1/40
Looks like no tags are added yet.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Anotasyon
Tala o paliwanag na idinadagdag sa teksto o diagram upang mas madaling maunawaan ang mahihirap o teknikal na konsepto.
Las Islas Filipinas
Pangalan ng Pilipinas na ipinangalan kay Haring Philip II ng Espanya.
Sucesos
Mula sa Kastila na nangangahulugang pangyayari o kaganapan; isinulat bilang ulat ng isang tapat na nagmamasid.
Sucesos de las Islas Filipinas
Aklat na nailimbag noong 1609 sa Mexico na naglalarawan sa kalagayang politikal, sosyal, at pang-ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya.
Unang Pitong Kabanata ng Sucesos
Nagpapakita ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng 11 gobernador
Ikawalong Kabanata ng Sucesos
Naglalarawan sa mga katutubo, kaugalian, pamahalaan, at kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.
Antonio de Morga Sanchez Garay
Espanyol na manunulat, opisyal ng pamahalaan, at may akda ng Sucesos de las Islas Filipinas
Canon Law
Batas ng Simbahang Katolika na pinag-aralan ni Antonio de Morga.
Oidor
Hukom ng Real Audiencia ng Maynila.
Real Audiencia
Pinakamataas na hukuman noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas.
Lieutenant Governor
Ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan pagkatapos ng Gobernador
Olivier van Noort
Olandes na kalaban ng armadang Espanyol na pinamunuan ni Antonio de Morga noong 1600.
1609
Taon ng paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas.
1890
Taon kung kailan nilagyan ni Jose Rizal ng anotasyon ang aklat ni Morga.
British Museum
Lugar sa London kung saan natagpuan ni Rizal ang aklat ni Morga.
Layunin ng Anotasyon ni Rizal
Pukawin ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang nakaraan.
Ikalawang Layunin ni Rizal
Itama ang mga maling paniniwala tungkol sa Pilipinas na ipinalaganap ng mga Kastila.
Ikatlong Layunin ni Rizal
Patunayan na may sariling sibilisasyon ang Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.
Agosto 18, 1888
Kinopya ni Rizal nang buo ang 1609 na edisyon ng aklat ni Morga habang nasa London.
Marso 19, 1889
Dinala ni Rizal sa Paris ang manuskripto upang mas mura itong mailimbag.
Pananaw ni Morga sa mga Katutubo
Inilarawan niya ang ilang katutubo bilang marahas at hindi madaling pasunurin.
Pananaw ni Rizal sa mga Katutubo
Naniniwala siyang ang paglaban ng mga katutubo ay tugon sa pang-aabuso at sapilitang pagpapasunod ng mga prayle.
Tattoo ng mga Bisaya
Ayon kay Morga, nilalagyan muna ng disenyo bago lagyan ng itim na pulbos ang balat.
Dote
Regalong ibinibigay ng lalaking ikakasal na karaniwang nagmumula sa kanyang mga magulang.
Bahandin
Tawag ni Morga sa tahanang tinitirhan ng mga magulang at anak.
Pamamahay
Ayon kay Rizal, ito ang tamang tawag sa bahay sa wikang Tagalog.
Inasawa
Tawag ni Morga sa asawang babae ng isang katutubong lalaki.
Asawa
Ayon kay Rizal, ito ang wastong katawagan sa asawang babae.
Asawang Pilipina
Ayon kay Rizal, katuwang ng asawa at hindi itinuturing na pabigat sa pamilya.
Sistema ng Pagsulat ng mga Pilipino
May sariling sistema ng pagsulat bago dumating ang mga Espanyol.
Baybayin
Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino.
Abecedario
Isa pang uri ng sistemang pagsulat na binanggit ni Rizal.
Bagoong
Pagkaing binanggit ni Morga na mas masarap umano kapag nagsisimula nang mabulok.
Pag-inom ng Alak
Ayon kay Morga, mahilig uminom ng alak ang mga katutubo lalo na sa mga kasalan.
Pananaw ni Rizal sa Pag-inom
Kahit nalalasing ang mga Pilipino, nakakauwi pa rin sila nang maayos sa kanilang tahanan.
Bahaque o Bahag
Kasuotang nakapulupot sa baywang ng mga katutubong lalaki.
Pototong
Telang ibinabalot sa noo ayon sa paglalarawan ni Morga.
Bahag ayon kay Rizal
Makulay na tela na may gintong guhit at isinusuot na parang turbante.
Relihiyon ayon kay Morga
Pagsamba sa kalikasan, mga bagay, at paniniwala sa pamahiin.
Katalonan
Pari o pinunong panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino.
Pamahiin
Mga paniniwalang ginagamit upang mahulaan ang kapalaran o kalagayan ng isang tao.