Values Education 9 - Personal Development and Career Planning

Kamalayan sa Sarili (Self-Awareness)

  • Depinisyon: Ang kakayahang kilalanin, unawain, at suriin ang sariling kaisipan, damdamin, kakayahan, pag-uugali at pagpapahalaga, kahinaan at paniniwala.
  • Kahalagahan sa Personal na Pag-unlad:
    • Ang pagpapalalim ng kamalayan sa sarili ay isang mahalagang bahagi ng personal na pag-unlad at pagbabago.
    • Sa pag-unlad ng sarili, kailangang maunawaan ang ating mga pangangailangan, hilig, at mga layunin sa buhay.
  • Paghahambing ng Indibidwal Batay sa Kamalayan sa Sarili:
    • Walang Kamalayan sa Sarili: Madalas nabibigo sa pangarap, nagiging kampante, at hindi nakikita ang mga bagay na dapat pang matutunan.
    • May Kamalayan sa Sarili: Nakatutulong sa pagtatakda ng malinaw na layunin at inaasahan sa sarili, nagbibigay ng kumpiyansa, at inihahanda ang sarili sa mga hamon ng kasalukuyan at hinaharap.

Karera, Passion, at Pagpili ng Landas

  • Karera (Career): Ang serye ng iyong mga propesyonal na gawain at paglago sa loob ng mahabang panahon. Ito ang landas ng trabaho o propesyon na pinipili ng isang tao para sa kaniyang tagumpay at pag-unlad.
  • Passion: Ang matinding sigasig, hilig, at kasiyahang nararamdaman sa isang partikular na gawain.
  • Gabay sa Pagpili ng Karera at Passion: Ang kamalayan sa sarili ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng magiging career at passion sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng tatlong elemento:
    • Talent
    • Hilig
    • Pagpapahalaga

Job Mismatch

  • Depinisyon: Ang kawalan ng pagtutugma sa pagitan ng iyong kasanayan (skills), pinag-aralan (education), o mga career goals at sa aktwal na hinihingi o reyalidad ng iyong trabaho.
  • Mga Uri ng Job Mismatch:
    1. Vertical Mismatch: Overqualified o underqualified.
    2. Horizontal Mismatch: Sakto/qualified pero iba ang pinag-aralan sa trabaho.
    3. Skills Gap: Lipas o outdated na ang technical na kakayahan at kasanayan.
  • Mga Epekto ng Job Mismatch:
    1. Underemployment: May trabaho ngunit hindi sapat ang oras, sahod, o hindi nagagamit ang pinag-aralan.
    2. Unemployment: Kawalan ng trabaho dahil sa hindi tugmang kasanayan sa kailangan ng mercado.
    3. Low Productivity: Hindi sagad ang galing at bilis sa paggawa dahil sa kakulangan ng interes o kasanayan.
    4. Job Dissatisfaction: Pakiramdam ng pagkabigo sa kasalukuyang karera.

Personal na Misyon sa Buhay at Ang SMART-A Framework

  • Depinisyon ng Personal na Misyon sa Buhay: Isang maikli at malinaw na pahayag tungkol sa iyong layunin (purpose), pinapahalagahan (values), at mga pangarap (goals) sa buhay.
  • Mga Katangian ng Epektibong Misyon:
    • Hindi dapat nananatiling pangarap lamang; kailangan itong maging praktikal at kayang isakatuparan.
    • Ang SMART-A ay nagsisilbing tool o gabay upang suriin kung ang bawat salita sa misyon ay may malinaw na patutunguhan.
    • Tinitiyak nito na ang misyon ay hindi madadamay sa mga pabago-bagong emosyon o panandaliang kagustuhan.
  • Mga Sangkap ng SMART-A Framework:
    • S – Specific (Tiyak): Ang misyon ay dapat malinaw, tiyak, at walang pag-aalinangan upang madaling maunawaan ang nais marating.
    • M – Measurable (Nasusukat): Mayroon dapat itong malinaw na basehan o pamantayan upang malaman kung umuunlad o nakakamit na ang layunin.
    • A – Achievable (Kayang Abutin): Ang misyon ay dapat makatotohanan at kayang isakatuparan batay sa kasalukuyang kakayahan, oras, at resources.
    • R – Relevant (Angkop): Ang misyon ay dapat tumutugma sa mga pangunahing pagpapahalaga at mahahalagang aspeto ng buhay sa kasalukuyan.