1/51
Looks like no tags are added yet.
Heograpiya
Pag-aaral ng mga pisikal na katangian ng daigdig (lupa, klima, tubig, at likas na yaman) at kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao.
Kultura
Kabuuan ng paniniwala, tradisyon, wika, sining, at iba pang paraan ng pamumuhay ng tao.
Kaugnayan ng Heograpiya at Kultura
Ang kapaligiran ay humuhubog sa kabuhayan, kultura, tradisyon, at pakikisalamuha ng tao.
Kapatagan
Karaniwang kabuhayan ay pagsasaka.
Tabing-dagat
Karaniwang kabuhayan ay pangingisda.
Ifugao
Halimbawa ng kulturang nabuo sa kabundukan.
Bohol
Halimbawa ng kulturang nabuo sa tabing-dagat.
Lokasyon
Nagdidikta ng mga materyales, disenyo ng bahay, kabuhayan, at kultura.
Bundok, Lambak, at Malalayong Isla
Naglilimita sa komunikasyon ng mga tao.
Baybay-dagat at Ilog
Nagsisilbing ruta ng kalakalan, migrasyon, at impluwensiyang panlabas.
Pilipinas bilang Arkipelago
Pinag-isang espasyo ng interethnic exchange dahil sa paglalayag.
Ilaya
Lokasyong mataas o nasa looban tulad ng bundok at mataas na bahagi ng bayan.
Kabuhayan sa Ilaya
Agrikultura, pangangaso, pagtotroso, at pag-aalaga ng hayop.
Igorot
Pangkat na naninirahan sa matataas na bahagi ng Cordillera.
Banaue Rice Terraces
Hagdan-hagdang palayan na may sistemang irigasyon.
Ifugao
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Bontoc
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Kankanaey
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Ibaloi
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Kalinga
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Tinguian
Isa sa mga pangkat ng Igorot.
Kabuhayan ng Igorot
Pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, wood carving, at paghahabi.
Paniniwala ng Igorot
Paniniwala sa Anito, kalikasan, at paggalang sa mga ninuno.
Pakikipagkalakalan ng Igorot
Kilala sa makukulay na tela, bulul, gangsa, at canao.
Binukot
Dalagang pinalaki sa loob ng bahay at may mataas na dangal.
Binukot
Mula sa salitang "bukot" na nangangahulugang ikinubli.
Panay Bukidnon
Katutubong pangkat na may tradisyong Binukot.
Ilawod
Lokasyong patungo sa dagat o downstream ng ilog.
Kabuhayan sa Ilawod
Umaasa sa yamang-dagat at pakikipagkalakalan.
Kultura ng Ilawod
Bukas sa impluwensiya ng ibang kultura.
Moro
Pangkat na kaugnay ng Sulu Zone at Guerras Piraticas.
Sulu Zone
Magkakaugnay na rehiyong pandagat.
Guerra Piraticas
Digmaang pandagat, pandarambong, o pakikidigma.
Badjao
Grupong katutubo na kilala bilang Sea Gypsies.
Sea Gypsies
Tawag sa Badjao dahil sa kanilang pamumuhay sa dagat.
Isyu ng Badjao
Pag-urong ng dami ng isda at modernisasyon.
Ilaya (Tagalog)
Tumutukoy sa looban o mataas na lugar.
Iraya (Bicolano)
Katumbas ng Ilaya sa wikang Bicolano.
Ilawod (Hiligaynon)
Tumutukoy sa tabing-ilog o tabing-dagat.
Lilod (Maranao)
Katumbas ng Ilawod sa wikang Maranao.
Pagtatagpo ng Kalinangan
Pagpapalitan ng produkto, ideya, tradisyon, at teknolohiya ng mga tao mula sa iba't ibang lugar.
Kalakalan
Pagpapalitan ng mga produkto ng Ilaya at Ilawod.
Pag-aasawa ng taga-Ilaya at taga-Ilawod
Nagbubuo ng alyansa at pagkakaisa.
Pagbisita sa mga Pista
Paraan ng pagpapalitan ng kultura.
Pagpapalit ng Kultura at Wika
Paghiram ng mga salita at impluwensiya sa pagitan ng mga pangkat.
Empatiya
Pagpapalawak ng pananaw at pag-unawa sa iba.
Pagkakaisa sa Kabila ng Pagkakaiba
Paggalang at pagtanggap sa iba't ibang kultura.
Ugnayan ng Heograpiya at Kultura
Malaki ang papel ng kapaligiran sa paghubog ng pamumuhay, tradisyon, at pagkakakilanlan ng tao.
Uri ng Lugar
Batayan ng kabuhayan, wika, at mga gawi ng tao.
Kapaligiran
Pangunahing salik na humuhubog sa pagkakakilanlan at kultura ng tao.
Pagtatagpo ng Ilaya at Ilawod
Nagaganap sa pamamagitan ng kalakalan, kultura, at tradisyon.
Kahalagahan ng Pagtatagpo ng Ilaya at Ilawod
Napapalawak ang pananaw, napapalakas ang pagkakaisa, at naipapakita na ang pagkakaiba-iba ng kultura ay isang yaman na dapat igalang at ipagmalaki.