PIC Module 4 Aralin 2

0.0(0)
Studied by 0 people
call kaiCall Kai
learnLearn
examPractice Test
spaced repetitionSpaced Repetition
heart puzzleMatch
flashcardsFlashcards
GameKnowt Play
Card Sorting

1/33

encourage image

There's no tags or description

Looks like no tags are added yet.

34 Terms

1
New cards

Ano ang pananamit ng mga katutubong Aeta ayon kay Manuel (1975)?

Payak na pananamit na naaayon sa kanilang kapaligiran at tradisyunal na pamumuhay.

2
New cards

Ano ang isinusuot ng mga kalalakihang Aeta?

Bahag, isang piraso ng telang itinatali sa baywang bilang pantakip sa ibabang bahagi ng katawan.

3
New cards

Ano ang isinusuot ng mga kababaihang Aeta?

Bahag, isang piraso ng telang itinatali sa baywang bilang pantakip sa ibabang bahagi ng katawan.

4
New cards

Bakit nagbago ang pananamit ng mga Aeta?

Dahil sa modernisasyon at paglawak ng pakikipag-ugnayan sa ibang pangkat.

5
New cards

Saan nauugnay ang mga awit at sayaw ng mga Aeta?

Sa pang-araw-araw na buhay, ritwal, paniniwala, at ugnayan sa kalikasan.

6
New cards

Anong instrumentong pangmusika ang ginagamit nila sa mga seremonya?

Tambol at iba pang kagamitang yari sa materyales ng kanilang kapaligiran.

7
New cards

Ano ang naipapahayag ng mga Aeta sa pamamagitan ng musika at sayaw?

Ang kanilang damdamin, karanasan, at pagpapahalaga sa komunidad at kultura

8
New cards

Anu-anong pananim ang itinatanim ng mga Aeta?

Mais, kamote, saging, at mga gulay.

9
New cards

Ano ang gawaing maihahambing sa agroforestry?

Pagtatanim ng mga puno kasabay ng mga pananim.

10
New cards

Ano ang naitutulong ng agroforestry?

Pagpapanatili ng halumigmig ng lupa, pag-iwas sa pagguho ng lupa, at pangangalaga sa kapaligiran.

11
New cards

Ano ang kaalaman ng mga Aeta dahil sa malapit nilang ugnayan sa kalikasan?

Malawak na kaalaman sa mga halaman, hayop, at likas na yaman; alam din nila ang angkop na panahon ng pagtatanim at pag-aani.

12
New cards

Ano ang pinagkukunan nila mula sa kagubatan?

Pagkain, gamot, at materyales (kahoy, kawayan, atbp.) para sa kasangkapan at kagamitan.

13
New cards

Anong sandata ang kilalang gamit ng mga Aeta sa pangangaso?

Pana at palaso.

14
New cards

Para saan ginagamit ang sibat o bangkaw?

Sa pangangaso at bilang pananggalang ng komunidad.

15
New cards

Ano ang pangunahing materyales ng kanilang kagamitan at tirahan?

Kahoy at kawayan.

16
New cards

Para saan mahalaga ang kawayan?

Sa pagtatayo ng bahay at paggawa ng kasangkapan.

17
New cards

Anu-anong iba pang likas na materyales ang ginagamit nila sa kagamitang pantahanan?

Hibla ng halaman at bunot ng niyog.

18
New cards

Ano ang rattan o yantok?

Uri ng halamang palma na tumutubo sa kagubatan

19
New cards

Ano ang ginagawa nila gamit ang rattan?

Basket, upuan, at iba pang kagamitan.

20
New cards

Paano tradisyunal na namumuhay ang mga Aeta?

Pagsasaka, pagtatanim, at pangangaso gamit ang bangkaw.

21
New cards

Ano ang kabuhayan ng simpleng pamumuhay ng mga Aeta?

Pagsasaka, pagtatanim, at pangangaso gamit ang bangkaw.

22
New cards

Bakit mahalaga sa kanila ang komunidad?

Ang sama-samang pagsasama ay nagsisilbing lakas at pananggalang sa mga banta sa kanilang kaligtasan.

23
New cards

Ano ang pagtingin ng mga Aeta sa lupaing ninuno?

Sagrado at may mataas na kahulugan.

24
New cards

Anong pamilya ng wika ang kinabibilangan ng wikang Aeta?

Austronesian o Malayo-Polynesian.

25
New cards

Anu-anong ibang wika ang nasasalita ng marami sa kanila?

Tagalog, Kapampangan, Ilokano, at iba pa (dahil sa pakikipag-ugnayan sa karatig na komunidad).

26
New cards

Ano ang batayan ng mga seremonya ng Aeta?

Ang kanilang paniniwala, kultura, tradisyon, at koneksyon sa kalikasan.

27
New cards

Para saan ang mga seremonya ng Aeta?

Ipagdiwang ang pagkakaisa at patibayin ang ugnayan sa kalikasan at komunidad.

28
New cards

Ano ang Seremonya ng Pag-aalay?

Ritwal ng pasasalamat sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalay ng ani at iba pang likas na yaman.

29
New cards

Ano ang ipinapakita ng ritwal ng pag-aalay?

Paggalang sa kalikasan at sa espiritu, at paniniwala sa maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran.

30
New cards

Ano ang unang hakbang bago ang kasal ng mga Aeta?

Nakikipag-ugnayan ang lalaki at ang kanyang pamilya sa pamilya ng babae bilang paggalang.

31
New cards

Ano ang maaaring ibigay ng pamilya ng lalaki sa kasal?

Handog o tulong bilang simbolo ng kahandaang gampanan ang tungkulin sa pagbuo ng pamilya.

32
New cards

Ano ang kasama sa pagdiriwang ng kasal?

Tradisyunal na awit, sayaw, at pagtitipon ng kamag-anak at komunidad.

33
New cards

Ano ang Seremonya ng Panggagamot?

Tradisyunal na pagpapagaling na gumagamit ng halamang-gamot, kung minsan may kasamang ritwal at paniniwalang espirituwal.

34
New cards

Sino ang nagbabahagi ng kaalaman tungkol sa likas na gamot?

Ang mga nakatatanda sa komunidad.