1/16
Looks like no tags are added yet.
Sino ang mga Aeta?
Isa sa mga pinakaunang pangkat ng tao sa Pilipinas (Manuel, 1975)
Saan sila matatagpuan?
Gitnang Luzon: Zambales, Pampanga, Tarlac, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, at karatig-pook
Ano ang ibang tawag sa Aeta
Ayta o Agta, depende sa lokasyon at pangkat etnolingguwistiko.
Saan sila pangunahing naninirahan
Kagubatan at kabundukan ng Luzon.
Anu-anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang tinitirhan nila?
Zambales, Pampanga, Tarlac, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, at karatig-pook
Ano ang tatlong tradisyunal nilang kabuhayan?
Pangangaso, pangingisda, at pagtitipon ng pagkain mula sa kalikasan.
Kailan sila nanirahan sa Pilipinas kumpara sa pagdating ng mga Kastila?
Nauna sila bago pa dumating ang mga Kastila noong ika-16 na siglo.
Ano ang nangyari sa pamumuhay nila nang dumating ang mga Kastila?
Unti-unting nagbago dahil sa paglawak ng kolonisasyon at pagpasok ng ibang pangkat sa lupaing ninuno.
Bakit lumipat ang mga Aeta sa mas malalayong kagubatan at kabundukan?
Upang mapanatili ang kanilang kalayaan, kultura, at tradisyunal na pamumuhay.
Anu-anong suliranin ang naranasan ng mga Aeta?
Kolonisasyon, pagpasok ng mga dayuhan, at pagkalat ng mga epidemya.
Ano ang epekto ng mga suliraning ito sa kanila?
Naapektuhan ang kanilang kalusugan, populasyon, at tradisyunal na pamumuhay; napilitan silang lumikas
Paano nakibahagi ang mga Aeta sa ekonomiya noong ika-20 siglo?
Sa pamamagitan ng pangangalakal, pagsasaka, at iba pang hanapbuhay.
Ano ang nangyari nang makisalamuha sila sa ibang pangkat etniko?
Nagbago ang kanilang pamumuhay at kabuhayan, pero napanatili ang kanilang tradisyon at pagkakakilanlan.
Ano ang papel ng mga Aeta sa kasaysayan ng Pilipinas?
Nakilahok sila sa paglaban sa pananakop at ipinagtanggol ang lupaing ninuno, kultura, at karapatan.
Ano ang ginagawa ng mga Aeta sa kasalukuyan?
Nagtataguyod ng mga samahan at organisasyon para isulong ang kanilang karapatan, kultura, at pagkakakilanlan.
Paano nila isinusulong ang kanilang karapatan at pag-unlad?
Sa pamamagitan ng edukasyon, pakikilahok sa pamayanan, at pagtatanggol sa kanilang karapatan.
Ano ang layunin ng mga samahan ng Aeta ngayon?
Umunlad ang kanilang kalagayan habang napapanatili ang mayamang pamana at kultura para sa susunod na henerasyon.