1/23
Ang layunin ng flashcard set na ito ay magbigay sa mga mag-aaral ng Senior High School ng mga karagdagang tulong para sa araling Gamit ng Wika sa Lipunan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino . Pabuya: Ang kagamitang ito sa pag-aaral ay 100% independiyente at hindi opisyal; ito ay hindi ginawa, inindorso, o nauugnay sa ating paaralan, guro, o kurikulum ng aralin. Ang mga flashcard na ito ay inilaan lamang para sa pagrepaso kasama ang kapwa mag-aaral at para sa sariling pag-aaral, at mahigpit na ipinagbabawal na buksan o gamitin ang mga ito habang nagsasagot ng anumang pagsusulit, eksamen, o gawaing may marka alinsunod sa mga patakaran ng integridad sa akademya. Bagaman ginawa ang lahat ng pagsisikap upang matiyak ang kawastuhan, ang materyal na ito ay ibinabahagi "kung ano lamang ito" (as-is) mula sa isang kapwa mag-aaral at hindi mula sa isang opisyal na teksbuk. Ang gumawa nito ay walang pananagutan o pananagutang legal sa anumang mga pagkakamali, pagkukulang, o sa indibidwal na resulta sa akademya, kabilang ang marka sa pinal na eksamen o pangkalahatang marka. Pakiusap na palaging i-cross-reference o ihambing ang mga card na ito sa inyong opisyal na silabus at mga tala sa talakayan.
Name | Mastery | Learn | Test | Matching | Spaced | Call with Kai | Chat |
|---|
No analytics yet
Send a link to your students to track their progress
Komunikasyon
Ito ay proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, inpormasyon, karanasan, at mga saloobin ng tao sa kanyang kapwa.
Komunikasyong Berbal
Ito ang uri ng komunikasyon na gumagamit ng wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na maaaring sa paraang pasulat o pasalita.
Komunikasyong Ekstra-berbal
Nandito nakapaloob ang tamang tono o timbre ng boses, wastong bagal o bilis ng ritmo, at lakas o hina ng pagbigkas ng salita,
Komunikasyong Di-berbal
Ito ang uri ng komunikasyon na hindi gumagamit ng wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Chronemics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na gumagamit ng oras sa pagbibigay ng mensahe o kahulugan.
Proksemika
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na binibigyang pansin ang klasipikasyon ng distansiyang interhuman.
Kinesics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na pag-uugnay ng mga galaw o kilos ng katawan na nagtataglay ng kahulugan.
Regulative
Ito ang uri ng kinesics kung saan ginagamit sa pagkontrol ng kilos ang kumpas.
Descriptive
Ito ang uri ng kinesics kung saan naglalarawan ng espisipikong katangian ang kumpas.
Emphatic
Ito ang uri ng kinesics kung saan ang kumpas ay nagpapakita ng damdamin.
Haptics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na gumagamit ng pandama sa pagpapahatid ng mensahe na nakikita sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay.
Colorics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na gumagamit ng kulay upang magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Iconics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na gumagamit ng imahe o simbolo na may malinaw na mensahe.
Oculesics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon kung saan gumagamit ng mata sa paghahatid ng mensahe.
Objectics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon na gumagamit ng mga bagay sa paghatid ng mensahe na nagtataglay ng kahulugan sa mga taong makatatanggap nito.
Pictics
Ito ang uri ng di-berbal na komunikasyon kung saan ginagamit ng mananalita ang kanyang mukha upang makuha ng tagapakinig ang mensahe.
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Siya ang tanyag na lingguwista na nagbigay tuon sa pag-aaral kung paano ginagamit ang wika sa iba’t-ibang konteksto ng lipunan (Systemic Functional Linguistics).
Instrumental
Ito ang uri ng gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa iba.
Regulatoryo
Ito ang uri ng gamit ng wika na nagkokontrol sa kilos at asal ng isang tao.
Interaksyonal
Ito ang uri ng gamit ng wika sa pakikipagtalastasan sa iba na nagbubunsod ng pakikipagkapwa-tao.
Personal
Ito ang uri ng gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin, saloobin, o opinyon.
Heuristiko
Ito ang uri ng gamit ng wika sa pagkuha at paghanap ng impormasyon.
Representasyunal
Ito ang uri ng gamit ng wika sa pagbibigay ng impormasyon.
Pampanitikan
Ito ang uri ng gamit ng wika sa paglilikha ng akda.