang upang makamit ang pangkalahatang layunin

17
New cards

Suliranin

Ito ang mga tanong na sasagutin ng pananaliksik.
Karaniwang nasa anyong patanong at nakaayos mula pangkalahatan hanggang sa tiyak.

Halimbawa:

  • Ano ang epekto ng ___ sa ___?

  • Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa ___?

18
New cards

Konseptwal na Balangkas

Ipinapakita rito ang ugnayan ng mga pangunahing konsepto ng pag-aaral.
Karaniwang gumagamit ng diagram tulad ng:

  • Input–Process–Output (IPO) Model

  • Paradigm o flowchart

19
New cards

Kaugnay na Literatura

Tinatalakay dito ang mga aklat, artikulo, pag-aaral, at iba pang sanggunian na may kaugnayan sa paksa.
Layunin nito na:

  • Patunayan na may batayan ang pag-aaral

  • Ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad sa mga naunang pananaliksik

  • Magbigay ng suporta sa konseptwal na balangkas

20
New cards

METODOLOHIYA

Dito makikita sa bahagi ng pananaliksik ang

A. DISENYO

B. RESPONDENTE/ LOKAL

C. INSTRUMENTO

D. TRITMENT NG DATOS

E. PANGANGALAP NG DATOS

21
New cards

Disenyo

Inilalahad dito ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral.
Halimbawa:

  • Deskriptibo

  • Korelasyonal

  • Eksperimental

  • Kwalitatibo o Kuwantitatibo

22
New cards

Respondente/Lokal

Tinatalakay rito kung sino at ilan ang mga kalahok sa pag-aaral at kung saan ito isinagawa.
Kabilang dito ang:

  • Bilang ng respondente

  • Pamamaraan ng pagpili (random sampling, purposive sampling, atbp.)

  • Lugar o institusyong pinagsagawaan ng pananaliksik

23
New cards

Instrumento

Inilalarawan dito ang mga kagamitang ginamit sa pangangalap ng datos.
Halimbawa:

  • Talatanungan (questionnaire)

  • Panayam (interview)

  • Obserbasyon

  • Checklist

24
New cards

Tritment ng Datos

Inilalahad dito kung paano sinuri at ininterpret ang mga nakalap na datos.
Maaaring gamitin ang:

  • Porsyento

  • Mean o average

  • Ranking

  • Frequency count

  • Iba pang estadistikal na pamamaraan

25
New cards

Pangangalap ng Datos

Inilalarawan dito ang proseso kung paano isinagawa ang pagkuha ng datos.
Kabilang dito ang:

  • Paghingi ng pahintulot

  • Pamamahagi ng instrumento

  • Panahon ng pagsasagawa

  • Paraan ng pagbabalik at pagkuha ng sagot

26
New cards

RESULTA

Ito ay ang ikatlong bahagi ng pananaliksik (IMRAD). bahaging naglalaman ng presentasyon ng mga nakalap na datos mula sa isinagawang pananaliksik. Dito inilalahad ang mga kinalabasan batay sa pagsusuri ng datos.

27
New cards

Diskusyon

Dito makikita ang KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

28
New cards

Konklusyon

Ito ay naglalaman ng pangkalahatang kinalabasan ng pag-aaral batay sa mga natuklasang datos. Dito malinaw na sinasagot ang mga suliranin ng pananaliksik at pinatutunayan kung natugunan ang mga layunin ng pag-aaral.

29
New cards

Rekomendasyon

Ito ay mga mungkahi o suhestiyon batay sa konklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong magbigay ng posibleng hakbang o solusyon kaugnay ng natuklasan.

30
New cards

Fly Leaf 1

Isang blangkong pahina sa pinakasimula ng aklat o papel-pananaliksik. Nagsisilbing pananggalang sa mga susunod na pahina.

31
New cards

Pamagiting Pahina

Naglalaman ng pamagat ng pananaliksik, pangalan ng mananaliksik, asignatura, guro, paaralan, at petsa ng pagpasa.

32
New cards

Dahon na Nagpapatibay

Pahina na may pahayag ng pagpapatibay at lagda ng guro, tagapayo, o panel na nagpapatunay na ang pananaliksik ay naaprubahan.

33
New cards

Pahina ng Pasasalamat o Pagkilala

Naglalaman ng pasasalamat ng mananaliksik sa mga taong tumulong sa pagbuo ng pag-aaral, tulad ng guro, magulang, kaibigan, at iba pa.

34
New cards

Listahan ng nilalaman

Listahan ng mga kabanata, paksa, at subpaksa kasama ang kaukulang numero ng pahina.

35
New cards

Talaan ng mga Talahanayan o Grap

Listahan ng mga talahanayan, grap, larawan, o pigura na ginamit sa pananaliksik, kasama ang pahina kung saan matatagpuan ang mga ito.

36
New cards

Fly Leaf 2

Isa pang blangkong pahina pagkatapos ng mga paunang bahagi bago magsimula ang unang kabanata.

37
New cards

Kabanata 1

Ang pamagat nito ay “Ang Suliranin at Kaligiran Nito”. Dito makikita ang

1. Panimula o Introduksyon

2.Layunin ng Pag-aaral

3.Kahalagahan ng Pag-aaral

4.Saklaw at Limitasyon

5.Depinisyon ng mga Terminolohiya

38
New cards

Panimula o Introduksyon

Ito ang unang bahagi ng pag-aaral na nagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa paksa.

39
New cards

Layunin ng Pag-aaral

Inilalahad dito ang mga nais makamit ng pananaliksik.

40
New cards

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ipinapaliwanag dito kung sino ang makikinabang sa pag-aaral at paano sila makikinabang.

41
New cards

Saklaw at Limitasyon

Tinatalakay rito ang hangganan ng pag-aaral.
Sinasagot nito ang:

  • Ano lamang ang sakop ng pananaliksik

  • Sino ang mga kalahok

  • Saan at kailan isinagawa

  • Ano ang hindi kasama sa pag-aaral

42
New cards

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Nagbibigay ito ng kahulugan sa mahahalagang salitang ginamit sa pag-aaral upang maiwasan ang kalituhan.

43
New cards

Kabanata 2

Ang pamagat nito ay “Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura”. Dito makikita ang

1.Lokal na Pag-aaral

2.Banyagang Pag-aaral

3.Lokal na Literatura

4.Banyagang Literatura

5.Sintesis

44
New cards

Lokal na Pag-aaaral

Tumutukoy ito sa mga pananaliksik na isinagawa sa loob ng bansa na may kaugnayan sa iyong paksa.

45
New cards

Banyagang Pag-aaral

Ito naman ang mga pananaliksik na isinagawa sa ibang bansa.

46
New cards

Lokal na Literatura

Tumutukoy ito sa mga aklat, artikulo, pahayagan, tesis, at iba pang babasahin na isinulat ng mga lokal na awtor.

47
New cards

Banyagang Literatura

Ito ay mga aklat, journal, artikulo, at iba pang sanggunian mula sa ibang bansa.

48
New cards

Sintesis

Ang sintesis ay buod at pagsusuri ng lahat ng tinalakay na lokal at banyagang pag-aaral at literatura.

49
New cards

Kabanata 3

Ang pamagat nito ay “Disenyo at Paraan ng Pananaliksik”. Dito makikita ang

1. Disenyo ng Pananaliksik

2.Respondente

3.Instrumento ng Pananaliksik

4.Tritment ng mga Datos

50
New cards

Disenyo ng Pananaliksik

Ito ang bahaging naglalarawan kung anong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral.

Maaaring kabilang dito ang:

  • Deskriptibong disenyo – naglalarawan ng kasalukuyang kalagayan

  • Korelasyonal na disenyo – sinusuri ang ugnayan ng mga baryabol

  • Eksperimental na disenyo – sinusubok ang sanhi at bunga

  • Kwalitatibo o Kuwantitatibong disenyo – batay sa uri ng datos na kinolekta

51
New cards

Respondente

Tinatalakay dito kung sino ang mga kalahok sa pananaliksik.

52
New cards

Instrumento ng Pananaliksik

Ito ang mga kagamitang ginamit sa pangangalap ng datos.

Halimbawa:

  • Talatanungan (questionnaire)

  • Panayam (interview)

  • Obserbasyon

  • Checklist

53
New cards

Tritment ng Datos

Inilalahad dito kung paano sinuri at ininterpret ang mga nakalap na datos.

54
New cards

Kabanata 4

Makikita dito sa kabanata na ito ang Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

55
New cards

Presentasyon ng Datos

Dito ipinapakita ang mga resulta sa malinaw at organisadong paraan. Karaniwang ginagamit ang:

  • Talahanayan – para sa numerikal na datos

  • Grap – bar graph, pie chart, line graph, atbp.

  • Tsart o diagram – upang ipakita ang relasyon ng mga datos

  • Tekstuwal na paglalahad – maikling paliwanag ng mga numero o obserbasyon

56
New cards

Interpretasyon ng Datos

Ito ang bahaging nagbibigay-kahulugan sa mga resulta. Dito:

  • Ipinaliwanag ang ibig sabihin ng mga numero o obserbasyon

  • Sinusuri kung paano sumusuporta ang datos sa layunin ng pag-aaral

  • Maaaring ipakita ang pagkakatulad, pagkakaiba, o trend sa datos

57
New cards

Kabanata 5

Dito makikita sa kabanata na ito ang Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

58
New cards

Lagom

Ito ay maikling buod ng buong pag-aaral. Layunin nitong ipakita sa mambabasa ang kabuuan ng pananaliksik sa pinakamaikling paraan.

59
New cards

Kongklusyon

Ito ay ang huling hatol o paliwanag batay sa mga natuklasan. Dito sumasagot ang mananaliksik sa mga suliranin at layunin ng pag-aaral.

60
New cards

Rekomendasyon

Ito ay mga mungkahi o hakbang na ibinibigay batay sa kongklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong magbigay ng solusyon o paraan upang mapabuti ang sitwasyon.

61
New cards

Mga Panghuling Pahina

Dito makikita ang Listahan ng Sanggunian at Apendiks

62
New cards

Apendiks

Ito ay tumutukoy sa mga karagdagang dokumentasyon o materyales na ginamit sa pananaliksik, pero hindi direktang inilagay sa pangunahing katawan ng teksto. Layunin nitong magbigay ng patunay, detalye, o suporta sa mga datos at impormasyon na inilathala sa pag-aaral.

63
New cards

Listahan ng Sanggunian

Ito ay naglalaman ng lahat ng pinagkunan ng impormasyon sa pag-aaral.