1/17
Vocabulary flashcards covering self-awareness, career selection, job mismatch types and effects, and the SMART-A criteria for personal mission statements.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
kamalayan sa sarili
Kakayahang kilalanin, unawain, at suriin ang sariling kaisipan, damdamin, kakayahan, pag-uugali at pagpapahalaga, kahinaan at paniniwala.
karera
Ang serye ng iyong mga propesyonal na gawain at paglago sa loob ng mahabang panahon. Ito ang landas ng trabaho o propesyon na pinipili ng isang tao para sa kaniyang tagumpay at pag-unlad.
passion
Ang matinding sigasig, hilig, at kasiyahang nararamdaman mo sa isang partikular na gawain.
Tatlong elemento sa pagpili ng career at passion
Talent, hilig, at pagpapahalaga.
job mismatch
Ang kawalan ng pagtutugma sa pagitan ng iyong kasanayan (skills), pinag-aralan (education), o mga career goals at sa aktwal na hinihingi o reyalidad ng iyong trabaho.
vertical mismatch
Uri ng job mismatch kung saan ang isang tao ay overqualified o underqualified sa kaniyang trabaho.
horizontal mismatch
Uri ng job mismatch kung saan sakto/qualified ang tao pero iba ang pinag-aralan sa kaniyang kasalukuyang trabaho.
skills gap
Uri ng job mismatch kung saan lipas o outdated na ang technical na kakayahan at kasanayan.
underemployment
Epekto ng job mismatch kung saan may trabaho ngunit hindi sapat ang oras, sahod, o hindi nagagamit ang pinag-aralan.
unemployment
Epekto ng job mismatch kung saan may kawalan ng trabaho dahil sa hindi tugmang kasanayan sa kailangan ng mercado.
low productivity
Epekto ng job mismatch kung saan hindi sagad ang galing at bilis sa paggawa dahil sa kakulangan ng interes o kasanayan.
job dissatisfaction
Epekto ng job mismatch na nagdudulot ng pakiramdam ng pagkabigo sa kasalukuyang karera.
personal na misyon sa buhay
Isang maikli at malinaw na pahayag tungkol sa iyong layunin (purpose), pinapahalagahan (values), at mga pangarap (goals) sa buhay.
SMART-A
Isang tool o gabay upang suriin kung ang bawat salita sa inyong misyon ay may malinaw na patutunguhan at hindi madadamay sa mga pabago-bagong emosyon o panandaliang kagustuhan.
S - specific (tiyak)
Elemento ng SMART-A kung saan ang misyon ay dapat malinaw, tiyak, at walang pag-aalinangan upang madaling maunawaan ang iyong nais marating.
M - measurable (nasusukat)
Elemento ng SMART-A kung saan mayroong dapat malinaw na basehan o pamantayan upang malaman mo kung ikaw ba ay umuunlad o nakakamit na ang iyong layunin.
A - achievable (kayang abutin)
Elemento ng SMART-A kung saan ang misyon ay dapat makatotohanan at kayang isakatuparan batay sa iyong kasalukuyang kakayahan, oras, at resources.
R - relevant (angkop)
Elemento ng SMART-A kung saan ang iyong misyon ay dapat tumutugma sa iyong mga pangunahing pagpapahalaga at mahahalagang aspeto ng iyong buhay sa kasalukuyan.