1/28
PARA SA MGA KABATAANG KABABAIHAN NG MALOLOS
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
PARA SA MGA KABATAANG KABABAIHAN NG MALOLOS (LIHAM)
•Isinulat ni Dr. Jose Rizal ang liham noong Pebrero 22, 1889 habang siya ay nanatili sa London.
•Si Rizal ay 28 taong gulang lamang noong isinulat niya ang liham.
•Inihiling ni Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitán (Marcelo H. Del Pilar) ang liham na ito kay Rizal.
•Las Mujeres de Malolos (The Women of Malolos) ang tawag sa grupo ng 20 kababaihan ng Malolos na nag petisyon sa mga kastila. Instituto de Mujeres de Malolos naman ang tawag sa paaralang natatag nila.
•Ang liham ay patungkol sa pagbibigay ng puri at suporta ni Rizal sa 20 matatapang na kababaihan sa Malolos, Bulacan.
•Noong Disyembre 12, 1888 ang mga kababaihang ito ay nagpetisyon kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler na makapagtayo sila ng paaralan patungkol sa wikang Kastila.
Sino si Gobenardor Heneral Valeriano Weyler
Gobernador-Heneral Valeriano Weyler (1838-1930)
•Ang kaniyang buong pangalan ay Valeriano Weyler Y Nicolau.
•Ipinanganak noong Setyembre 17, 1838 sa Palma de Mallorca, Spain.
•Taon ng pagkamatay Oktubre 20, 1930.
•Naging Gobernador-Heneral sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon (1888-1891).
Gobernador-Heneral Valeriano Weyler (1838-1930)
•Ang kaniyang tungkulin sa Pilipinas ay pahinain ang pagsupil ng mga katutubo.
•Rizal cited Governor-General Valeriano Weyler as a glaring example of a corrupt official.
•Sinusuportahan ng Gobernador-Heneral na ito ang edukasyon para sa mga kababaihan ngunit hindi sang-ayon si Padre Felipe Garcia rito.
ang mga matatapang na kababaihan ng malolos (part1)
•Elisea “Seang” Tantoco Reyes (1873-1969) - 15 taong gulang nang harapin si Weyler at bihasa sa Espanyol kahit walang pormal na mataas na edukasyon.
•Juana “Anang” Tantoco Reyes (1874-1900) - walang mataas na edukasyon at namatay noong 1900, dalawang buwan matapos manganak.
•Leoncia Santos Reyes (1864-1948) - matatas sa Espanyol at naging may-ari ng ari-arian sa edad na 17. Nagkaroon ng 13 anak at namatay siya noong 1948 sa edad na 84.
•Olympia San Agustin Reyes (1876-1910) - pinakabata sa mga babae na ang taong gulang ay 12 na lumagda sa liham. Namatay siya sa edad na 34 matapos manganak ng kambal.
•Rufina Tengco Reyes (1865-1953) - tumulong sa Katipunan at naging aktibong miyembro ng Red Cross at Asociación Feminista Filipina. Namatay siya sa edad na 40.
ang mga matatapang na kababaihan ng malolos (part 2)
•Eugenia Mendoza Tanchangco (1871-1969) - siya ay nag-aral sa Colegio de la Concordia at anak ng gobernadorcillo na si Capitan Tomas Tanchangco. Nakilala si Rizal sa isang baptismal party bago niya makita si Weyler.
•Aurea Mendoza Tanchangco (1872-1958) - kapatid ni Eugenia at kinilalang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan ng kababaihan ng Malolos.
•Basilia Villarino Tantoco (1865-1925) - edukada at debotong Katoliko. Isa sa mga lider sa paghaharap ng liham kay Weyler.
•Teresa Tiongson Tantoco (1867-1942) - panganay sa kanilang pamilya. Aktibo sa Red Cross at AFF, kung saan nagsilbi siya bilang treasurer ng Pariancillo committee.
•Maria Tiongson Tantoco (1869-1912) - nakababatang kapatid ni Teresa. Ang kaniyang asawa ay si Lino Santos Reyes na isang Cabeza de Barangay, naging miyembro ng AFF, at nagkaroon ng maraming anak.
ang mga matatapang na kababaihan ng malolos (part 3)
•Agapita “Pitang” Reyes Tiongson (1872-1956) - ang kaniyang asawa ay si Francisco Batungbacal. Nag-aral siya sa Colegio de Santa Isabel.
•Filomena Oliveros Tiongson (1865-1930) - nagpunta siya sa Malacañang upang magpetisyon para sa kapatawaran kay Jose Rizal bago ito bitayin.
•Cecilia Oliveros Tiongson (1867-1934) - kapatid siya ni Filomena. Nakilala siya sa katapangan niya magsalita laban sa mga prayle.
•Feliciana “Cianang” Oliveros Tiongson (1869-1938) - kasama siya sa nagmakaawa sa buhay ni Jose Rizal. Inilaan niya ang kaniyang buhay sa pagiging guro ng katekismo, pagbasa, at matematika.
•Alberta Uitangcoy-Santos (1865-1953) - siya ang kinikilalang lider ng grupo. Siya and direktang nag-abot ng liham ng petisyon kay Gobernador-Heneral Weyler noong siya’y nagtungo sa Malolos.
Nilalaman ng Liham (1)
•Sa unang parte ng liham, inamin ni Rizal na ang tingin niya sa mga Tagalog o sa mga Pilipinang kababaihan ay mayroon silang magandang pag-uugali at asal pero siya ay dismayado sa kanilang kamangmangan at pagiging sunud-sunuran sa mga awtoridad.
•Dahil sa ginawa ng mga kababaihan ng Malolos ay namulat si Rizal at inamin niyang siya’y nagkamali sa kaniyang mga akala sa mga kababaihan.
•“Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga,liban sa isang Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang.”
Nilalaman ng Liham (2)
•Sa pangalawang parte ng liham ay ipinapahayag ni Rizal na ang tao ay may sariling kaisipan at kalayaan, kaya hindi dapat maging bulag sa pagsunod at magpaalipin sa maling utos ng iba.
•Binigyang diin ni Rizal ang tunay na kabanalan at kabutihan ay hindi nasusukat sa ritwal o panlabas na gawain, kundi sa paggamit ng katwiran, malinis na kalooban, at tamang pag-iisip.
“Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan.”
Nilalaman ng Liham (3)
•Sa pangatlong parte ng liham, sinasabi rito na mali ang bulag na pagsunod at panghuhusga sa iba, at mas mahalaga ang sariling isip, pag-iisip nang maingat, at paghahanap ng katotohanan kaysa sa bastang pagtanggap ng sinasabi ng awtoridad.
•Ipinapakita rin nito na ang tunay na karunungan ay hindi nakadepende sa panlabas na anyo o posisyon, halimbawa ay yung kasuotang relihiyoso, kundi nasa pag-unawa, katwiran, at kakayahang pumili ng tama mula sa maling impormasyon.
•“Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí magtanong, makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito ó sutana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salitá sa iba.”
Nilalaman ng Liham (4)
•Sa pang-apat na parte ng liham, ipinapakita rito na ang paglaki at ugali ng mga anak ay nakasalalay sa pagpapalaki ng ina, kaya kung ang ina ay nakasanayan ang bulag na ritwal, walang kritikal na pag-iisip, at maling pag-unawa sa kabanalan, maaaring maipasa niya ito sa susunod na henerasyon na magreresulta sa isang lipunang mahina ang pag-iisip at madaling maimpluwensyahan.
•Pinupuna rin nito ang maling konsepto ng kabanalan, kung saan ang relihiyon ay nauuwi sa panlabas na ritwal, pagbabayad, at seremonya imbes na tunay na paggawa ng mabuti. Para kay Rizal, ang tunay na kabanalan ay nasa makatwirang gawa, malasakit sa kapwa, at tapat na konsensya, hindi sa panlabas na anyo o “suhol” sa Diyos.
Nilalaman ng Liham (5)
•Sa panglimang parte ng liham, ipinapakita muli rito na ang halaga ng isang ina sa tungkulin sa pagpapalaki sa isang anak. Para kay Rizal, iba ang mabuting ina sa ina na gawa ng isang pari. Ang mabuting ina ay dapat palakihin ang anak ng may mabuting asal at respeto sa Diyos.
•Dagdag diin pa dito ni Rizal na ang sabi-sabi na ang kababaihan ng Tagalog ay mangmang at mahina at ang sulat ng isang pari patungkol sa mga kumpisal ng mga kasalanan ng kababaihan na si Don Sinibaldo de Mas ay marahil na hindi totoo.
•“Sa tuing maririnig ó mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na makapaninirá ñg puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai.”
Nilalaman ng Liham (6)
•Sa pang-anim na parte ng liham, ginagamit ni José Rizal ang kababaihan ng Sparta bilang huwaran ng tapang at makabayang pagpapalaki ng anak. Ipinapakita rito ang mga ina sa Sparta ay handang magsakripisyo at magpalaki ng anak na inuuna ang bayan kaysa sarili, kaya sila ginagalang at naging malakas ang kanilang lipunan.
•Ipinakita rin dito ni Rizal na ang kaniyang sinabing kuwento patungkol sa kababihan ng Sparta ay ‘di niya inaahasahang paniniwalaan ng lahat. Pero ang dingin niya sa mga makababasa ng liham niya ay gamitin nila ang sariling pag-iisip at unawaing maigi ang kaniyang mga sinabi.
Nilalaman ng Liham (7)
•“Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni't ang hiling ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi:”
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang unang-una. "Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ñg iba."
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ng pagmamahal sa sarili at nasa labis ng pagkasilaw sa umaalipustá
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ikatlo. Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa talí.
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó Ng kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, Nguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis.
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat magpalaki ng anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag kakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ika-anim. Ang tao'y inianak na paris-paris hubad at walang talí. Dí nilalang Ng Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí hiniyasan ñg katuiran at ñg maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at paggamit ñg matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan.
Isa sa PITONG HABILIN NI RIZAL
Ang ika-pito. Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian.
Huling parte ng Liham
•Sa pangahuling parte ng liham, ito ay panawagan ni Rizal sa malalim na pag-iisip at pagsusuri, hindi niya gusto na basta tanggapin ang kanyang mga sinabi. Gusto niyang magmuni-muni, magsuri, at gumamit ng sariling isip ang mga mambabasa bago maniwala o kumilos.
•"Tubó ko'y dakilá sa puhunang pagod" at mamatamisin ang ano mang mangyari, ugaling upa sa sino mang mañgahas sa ating bayan magsabi ng tunay. Matupad nawá ang inyong nasang matuto at harí na ñgang sa halaman ñg karunuñgan ay huwag makapitas ñg buñgang bubut, kundí ang kikitili'y piliin, pagisipin muná, lasapin bago lunukin, sapagka't sa balat ñg lupá lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ng damong pansirá, kasama sa binhí sa gitná ñg linang.
Buod ng Liham
Pinuri ni Rizal ang mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang tapang na ipaglaban ang kanilang karapatang makapag-aral, lalo na ang pag-aaral ng wikang Espanyol, kahit tutol ang mga prayle. Ipinakita nila na ang babae ay hindi dapat manatiling mangmang at sunud-sunuran lamang. Binigyang diin ni Rizal na mahalaga ang papel ng kababaihan sa lipunan dahil sila ang unang guro ng kanilang mga anak. Kung ang ina ay matalino at may mabuting asal, lalaki ring mabuti at makabayan ang kanyang mga anak. Pinuna rin niya ang maling katuruan na nagtutulak sa kababaihan na maging bulag sa paniniwala at matakot mag-isip nang sarili. Sa halip, hinikayat niya ang kababaihan na mag-aral, gumamit ng isip, at maging matapang sa paghahanap ng katotohanan. Sa huli, umaasa si Rizal na ang mga kababaihang Pilipino ay magiging matalino, marangal, at may paninindigan upang makatulong sa pag-unlad at kalayaan ng bansa.
Ambag sa Lipunan NOON
Nagbigay ito ng kamalayang panlipunan sa kababaihan upang labanan ang pang-aapi at kolonyal na impluwensya.
Hinikayat nito ang edukasyon at kritikal na pag-iisip, lalo na sa kababaihan ng Malolos.
Pinatibay nito ang diwa ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan laban sa kolonyalismo.
Itinuwid nito ang maling paniniwala sa relihiyon at hinikayat ang pagsusuri sa aral ng simbahan.
Ambag sa Lipunan NGAYON
Patuloy itong nagsisilbing inspirasyon sa empowerment ng kababaihan at gender equality.
Itinuturo ng liham ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sariling kaalaman at pagiging mapanuri sa impormasyon.
Nagsisilbi itong gabay sa responsableng pagpapalaki ng kabataan para sa susunod na henerasyon.
Pinapaalala nito ang halaga ng paninindigan sa katotohanan at laban sa maling awtoridad.
•Isinulat ni Dr. Jose Rizal ang liham noong
Pebrero 22, 1889 habang siya ay nanatili sa London.
Si Rizal ay __ Taong gulang lamang noong isinulat niya ang liham.
28
Inihiling ni ___ ng liham na ito kay Rizal.
Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitán (Marcelo H. Del Pilar)
Las Mujeres de Malolos (The Women of Malolos)
ang tawag sa grupo ng 20 kababaihan ng Malolos na nag petisyon sa mga kastila. Instituto de Mujeres de Malolos naman ang tawag sa paaralang natatag nila.
Noong Disyembre 12, 1888
ang mga kababaihang ito ay nagpetisyon kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler na makapagtayo sila ng paaralan patungkol sa wikang Kastila.