1/5
Vocabulary practice flashcards covering the definition and characteristics of writing, theoretical perspectives (including Lev Vygotsky's Sociocultural Theory), the goals and applications of technical-vocational writing, and the four major writing genres: Technical, Referential, Journalistic, and Academic Writing.
Pagsulat (Mendoza & Romero, 2013)
Ang pagsalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng tao, o grupo ng tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang kaisipan.
Katangian ng Wastong Pagsulat (Cruz, et al., 2010)
a. Malinaw b. Wasto c. Astetiko d. Maayos
Teorya (Engler, 2014)
Grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hindi pa hustong napag-aaralan. Kinakailangang ito ay may ebidensiya at sapat na katibayan upang mapagnilay-nilayan.

Lev Vygotsky
Isang sikolohistang Ruso na nag pasimula ng Sociocultural theory. Naniniwala siya na ang pakikipaghalubilo sa kapwa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng isang bata patungo sa kanyang pagtanda. Naniniwala din siya na ang lengguwahe at mga salita ay susi upang maging ganap ang pagkatao ng isang indibidwal.
Sociocultural Theory
Teoryang pinasimulan ni Lev Vygotsky kung saan naniniwala siya na ang pakikipaghalubilo sa kapwa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng isang bata patungo sa kanyang pagtanda at ang lengguwahe at mga salita ay susi upang maging ganap ang pagkatao ng isang indibidwal.
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin (Bandril & Villanueva, 2016)
May kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera, at iba pa. Karaniwan ng sulating teknikal ay may katiyakan sa nilalaman at eksakto ang datos at impormasyon.