1/59
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
isang masining na anyo ng pagpapahayag ng damdamin, ideya, karanasan, paniniwala, at saloobin ng tao na inilalahad sa pamamagitan ng wika—maaaring pasalita o pasulat
Panitikan
isang diskurso na nagpapahayag ng ugnayan ng indibidwal sa kanyang lipunan at panahon.
Tekstong kultural
tumutukoy sa kabuuan ng gawi, tradisyon, paniniwala, pagpapahalaga, at sining ng isang grupo o pamayanan
Kultura
repleksyon ng kultura; sa mga tula, kwento, nobela, dula, at alamat
Panitikan
isa sa mga pangunahing salik na bumubuo sa kamalayan ng isang sambayanan
Panitikan
4 na katangian ng masining na panitikan
Tanlinghaga at simbolismo, Estetika, Tinig ng May-Akda, Diskurso
Paggamit ng mga imaheng nagpapahiwatig ng mas malalim na kahulugan.
Talinghaga at simbolismo
Ang ganda ng wika, tugma, ritmo, at anyo ay bahagi ng layuning magbigay-lugod at aliw
Estetika
Hindi lamang ideya kundi ang pananaw, paninindigan, at ideolohiya ng manunulat ang naipapahayag
Tinig ng May-Akda
Ayon kay Foucault, ang panitikan ay bahagi ng diskursibong kapangyarihan na may kakayahang lumikha o magbuwag ng paniniwala.
Diskurso
Mga pangunahing layunin ng panitikan
Historikal, Didaktiko, Estetiko, Pulitikal at Sosyolohikal
Panitikan bilang salamin at tala ng kasaysayan ng sambayanan.
Historikal
Panitikan bilang tagapagdala ng aral, asal, at kabutihang-asal.
Didaktiko
Layunin nitong magbigay-aliw, kasiyahan, at inspirasyon sa mambabasa
Estetiko
Panitikan bilang tinig ng masa, kritiko ng pamahalaan, at salamin ng lipunan.
Pulitikal at Sosyolohikal
batayang sangkap sa intelektwal, moral, at kultural na pag-unlad ng indibidwal at ng lipunan
Panitikan
tatlong pundasyong haligi ng isang lipunan na magkakaugnay at magkakaakiba
Panitikan Wika at Kultura
produktong lingguwistiko at salamin ng kultura.
Panitikan
nagsisilbing kasangkapan sa pagbuo ng panitikan
Wika
ay siyang pinagmumulan ng nilalaman ng panitikan
Kultura
ang pangunahing kasangkapan sa paglikha ng panitikan
Wika
Ang wika ay daluyan ng mga pahayag, kaisipan, at paninindigan ng awtor.
Instrumentalidad
Ang pagpili ng wika ay may implikasyong ideolohikal
Pagpili ng Wika
Ang retorika, tayutay, simbolismo, at iba pang estilistikong sangkap ng panitikan ay nakasalalay sa kasanayan sa paggamit ng wika.
Wika at Estilo
Alamat, epiko, salawikain, bugtong, at kwentong-bayan ay naglalarawan ng mga sinaunang kaisipan, paniniwala, at moralidad.
Panitikang Bayan
Ang panitikan ay tila talaan ng kasaysayang hindi naisulat sa opisyal na rekord, lalo na ang kasaysayan ng masa at minoridad.
Kasaysayang Kultural
Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasalaysay ng panitikan, napapasa sa mga kabataan ang mga aral, pag-uugali, at pananaw ng nakaraang henerasyon.
Pagpapasa ng Tradisyon
3 epekto ng panitikan
Pagbuo ng National Consciousness, Rehiyonal na Panitikan, Panitikan ng Diaspora
Sa panahon ng kolonisasyon, ginamit ang panitikan bilang sandata sa pagbuo ng damdaming makabayan (hal. Noli Me Tangere, Florante at Laura).
Pagbuo ng National Conciousness
Ang mga panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon ay nagpapatunay sa multikultural na identidad ng bansa.
Rehiyonal na Panitikan
Mga akda ng mga OFW, migrante, at kabataang lumaki sa ibang bansa ay patunay na ang identidad ay dinamikong nabubuo sa iba’t ibang konteksto.
Panitikan ng Diaspora
mayaman, masalimuot, at malikhain
Panitikang Pilipino
Isa itong salamin ng kalinangan, damdamin, at kaisipan ng sambayanang Pilipino na nailalahad sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo—patula, tuluyan, at dramatiko
Panitikang Pilipino
bumabalik sa mga sinaunang anyo ng panitikan na bahagi ng oral na tradisyon, nilikha at pinagyaman ng sambayanan bago pa man dumating ang mga mananakop
Panitikang Bayan
yaong isinulat sa masining at maindayog na wika, kadalasang may sukat, tugma, at talinghaga
Panitikang patula (Patula)
3 elemento ng tula
Sukat, Tugma, Talinghaga
bilang ng pantig sa bawat taludtod
Sukat
Pagkakatulad ng tunog sa dulo
Tugma
metapora, tayutay, simbolismo
Talinghaga
4 na uri ng tula
Lyriko, Pasalaysay, Padula, Patnigan
pag-ibig, pagninilay, damdamin (hal. kundiman, soneto)
Tulang Lyriko
kwento o epiko sa anyo ng tula (hal. awit, korido)
Tulang Pasalaysay
para sa entablado (hal. duplo, karagatan)
Tulang Padula
paligsahan ng talino (hal. balagtasan)
Tulang Patnigan
Ang prosa ay ang panitikan sa karaniwang anyo ng wika. Ito’y walang sukat o tugma at malayang ipinahahayag ang kaisipan o salaysay.
Tuluyan
5 Anyo ng Tuluyan
Maikling Kwento , Nobela, Sanaysay, Talumpati, Talambuhay
isang buo at masining na salaysay na may iisang kakintalan
Maikling Kwento
mahaba at masalimuot na salaysay na may maraming tauhan at banghay.
Nobela
pagpapahayag ng kuru-kuro, ideya, o karanasan (pormal o di-pormal).
Sanaysay
masining na pahayag para sa harap ng madla.
Talumpati
kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Talambuhay
Ito ang anyo ng panitikan na itinatanghal sa entablado, telebisyon, o pelikula
Dramatiko (Drama)
4 na uri ng Drama
Komedya, Trahedya, Melodrama, Sarsuwela
mga sinaunang akda na naipasa sa pamamagitan ng oral na tradisyon
Panitikang Bayan
5 Uri ng panitikang Bayan
Epiko, Alamat, Salawikain, Bugtong, Kwentong-Bayan
mahabang tula ukol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran.
Epiko
kwento ng pinagmulan ng isang bagay, pook, hayop, o kalikasan.
Alamat
mga kasabihang nagpapahiwatig ng aral at karunungan.
Salawikain
maikling palaisipan na may sagot.
Bugtong
karaniwang tumatalakay sa kababalaghan, pantasya, o katatawanan.
Kwentong- Bayan