1/27
Mga flashcard upang tulungan ang estudyante na suriin ang mga pangunahing tema at impormasyon mula sa Florante at Laura.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Ang ibig sabihin ng salitang “saksi” sa tula ay __________.
patunay
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangunahing tema ng tula? __________.
pag-alala sa kasaysayan at paninindigan
Batay sa unang saknong, ang taludtod na 'hindi bakal ang itinanghal na sandata, kundi dibdib na hitik sa panata' ay nangangahulugang __________.
Pagkakaroon ng tapang, pagtindig, at panata ang tunay na sandata.
Paano ipinakita ang simbolismo ng EDSA? __________.
pagtindig ng mga taong nagprotesta
Ano ang nangingibabaw na kaisipan sa ikalawang saknong? __________.
May mga alaala na natatabunan ng pekeng kuwento.
Bakit maituturing na metriko-romansa ang Florante at Laura? __________.
Pumapaksa ito sa pag-ibig na may sukat ang mga taludtod ng tula.
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang obra maestra? __________.
natatangi o kamangha-manghang gawa
Paano nagkakaiba ang awit at korido? __________.
sukat sa taludtod
Ang tamang paglalarawan sa pagkakasulat ng Florante at Laura ay __________.
Ito ang kauna-unahang akdang pampanitikang lumaban sa mga Kastila.
Bumagamit si Balagtas ng alegorya sa pagsulat ng Florante at Laura upang __________.
hindi matuklasan ng mga Espanyol ang tunay na mensahe nito.
Alin sa sumusunod ang tamang detalye tungkol kay Balagtas? __________.
naging biktima ng maling sistema ng hustisya nang dahil sa kahirapan.
Ano ang pangunahing nakaimpluwensiya kay Francisco Balagtas sa pagkakasulat niya ng Florante at Laura? __________.
pag-ibig niya kay Maria Asuncion Rivera.
Paano nakaimpluwensiya si Balagtas sa pagkakailanlan ng mga taga-Bulacan? __________.
kahusayan ng kaniyang paggamit sa wikang Tagalog.
Ang pangunahing paalala ni Balagtas sa mga mambabasa ng kaniyang akdang Florante at Laura ay __________.
Huwag agad husgahan ang kaniyang akda.
Bakit maituturing na intelektuwal na pakikibaka ang Florante at Laura? __________.
Ginagamit na panghihimagsik sa mga Espanyol gamit ang panitikan.
Sa anong panahon naisulat ang obra maestrang “Florante at Laura”? __________.
Panahon ng Kastila.
Ano ang kahulugan ng awit bilang metriko-romansa? __________.
May lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod.
Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit isinulat ni Balagtas ang “Florante at Laura”? __________.
Naging biktima siya ng kawalan ng katarungan at hustisya sa lipunan.
Bakit gumamit si Francisco Balagtas ng alegorya o simbolismo sa pagsulat ng kaniyang obra maestra? __________.
Mailihim ang kaniyang laban sa pananakop ng mga Kastila.
Paano ipinakita ang tulang metriko-romansa sa akdang Florante at Laura? __________.
saknong na may sukat at tugma.
Bakit naging mapanghamon ang pagsulat ni Balagtas sa Florante at Laura? __________.
Ang pinahihintulutan lamang na mga manunulat ay mga prayle.
Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng himagsik laban sa mababang uri ng panitikan? __________.
Gumamit ng payak na salita para madaling maunawaan ng mga prayle.
Alin sa sumusunod na himagsik ang ipinakikita ng saknong? __________.
himagsik laban sa maling sistema ng pamahalaan.
Paano ipinakita ni Balagtas ang himagsik laban sa maling kaugalian sa kaniyang akda? __________.
paglalantad ng katiwalian sa pamahalaan.
Ano ang nangingibabaw na ideya sa saknong? __________.
matinding pagbabanta ng kamatayan.
Ano ang ipinahihiwatig ng lalaki at babae na magkahawak-kamay? __________.
pagmamahalan ng pangunahing tauhan.
Bakit ginamit ang kastilyo sa likuran ng mga tauhan? __________.
Ipinahihiwatig ang pinangyarihan ng kuwento.
Paano nakatutulong ang pabalat na ito sa pagsusuri ng kuwento? __________.
Nagbibigay ito ng mahalagang pahiwatig tungkol sa babasahin.