1/25
Looks like no tags are added yet.
Maikling Kuwento
Isang uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng isang pangyayari o karanasan.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Tauhan, tagpuan, banghay, suliranin, at tema.
Tauhan
Mga taong gumaganap sa isang kuwento.
Tagpuan
Lugar at panahon kung saan naganap ang kuwento.
Banghay
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Suliranin
Problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kuwento.
Tema
Pangunahing kaisipan o mensahe ng kuwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
Simula, gitna, at wakas.
Simula
Bahagi kung saan ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuan.
Gitna
Bahagi kung saan nagaganap ang mahahalagang pangyayari at suliranin.
Wakas
Bahagi kung saan nalulutas ang suliranin at nagtatapos ang kuwento.
Personipikasyon
Isang tayutay na nagbibigay ng katangian o kilos ng tao sa mga bagay, hayop, o halaman.
Halimbawa ng Personipikasyon
Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.
Pang-uri
Salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Pang-uring Pamilang
Pang-uring nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan.
Pamilang na Patakaran
Nagsasaad ng tiyak na bilang. Halimbawa: isa, dalawa, tatlo.
Pamilang na Panunuran
Nagsasaad ng pagkakasunod-sunod. Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo.
Pamilang na Pamahagi
Nagsasaad ng bahagi ng kabuuan. Halimbawa: kalahati, sangkapat.
Pamilang na Palansak
Nagsasaad ng pangkat o bilang na pinagsama-sama. Halimbawa: sampu-sampu, dala-dalawa.
Tatlong Kaantasan ng Pang-uri
Lantay, pahambing, at pasukdol.
Lantay
Naglalarawan ng isang tao, bagay, hayop, o lugar nang walang paghahambing.
Pahambing
Naghahambing ng dalawang tao, bagay, hayop, o lugar.
Pasukdol
Nagsasaad ng pinakamatinding katangian ng tao, bagay, hayop, o lugar.
Halimbawa ng Lantay
Mabait si Ana.
Halimbawa ng Pahambing
Mas mabait si Ana kaysa kay Ben.
Halimbawa ng Pasukdol
Si Ana ang pinakamabait sa kanilang lahat.