1/40
Mga talasalitaan at mahahalagang konsepto ukol sa pamumuhay, wika, Baybayin, panitikan, at mga awitin noong Panahon ng Katutubo.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Pagkakaingin
Paraan ng pagtatanim (slash-and-burn) sa mga kabundukan sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng mga halaman.
Pagpapatubig
Paraan ng pagtatanim (wet-rice agriculture) sa mga kapatagan at lambak.
Piloncitos
Maliit na ginto na ginamit ng mga sinaunang Pilipino bilang pambayad sa pakikipagkalakal.
Bahay Kubo
Ang karaniwang tirahan sa kapatagan at baybayin na nakaangat sa lupa at gawa sa kawayan, nipa, cogon, at kahoy.
Kweba ng Tabon
Sinaunang kanlungan sa Palawan kung saan natagpuan ang mga labi ng mga ninunong nabuhay libo-libong taon na ang nakalipas.
Balangay
Ang batayang yunit ng pamahalaan sa sinaunang lipunan na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya.
Datu
Ang pinuno ng balangay na nagsisilbing lider sa digmaan, hukom, at tagapagpatupad ng batas.
Maharlika
Ang pinakamataas na antas sa lipunan ng mga katutubo at ang namumunong uri.
Timawa
Ang malayang mamamayan sa sinaunang lipunan na nakikipaglaban kasama ang datu at tumutulong sa pamayanan.
Aliping Namamahay
Uri ng alipin na may sariling tirahan at ari-arian.
Aliping Saguiguilid
Uri ng alipin na nakatira sa tahanan ng panginoon at walang sariling ari-arian.
Animismo
Paniniwala na ang mga bagay sa kalikasan at ang mga espiritu ng ninuno ay may buhay, kaluluwa, at kapangyarihan.
Anito o Diwata
Espiritu ng mga ninuno na pinaniniwalaang nananatili upang gabayan at protektahan ang kanilang pamilya.
Baybayin
Ang katutubong sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Tagalog at iba pang pangkat sa Pilipinas na binubuo ng 17 simbolo (3 patinig at 14 katinig).
Abugida
Uri ng alpasilabaryo o sistema ng pagsulat kung saan ang bawat simbolo ay kumakatawan sa isang buong pantig sa halip na iisang titik lamang.
Alibata
Katawagang binuo batay sa unang tatlong titik ng alpabetong Arabo (Alif, Ba, Ta) dahil sa maling akala na doon nagmula ang sinaunang pagsulat ng Pilipinas.
Paul Rodríguez Verzosa
Ang Pilipinong lingguwista, iskolar, at propesor na bumuo at nagmungkahi ng salitang "Alibata".
Kudlit
Bantas na inilalagay sa itaas (para sa E/I) o sa ibaba (para sa O/U) ng katinig sa Baybayin upang baguhin ang tunog ng patinig nito.
Virama
Bantas na tinatawag ding krus-kudlit na inilalagay sa ibaba ng katinig sa Baybayin upang alisin ang kasamang tunog na patinig.
Pasalin-dila na Panitikan
Mga panitikan na ipinapasa sa pamamagitan ng pagsasalita o pagkukuwento mula sa isang henerasyon patungo sa iba.
Tanaga
Sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod, may tugmaan, at may pitong pantig sa bawat taludtod.
Bugtong
Isang palaisipan na gumagamit ng mga pahiwatig at kailangang hulaan.
Salawikain
Sinaunang kasabihan na naglalaman ng aral, payo, o karunungan sa buhay.
Kasabihan
Isang simpleng pahayag na nagbibigay ng payo, paalala, o obserbasyon tungkol sa buhay.
Sawikain
Parirala o grupo ng mga salita na may hindi literal na kahulugan.
Alamat
Kuwento na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, halaman, hayop, o pangalan.
Mito
Kuwento tungkol sa mga diyos, diyosa, bayani, at supernatural na nilalang na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo o kalikasan.
Epiko
Mahabang salaysay tungkol sa kabayanihan, pakikipagsapalaran, at pambihirang kapangyarihan ng isang bayani.
Kuwentong-bayan
Kuwentong ipinapasa sa henerasyon na nagpapakita ng kultura, paniniwala, at kaugalian ng isang pamayanan.
Bulong
Maikling salita o pahayag na sinasabi bilang paggalang o paghingi ng pahintulot sa mga espiritu bago pumasok sa isang lugar.
Hudhud
Tradisyunal na epikong awit o salaysay ng mga Ifugao tungkol sa kanilang kultura at pamumuhay.
Ullalim
Tradisyunal na epikong awit ng mga Kalinga na naglalahad ng kanilang mga kuwento at kultura.
Darangen
Tradisyunal na epikong awit o salaysay ng mga Maranao na naglalahad ng kanilang kultura, bayani, at kaugalian.
Oyayi
Awiting-bayan na ginagamit sa pagpapatulog ng sanggol.
Diona
Awiting-bayan na ginagamit sa panliligaw o pagpapakasal.
Dalit
Awiting-bayan na ginagamit sa pagpuri sa mga diyos o sa mga gawaing panrelihiyon.
Soliranin
Awiting-bayan ng mga manggagawa o mamamangka habang nagtatrabaho.
Kumintang
Awiting-bayan na tungkol sa digmaan o pakikipaglaban ng mga mandirigma.
Kundiman
Awiting-bayan na nagpapahayag ng malalim na pag-ibig at katapatan sa minamahal.
Sambotani
Awiting-bayan na nagpapahayag ng tagumpay at pagdiriwang matapos ang digmaan.
Talindaw
Awiting-bayan ng mga namamangka habang naglalakbay sa tubig.