1/36
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pagbasa
Paraan ng pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakasulat upang mabigkas nang pasalita (Austero, 1999)
Psycholinguistic guessing game (Goodman, 1967)
Kilos o gawa ng tao na tumutukoy sa pag-unawa sa kahulugan ng isang aklat, sulatin at iba pang nasusulat na bagay (Merriam-Webster)
Susing nagbubukas ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa iba't ibang larangan bukod sa ito'y nagbibigay rin ng kasiyahan (Villamin, 1999)
Isang proseso ng pagbubuo ng interpretasyon sa mga simbolong nakasulat
Persepyon
Komprehensyon
Reaksyon
Integrasyon
4 na hakbang ng pagbasa (Gray, 1950)
Persepsyon
Hakbang ng pagbasa
Pagtukoy sa ayos ng mga simbolong nakatala o nakalimbag
Komprehensyon
Hakbang ng pagbasa
Pagbibigay-interpretasyon sa mga ideya ng bawat simbolo
Reaksyon
Hakbang ng pagbasa
Pagbuo ng hatol sa kabuuang kahulugan ng mga simbolo
Integrasyon
Hakbang ng pagbasa
Pag-uugnay nito sa dating kaalaman o karanasan upang ganap na
maunawaan
Pagsulat
Alin ang nauna: pagbasa o pagsulat?
Mesopotamia
Ayon sa kasaysayan, ang _____ na unang pinag-usbungan ng sibilisasyon sa mundo ay ang ugat ng pagkatuto ng tao na sumulat kaya naman inaasahang dito rin nagsimula ang pagkatuto sa pagbasa.
Cuneiform
Sumerian
Ang (1) ay ang unang sistema ng pagsulat sa mundo na pinasimulan ng mga katutubong (2)
Word-signs (pictographs)
Ang mga unang sistema ng pagsulat na ito ay mula sa mga maliliit na imahe na ginamit bilang salita o pagpapahayag ng isang sitwasyon o _____
Top-Down
Bottom-Up
2 teorya ukol sa kakayahan ng tao sa pagbasa
Teoryang Top-Down
Teorya ukol sa kakayahan ng tao sa pagbasa
Naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasang mayroon nang dating kaalaman o prior knowledge (Goodman, 1985)
Ang pag-unawa ay nakabatay sa kabuuang kahulugan ng teksto
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994)
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga kaalaman na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid (schema)
Constructivism
Teoryang Bottom-Up
Teorya ukol sa kakayahan ng tao sa pagbasa
Nainiwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagrama o iba pang simbolo (Flesch, 1955)
Ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom) o ang mismong teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up) o sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan
Batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabularaza
Ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part-to-whole model
Scanning
Ang mabilisang pagbasa upang hanapin ang ispesipikong ideya ng teksto
Nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak at ang mahahalagang salita lamang ang binibigyang-pansin
Skimming
Ang mabilisang pagbasa upang hanapin ang pangkalahatang ideya ng teksto
Pagkuha sa impresyon at pagpili ng materyal na babasahin ang binibigyang pansin at hindi ang mahahalagang salita dahil inaasahan ang pagbuo ng sariling mga salita batay sa naunawaan
Layunin
Pananaw
Damdamin
Pagkilala sa may-akda/katangian ng teksto
Layunin
Pagkilala sa may-akda/katangian ng teksto
Nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto
Maaari itong panghihikayat na paniwalaan ang prinsipyo, pilosopiya, paniniwala, at paninindigan ng may-akda sa kanyang teksto
Pananaw
Pagkilala sa may-akda/katangian ng teksto
Preperensya ng may-akda at ang distansya niya sa tiyak na paksa
Ang teksto ay nasa unang _____ kung ang may-akda nito ay inilalahad ang sarili niyang danas
Nasa ikalawang _____ naman ang may-akda kung ang kaniyang mambabasa ang nais niyang dumanas ng kaniyang teksto
Nasa ikatlong _____ naman ang may-akda kung ang kaniyang inilalahad ay hindi personal na danas bagkus ay ibang tao ang dumadanas nito
Damdamin
Pagkilala sa may-akda/katangian ng teksto
Ipinapahiwatig na pakiramdam ng may-akda sa teksto
Ang may-akda ay maaaring natutuwa, nagagalit, nalulungkot, nagbabahala, o iba pang emosyon
Nakatutulong ito upang maunawaan ang tono ng may-akda sa loob ng binabasang teksto
Primarya
Inspeksyonal
Analitikal
Sintopikal
4 na antas ng pagbasa
Primarya
Antas ng pagbasa
Upang makamit lamang ang literasi sa pagbasa
Pagtukoy rin ito sa mga ispesipikong impormasyon
Ang interpretasyon dito ay tanging porma lamang ng teksto
Inspeksyonal
Antas ng pagbasa
Pag-unawa sa kabuuan ng teksto at nakapagbibigay ng hinuha tungkol dito
Nakabubuo na ng impresyon (katangian ng teksto) tulad layunin, pananaw, at damdamin ng may-akda habang hindi pa lumalabas ng teksto
Paghahanda na para sa mas malalim na pagbasa
Analitikal
Antas ng pagbasa
Paggamit ng mapanuri at kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang teksto
Pag-uugnay ng teksto sa mga nangyayari sa paligid ng mambabasa at hindi na lang sa paligid ng may-akda kaya naman lumalabas na sa teksto
Tinutukoy rin nito ang mga katotohanan at hindi, ang tama o mali, at ang mabuti at masama
Sintopikal
Antas ng pagbasa
Paghahambing ng binasang teksto sa iba pang teksto na iba rin ang may-akda ngunit magkakaugnay-ugnay ang impresyon
May pananaliksik nang ginagawa kaya nakabubuo na ng sariling perspektiba na hindi lang sa labas ng teksto bagkus ay pumapasok na sa iba namang teksto
Panunuring Pampanitikan o Literary Criticism
Proseso ng paghihimay-himay ng mga ideya na ginagamit para sa mas epektibong pag-unawa sa mga akdang pampanitikan
Sinusuri ang akda hindi lang sa porma nito bagkus ay maging sa paglabas ng interpretasyon mula sa pagkakasulat ng akda papunta sa pagkakabasa ng mambabasa
Ang pagsusuring gagawin ng mambabasa ay hindi lang nakakahon sa iisang perspektibo
Klasismo
Romantisismo
Realismo
3 pangunahing dulog ng panunuring pampanitikan
Klasismo
Pangunahing dulog ng panunuring pampanitikan
Pagsusuri sa katwiran ng isang akda
Romantisismo
Pangunahing dulog ng panunuring pampanitikan
Pagsusuri sa kagandahan ng isang akda
Realismo
Pangunahing dulog ng panunuring pampanitikan
Pagsusuri sa katotohanan ng isang akda
Pagsusuri
Pagwawasak ng isang buong ideya upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito at isa-isang maunawaan ang mga ideya (breaking down of ideas)
Ang mga winasak at pinaghiwa-hiwalay na ideya ay muling binuo upang magkaroon ng pangkalahatang ideya
Sintesis
Ang susunod na proseso matapos ang analisis o pagsusuri
Muling pagbubuo ng mga ideya upang magkaroon ng panibagong buong ideya na kaiba sa buong ideyang mayroon bago ang paghihimay-himay
Teksto
Isang maliwanag na hanay ng mga simbolo o palatandaan na nagpapadala ng ilang mga uri ng mensahe upang makapagbigay ng kaalaman
Walang partikular na haba, sukat, o laki ang mga nakasulat na nilalaman
Lahat ng mga nakasulat na may maliwanag na hanay ng mga simbolo tulad ng mga titik/letra, numero, bantas, at guhit na may ipinapadalang mensahe sa mambabasa para makapagbigay ng kaalaman
Konteksto
Ang kultural, historikal, o sikolohikal na kaligiran
Kaluluwa ng teksto
Cultural
Historical
Psychological
3 kaligiran ng konteskto ng isang teksto
Kultural
Kaligiran ng konteksto
Nakabatay sa uri, anyo, o paraan ng pamumuhay ng tao sa kaniyang paligid
Historikal
Kaligiran ng konteksto
Nakabatay sa kasaysayan o impormasyon nagmula sa nakaraan na nilipasan na ng panahon
Sikolohikal
Kaligiran ng konteksto
Nakabatay sa kaisipan, karanasan o oryentasyon ng sinumang sumulat ng teksto