1/17
Mga talasalitaan at mahahalagang konsepto hinggil sa pagkakaiba ng International Law at Domestic Law, mga pinagmumulan ng batas pandaigdig, at mga sonang pandagat sa ilalim ng UNCLOS.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Geometrik na Hangganan
Uri ng hangganan na nakabatay sa mga linyang heometriko o parallels at meridians, tulad ng 17th Parallel na naghati sa Vietnam at 38th Parallel sa pagitan ng North at South Korea.
Pisikal na Hangganan
Likas na hangganang heograpikal tulad ng mga kabundukan, ilog, o karagatan, halimbawa ay ang Ural Mountains na naghahati sa Europa at Asya.
Pulitikal na Hangganan
Hangganan sa pagitan ng mga bansa o teritoryo na itinakda at iginuhit batay sa opisyal na mapa at legal na kasunduan.
Kultural na Hangganan
Hangganang naghihiwalay sa mga teritoryo batay sa pagkakaiba ng wika, etnisidad, at kultura ng mga pangkat ng tao.
International Law
Kalipunan ng mga tuntunin at kasunduang sinusunod ng mga bansa upang mapanatili ang kaayusan, mapayapang ugnayan, at kooperasyon sa pandaigdigang pamayanan; nagsisilbing batayan sa paglutas ng mga pandaigdigang alitan.
Domestic Law
Mga batas na ginagawa at ipinatutupad ng pamahalaan sa loob ng sariling bansa upang mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng sariling mga mamamayan.
Article 38(1) ng Statute of the International Court of Justice
Probisyong nagtatakda sa mga pangunahing pinagmumulan ng International Law: International Conventions, International Customs, General Principles of Law, at Judicial Decisions.
International Conventions
Mga pormal na pandaigdigang kasunduang nilalagdaan ng mga bansa upang magkaroon ng iisang tuntunin sa isang partikular na usapin.
International Customs
Mga kaugalian at gawi na matagal nang sinusunod at kinikilala ng mga bansa bilang bahagi ng batas.
General Principles of Law
Mga pangkalahatang prinsipyong legal na kinikilala at pinatutupad ng mga bansang may umiiral na sistemang legal.
Judicial Decisions (Pinagmumulan ng International Law)
Mga desisyon ng mga pandaigdigang hukuman at mga turo o sulatin ng mga kinikilalang eksperto na nagsisilbing gabay at batayan sa International Law.
UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea)
Pandaigdigang kasunduan na nagtatakda ng mga tuntunin at hangganan sa paggamit, pangangalaga, at pamamahala ng mga karagatan at yamang-dagat upang maiwasan ang mga alitan.
Baselines
Karaniwang linya ng mababang tubig sa baybayin kung saan sinusukat ang sakop ng iba't ibang sonang pandagat ng isang bansa.
Territorial Sea
Sonang pandagat na may layong hanggang 12 nautical miles mula sa baselines; ganap na bahagi ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Contiguous Zone
Sonang pandagat na umaabot hanggang 24 nautical miles mula sa baselines kung saan maaaring magpatupad ang bansa ng mga batas ukol sa seguridad, buwis, imigrasyon, at sanitaryo.
Exclusive Economic Zone (EEZ)
Sonang pandagat na umaabot hanggang 200 nautical miles mula sa baselines kung saan may eksklusibong karapatan ang bansa sa paggalugad, paggamit, pagpapanatili, at pamamahala ng likas-yaman.
High Seas
Bahagi ng karagatan na lampas sa 200 nautical miles mula sa baselines; bukas sa lahat ng bansa at hindi saklaw ng teritoryo ng alinmang estado alinsunod sa batas internasyonal.
Permanent Court of Arbitration (PCA)
Pandaigdigang institusyon na tumutulong sa mapayapang paglutas ng mga alitan sa pagitan ng mga estado sa pamamagitan ng arbitration at legal na proseso; duminig sa kaso ng Pilipinas kaugnay ng West Philippine Sea.