midterm
Panitikan ayon kay Arrogante (1983)
“talaan ng buhay sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap”
Panitikan ayon kay Webster (1947)
“katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw”
TUNAY NA PANITIKAN
pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
BATAY SA PARAAN NG PAGSALIN
Ito ay may dalawang uri:
Pasalin-dila
Pasulat
PASALIN-DILA
Uri ng panitikan batay sa pagsalin na kung saan ito ay naisalin sa pamamagitan ng bibig ng tao
PASULAT
Uri ng panitikan batay sa pagsalin na nagsimula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat
BATAY SA ANYO
Uri ng panitikan na may dalawang uri:
Prosa o Tuluyan
Patula
TULUYAN o PROSA
Uri ng panitikan batay sa anyo na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan
PATULA
Uri ng panitikan batay sa anyo na nasusulat sa taludturan at saknungan.
NOBELA
Halimbawa ng Prosa na mayroong mahabang salaysayin at binubuo ng mga kabanata.
MAIKLING KWENTO
Tumutukoy sa isang mahalagang salaysay na kinasangkutan ng isa o higit pang tauhan at nag-iiwan ng kakintilan o impresyon
DULA
Isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Nahahati sa tatlo o higit pang yugto. Maaaring maging komedya, trahedya atbp.
ALAMAT
Salaysaying tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang likhang isip lamang.
PABULA
Salaysaying kinasasangkutan ng mga bagay na walang buhay.
PABULA
Hango sa Banal na Kasulatan. Naglalayong mag-iiwan ng aral sa buhay.
SANAYSAY
Pagpapahayag ng kuro-kuro, opinyon ng akda patungkol sa isang paksa.
TALAMBUHAY
Naglalaman ng kasaysayan ng buhay ng tao. Maaaring pansarili o paiba.
BALITA
Paglalahad ng pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalanan, atbp
TALUMPATI
Binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. May layuning manghikayat, magpaliwanag, atbp.
TULANG PASALAYSAY
Kwento ng mga pangyayari at nasususlat nang patula, may sukat, at tugma.
TULANG PANDAMDAMIN O LIRIKO
Mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao. Ilang halimbawa nito ay ang awiting bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.
SONETO
Binubuo ng 14 na taludturan; pumapaksa sa damdamin at kaisipan at kapupulutan ng aral.
ELEHIYA
Pagninilay o panaghoy sa namayapa
DALIT
Awit ng pagsamba, papuri, kaligayahan, o pasasalamat sa Diyos.
PASTORAL
Patungkol sa buhay bukid
ODA
Papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay o tiyak na pangyayari
TULANG PADULA O DRAMATIKO
Tulang itinatanghal sa entablado o iba pang tanghalan. Halimbawa ay senakulo at panunuluyan.
TULANG PATNIGAN
Paligsahang patula na isinasagawa sa bakuran ng burol o namatayan.
Halimbawa ay juego de prenda
PANANAW
Ito ay paniniwala o persepsyon ng isang tao o pangkat
TEORYA
Simulain ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
HUMANISMO
Layunin nito na ipakita na tao ang sentro ng mundo.
Binibigyang-tuon ang kalakasan, talino, at talento ng tao
HUMANISMO
Ang tauhan ay nakaranas ng mga suliranin ngunit kalaunan ay nagtagumpay sa buhay
IMAHISMO
Ang tuon ay nasa mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan
Gumagamit ng direktang/tuwirang pagpapahayag na mga salita
IMAHISMO
Ang tauhan ay nakaranas ng mga suliranin ngunit kalaunan ay nagtagumpay sa buhay. (Ang Guryon ni Ildefonso Santos)
ROMANTISISMO
Tumutukoy sa pagtakas sa realidad.
Pinapahalagahan and damdamin at imahinasyon na nagreresulta ng kadalasang hindi makatotohanan na akda.
Gumagamit ng maliligoy at mabubulaklak na salita
ROMANTISISMO
akda tungkol sa kabiguan sa pag-ibig. (Sa bagong Paraiso ni Efren Abueg)
EKSISTENSYALISMO
Ipinapakita rito na may kalayaan ang mga tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
THEISTIC
Isang direksyon ng eksistensyalismo na naniniwala sa Diyos
ATHEISTIC
Isang direksyon ng eksistensyalismo na tumutukoy na ang tao ay may walang hanggang kalayaan
PEMINISMO
Pagsusuri mula sa punto de vista o pananaw ng mga kababaihan
KLASISMO
Layunin nito na maghayag ng payk na pangyayari
Laging nagtatapos na may kaayusan ang akda
PORMALISMO
ipinaparating sa mambabasa ang tuwirang pagpapahayag ng mensahe ng may-akda at iba’t-ibang pisikal na katangian ng akda (nilalaman, anyo o istruktura, mga salitang ginamit, at iba pa)
MARXISMO
Nagpapakita ito ng tunggalian ng mayaman at mahirap, malakas at mahina, makapagyarihan at api
NATURALISMO
Binibigyang-pansin ang matapat at walang panghuhusgang pagpapakita sa realidad ng buhay
NATURALISMO
“Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis, at walang-awang kagubatan”
REALISMO
Ang layunin ay ipakita ang karanasan ng may- akda; hango ito sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang akda
DEKONSTRUKSYON
Binibigyang–tuon ang paniniwalang walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalo-halong pananaw na ang nais iparating ay kabuuan ng tao at mundo
DERRIDA JACQUES
Siya ay isang pilosopong pranses
Sa kaniya rin angsimula ang pananaw na dekonstruksyon
TAMA
TAMA o MALI
ANG PANITIKAN AY MAY MALAKING KAUGNAYAN SA KASAYSAYAN
ANG PANITIKAN AY MAY MALAKING KAUGNAYAN SA KASAYSAYAN
Ang panitikan ay naglalarawan ng buhay, kultura, tradisyon, kaugalian, at karanasan ng tao. Nagpapahayag ang panitikan ng damdamin ng bawat indibidwal, gaya ng pag-ibig, kabiguan, tagumpay, lungkot, tuwa, at marami pang mukha ng buhay.
TAMA
TAMA o MALI
ANG PANITIKAN AY SALAMIN NG BUHAY
ANG PANITIKAN AY SALAMIN NG BUHAY
Pinapaksa ng panitikan ang ating pinagmulan. Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang lahi at ang pagsulong at pag-unlad na isang bansa sa bawat panahong kanyang dinaanan at pagdadaanan pa.
ANG PANITIKAN AY NAGPAPAKITA NG PANLIPUNAN AT PANLAHING PAGKAKAKILANLAN
Ang kaugalian ng ating lahi ay mababakas sa iba’t-ibang anyo ng panitikan. Ayon sa mga mananakop na dayuhan, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga alamat, kwentong bayan, epiko, at iba pa na nagtatampok sa kultura at pagkakakilanlan ng ating lahi.
PANAHONG PRE-KOLONYAL
Panahon ng panitikan na nagpapatunay na may sibilisasyon o kabihasnan na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila.
KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT 1300 A.D.
KAPANAHUNAN NG MGA EPIKO AT TULANG BAYAN 1565 A.D.
Dalawang bahagi ng panitikang sinauna
ALAMAT
KWENTONG BAYAN
EPIKO
BUGTONG
AWITING BAYAN
SALAWIKAIN/KASABIHAN
Iba’t ibang anyo ng panitikang pre-kolonyal
ALAMAT
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anong panitikan
Si Malakas at Maganda (Tagalog)
Ang Araw at Gabi (Pampanga)
Bakit Nakatira sa Punongkahoy ang Matsing (Pangasinan)
KWENTONG BAYAN
Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpasalin -salin sa bibig ng mga tao at nakatuon sa pakikipagsapalaran, pag -iibigan, katatakutan, at katatawanan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Naging Sultan si Pilandok (Maranaw)
Si Baego a Raga at ang Sultan (Mindanao)
Si Juan at ang Bayabas (Tagalog)
EPIKO
Ito ay naglalahad ng kabayanihan at isa sa kilalang akda nito ay ang Biag ni Lam-ang.
AWITING BAYAN
Sa panahon ng pre-kolonyal mga katutubong awit ang karaniwang nagsimula sa mga akdang pasalin-dila.
Hal:
Kundiman (Tagalog)
Atin Cu Pung Singsing (I Once Had a Ring) (Pampanga)
Sarong Banggi (One Night) (Bicol)
Manang Biday (Ilocos)
BUGTONG
Ito ay isang kawiliwiling uri ng panitikan. Ito rin ay isang paraan upang palawakin ang kaisipan ng mambabasa.
SALAWIKAIN
Ito ay pangaral at karunungan na may tugma at sukat nakadalasang gamit ng matatanda upang magbigay ng payo.
KASABIHAN
Ito naman ay isang uri ng panitikan na may matatalinghagang pahayag na nagbibigay- aral.
MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI
Siya ang unang nagtayo ng unang bayan noong 1565
GOD
GLORY
GOLD
Tatlong G na taglay ng mga kastila
ALIBATA
Ito ay ipinalit sa alpabetong Romano
DOCTRINA CHRISTIANA
Kauna-unahang aklat na nailimbag noong 1593 sa Pilipinas.
MALI
Kastila - Fr. Domingo Nieva
Tagalog - Fr. Juan de Plancencia
TAMA o MALI
Ang aklat ay naisulat sa kastila ni Fr. Juan de Plancencia at tagalog naman ni Fr. Domingo Nieva
PASYON
Ito ay inaawit sa panahon ng Kuwaresma na naglalahd ng buhay, pagdurusa at muling pagkabuhay ng Diyos.
DULA
Ito ay isang paraan upang mapalaganap ang Kristiyanismo
KARILYO
Ito rin ay tinatawag na “ang mga gumagalaw”
Ito ay ipinapalabas tuwing pista. Ginagamit dito ay mga ginupit na karton.
MORO-MORO/KOMEDYA
Dulang punong puno ng pakikipagsapalaran, tunggalian, at digmaan.
Tumatagal ng isa hanggang apat o limang araw.
MORO
Minsang sumakop sa mga Kastila.
TOMAS PINPIN
“Prinsipe ng Manlilimbag na Pilipino”;
Kaunaunahang manlilimbag na Pilipino;
isinulat niya ang “Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila”
FERNANDO BAGONGBANTA
Ang kanyang panulat ay itinuturing na tagpuan ng dalawang kultura ng katutubo at Kastila noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas.
FELIPE DE JESUS
Itinuturing na “unang tunay na makata”; dahil ayon sa mga mananaliksik, ang kanyang mga nailathala ay may katangian ng tunay na tula
TOMAS PINPIN
FERNANDO BAGONGBANTA
FELIPE DE JESUS
Mga unang manunulat sa panahon ng kastila
PANAHON NG MGA KASTILA
Nang pumasok ang taong 1868, sumibol ang panahon ng pagbabagong-diwa at ang pag-unlad ng sistemang pandaigdigan ng Pilipinas.
Sa panahong ito naitatag ang ngayo’y kilala sa kasaysayan ng Pilipinas sa tawag na Kilusang Propaganda.
KILUSANG PROPAGANDA
Ito ay mga layunin ng isang propaganda
Pantay na pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas;
Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas;
Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya;
Magtalaga ng Pilipino bilang kura-paroko; at
Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino (magpahayag, magsalita, maglunsad ng pagtitipon, at iba pa
JOSE PROTASIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA
Isa sa mga propagandista na isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. (1861-1896)
MALI
22
TAMA o MALI
Si Rizal ay dalumbahasa sa dalawampu’t walong wika.
NOLI ME TANGERE
“Huwag Mo Akong Salingiun”
Ito ay binuo ni Rizal ng dalawang taon at nailimbag sa Berlin noong 1887, sa tulong ni Maximo Viola na kaniyang kaibigan.
Inihandog ni Rizal ang nobelang ito sa Inang Bayan at naglalaman ng mga kaganapan at isyung panlipunan ng Pilipinas sa pamamahala ng mga Kastila.
EL FILIBUSTERISMO
“Ang Pagsusuwail”
Ito ay akdang inihandog ni Rizal sa tatlong paring martir.
MARIANO GOMEZ
JOSE BURGOS
JACINTO ZAMORA
Kilala bilang tatlong paring martir
SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS
Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
Ito ay sanaysay na may malalim na pagsusuri at paglalahad ng katotohanan higgil sa mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
MI ULTIMO ADIOS
Ang Huli Kong Paalam
Isinulat sa Fort Santiago na kaniyang ibinigay sa kapatid niyang si Trinidad.
December 29. 1896
ANDRES BONIFACIO
Siya ang nagsalin sa Tagalog ng akda ni Rizal na pinamagatang Mi Ultimo Adios
MARCELO HILARIO DEL PILAR Y GATMAITAN
Siya ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Bulacan at mas kilala bilang Plaridel
Siya bilang manunulat ay walang takot, walang pagod, walang pangingilag, tapat, at di-mapagkakamalian
PAMANTASAN NG SANTO TOMAS
Noong 1880 dito nag-aral si Plaridel
CAIINGAT CAYO
Ito ay isang libretong nagtatanggol sa akdang Noli me Tangere ni Rizal dahil sa pagtuligsang ginawa ni Padre Jose Rodriguez.
DASALAN AT TOCSOHAN
ito ay katipunan ng mga akdang nagpaparodiya sa mga dasal at kautusan ng mga paring Espanyol. Sinulat ito ni Plaridel bilang matapang na pagsisiwalat ng ipokrisya ng mga alagad ng simbahan
SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS
Isinaad niya dito ang pagkilala ng Inang Espanya sa anak niya - ang Pilipinas. Ang pagnanais nitong mulatin ang isip at mata ng "anak“ niya, upang di maghirap.
Isa itong tulang binubuo ng 82 taludtod na naglalaman ng kasagutan ni Del Pilar sa “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” ng kanyang dating gurong si Herminigildo Flores (mahabang pagtuligsa sa pag-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino sa pananakop ng Kastila).
GRACIANO LOPEZ Y JAENA
Siya ay kilala bilang “Prinsipe ng mga Orador”
Ipinanganak noong ika-18 ng Disyembre, 1860 sa Jaro, Iloilo. Siya ang nanguna sa pagnanais na maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
LA SOLIDARIDAD
Si Jaena ang naging kauna-unahang editor ng akdang ito.
Ito ay isang diyaryong quincenario na naging pangunahing tinig ng Kilusang Propaganda sa loob ng halos pitong taon) noong 1889
FRAY BOTOD
Ito ay isa sa pinakakilalang kathang satriko ni Jaena noong 1874 na patungkol sa prayle o paring Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang makapanglamang.
DISCURSO Y ARTICULOS VARIOS
Mga Talumpati at iba pang Lathalain
naglalaman ng mga talumpati, tula, at iba pang mga akda ni Lopez-Jaena
nakapagsulat siya ng higit isandaang talumpati na alay sa Pilipinas at may himig na nagnanais ng pagbabago sa pamamahala ng mga Kastila sa bansa
Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta
Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1868
Divierten
Naglilibang Sila
isang pagpuna sa sayaw Kastila “na di maraanang sinulid ang pagitan ng mga katawan”. Dito rin ay tinanggap niyang maganda ang mga dalagang Espanyol ngunit “sila’y haluang anghel at demonyo”
Por Madrid
Sa Madrid
pagtuligsa sa nga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay isang lalawigan ng Espanya
La Tertulla Filipina
Ang Piging na Pilipino
naglalarawan ng ilang kaugaliang Pilipino na ipinalalagay niyang mas Mabuti kaysa sa kaugaliang Kastila